Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/24/2025
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Kinoopirma ni Vice President Sara Duterte na isa ang Australia sa kinonsidera para sa interim release ng amang si dati Pangulong Rodrigo Duterte.
00:10Pero ang hiling na interim release ipinababasura ng Office of the Prosecutor ng International Criminal Court.
00:17Saksi si Marisol Abduraman.
00:22Australia is in the list of countries that are considered by the lawyers.
00:27Si Vice President Sara Duterte na mismo nang kumpirma na isa ang bansang Australia sa kinonsidera ng legal team ng kanyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte para sa kanyang interim release.
00:39Paglilinaw ng bisi, hindi ito ang kanyang pakay sa kanyang pagbisita sa Australia kamakailan.
00:44Gayunman, sinubukan daw niya makipag-ugnayan kay Australian Foreign Minister Penny Wong.
00:49But unfortunately, she is unable to meet me on Monday. So I will not be visiting Australian government officials for this visit. But I do hope that I can meet them in my next visit in the future.
01:04Bukod sa Australia, may isa pang bansa na binanggit sa hiling na interim release ng kanyang ama pero hindi siya nagbigay ng detalye tungkol dito.
01:12Sa labin limang pahin ang dokumento noong June 23, hiniling ng Office of the Prosecutor ng International Criminal Court na huwag pagbigyan ng interim release na hiling ng defense team ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
01:24Ayon sa prosekusyon, kailangan nakadetain ang dating Pangulo sa Deheg Netherlands para matiyak na haharap siya sa paglilitis.
01:31Lalo't di rin nito tinatanggap ang pagkalehiti mo ng legal proceedings laban sa kanya.
01:37Posible rin daw, magkaroon ng oportunidad ang dating Pangulo na pagbantaan ang mga testigo kung pagbibigyan ang interim release.
01:44Sinangot din ang prosekusyon ang sinabi ng depensa na naghayap ng hindi pagputulang prosekusyon sa pansamantalang paglaya ni Duterte sa hindi binanggit na bansa.
01:53Ayon sa prosekusyon, hindi sila pumayag na sa naturang bansa isagawa ang interim release, kundi sa ibang bansa na di rin nila pinangalanan.
02:01May mahabang kaysaysay na raw ito ng kooperasyon sa ICC, di gaya ng bansang tinukoy ng kampo ni Duterte sa kanyang hiling.
02:08May mga redacted o itinago sa public version ng dokumento, pero nabanggit nakakain ng oras at magiging komplikado ang pagpapaharap sa dating Pangulo sa ICC.
02:18Wala pang pahayag tungkol dito ang kampo ng dating Pangulo.
02:22Para sa GMA Integrated News, Marisol Abduraman, ang inyong saksi.
02:27Mga kapuso, maging una sa saksi.
02:32Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.

Recommended