Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/24/2025
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sa kabila ng limitado ng basaan sa Wata-Wata Festival sa Lungsod ng San Juan,
00:05nagkagulo ang ilang kabataan at nagkabasagan pa ng bote.
00:10Saksi, si Oscar Oida.
00:14Oscar Oida!
00:18Wata-Wata!
00:19Bata man o matanda, walang maiiwang hindi basa sa pagdiriwang ng Wata-Wata Festival sa San Juan.
00:31Gamit ang firetruck, ang mga residenteng nakilahok, sinabuya ng tubig habang umiindak at nagsasaya sa masayang musika.
00:41Meron ding mga nagsumba.
00:43Naglagay din ang pool sa gitna ng basaan zone.
00:46Mayroon ding pa-dunk tank at pa-consert.
00:50Meron pang street dance competition kung saan naging mainit ang laban.
00:56Tamang-tama sana ang basaan dahil sa mainit na panahon.
01:00Pero may mga nanghina at nahilo at naimatay.
01:04Sa gitna ng kasiyahan, ilang kabataan ang nagkagulo at nagkabasagan ng bote.
01:09May ilang nasugatan.
01:11Ang gulo, nag-ugat daw matapos magkabatuhan ng water gun.
01:15Agad namang naawat ang gulo dahil sa mga nakapaligid na pulis.
01:20Karamihan po sa kanila ay hindi po taga San Juan.
01:23Chinect namin, they're not from our city.
01:27Again, sa lahat po ng mga gustong makiisa sa aming kapistahan, welcome na welcome po kayo.
01:31Ang aking panawagi lang po, huwag naman tayong manggulo.
01:35Ang mga ganitong insidente ang iniiwasan ng LGU, kaya mas nagigpit na ngayong taon.
01:41Mula 7am hanggang 2pm na lang ang ginawang basaan.
01:46Nilimita lang sa loob ng itinalagang basaan zone.
01:49Ang pinaglabanan road mula Endomingo hanggang Pigivara at ang paligid ng pinaglabanan shrine.
01:57Bawal din ang paggamit ng maruming tubig at anumang bagay na nakakasakit.
02:02May ipinatumad ring liquor ban.
02:04Yung basaan po, hindi yung saan man, mas solid po ngayon.
02:07Walang perwiso.
02:09Yung papunta sa trabaho, iba, may emergency, etc.
02:17Yun lang.
02:18Noong nakarang taon, nag-viral ang ginawa ni Boy Dila na anyay pagmamalabis sa basaan.
02:25Kaya ngayong taon, maitinakda na rin 5,000 pisong multa para sa mga lalabag sa guidelines
02:31at hanggang 10 araw na kulong bilang parusa.
02:36Para sa GMA Integrated News, ako si Oscar Oydang, inyong Saksi!

Recommended