Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 7/3/2025
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Ipatutupad na rin ng MNDA ang No Contact Apprehension Policy malapit sa ilang paaralan sa Metro Manila.
00:06Nag-eambudo kasi ang mga sasekendoon dahil sa hatid sundo ng mga estudyante.
00:11Saksi, si Maki Pulido.
00:18Tuwing hatiran o sunduan ng mga estudyante sa ilang pribadong eskwelahan sa Metro Manila,
00:23sabi ng MNDA, sure na yan, mabigat ang traffic.
00:26Sa Tineo de Manila pa lang sa Quezon City, nasa 14,000 na mga sasakyan ang labas-pasok ng school compound buong araw.
00:34Sa dami rin ang mga sasakyan ng estudyante sa Lasal Griniel, salimbawa.
00:38Minsan, nagiging parking space na ang Ortigas Avenue sa San Juan.
00:41Nagiging choke points.
00:43Ito pong mga lugar na ito dahil po sa dami ng sasakyan na naghahatid at nagsusundo po ng mga estudyante.
00:52Minsan, dalawa, tatlong lanes na yung nasasako.
00:58Ang solusyon ng MNDA, No Contact Apprehension Policy o NCAP.
01:03Nagkakabit na raw ng mga CCTV sa mga bahagi ng EDSA, Ortigas at Katipunan,
01:08malapit sa mga entrada ng PUVEDA, Lasal Green Hills, Savior School at Immaculate Conception Academy o ICA,
01:15Miriam College at Ateneo.
01:17Tatanggalin na raw ang MNDA traffic enforcers sa lugar.
01:20Yung mga enforcers namin, hindi rin namin alam kung nababribe ba sila, may maintenance ba sila.
01:26Kaya pinahayaan nila na hindi enforced strictly yung traffic rules.
01:32Hindi naman namin mabantayan yung tao namin 24-7.
01:36That's why nga, instead of enforcers, ang ilalagay na namin sa CCTV cameras.
01:41Sa meeting kanina kasamang MMDA, sinabi ng mga kinatawan ng mga pribadong eskwelahan na supportado nila ang balak gawin ng MMDA.
01:50Kahit naman daw sila ayos sa mabigat na traffic, kaya may kanya-kanyang inisiyatibo daw sila para mabawasan ito.
01:56Magsasagawa lang daw muna ng mga one-on-one meeting para mahimay ang guidelines
01:59at kung ano ang masisita sa NCAP bago ito tuluyang ipatupad.
02:03Para sa GMA Integrated News, ako si Maki Pulido, ang inyong saksi.
02:10Mga kapuso, maging una sa saksi.
02:13Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.

Recommended