Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/24/2025
Bago ngayong gabi Balik-bansa na ang unang batch ng mga Pilipino sa gitnang silangan na nagpasundo bunsod ng hidwaan ng Israel at Iran. Alanganin pa rin ang sitwasyon doon para sa mga Pilipino,
lalo noong pinuntirya ng Iran ang air base ng Amerika na nasa Qatar! May report si JP Soriano.


State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Bago ngayong gabi, balikban sana ang unang batch ng mga Pilipino sa gitnang silangan na nagpasundo bunsud ng hidwa ng Israel at Iran.
00:09Alanganin pa rin ang sitwasyon doon para sa mga Pilipino, lalo noong pinuntiriyan ang Iran ng airbase ng Amerika na nasa Qatar.
00:16May report si JP Soriano.
00:20Tumawid ng Persian Gulf ang mga missile ng Iran.
00:24Gumuhit ang mga yan sa kalangitan ng Qatar.
00:27Target nila ang Aodeid Airbase, ang pinakamalaking military installation ng Amerika sa Middle East.
00:33Ganti umano ito ng Iran matapos puntiriyahin ang tatlong nuclear sites nila ng airstrikes ng Amerika.
00:41Nakasalagman ng Qatar may mga debris pa rin na tumama sa lupa.
00:45Kinonde na ng Qatar ang ginawa ng Iran na nagdulot din ang takot sa mga nakasaksing Pilipino.
00:51Ang caregiver na si Christine, halos tatlong oras na nagtago sa bayon.
00:57Ang caregiver na si Christine, halos tatlong oras na nagtago sa basement kasama ang kanyang amo.
01:22Ang amo ko, yung madam, biglang bumaba at sabi magtago nga kami sa basement and then yun nga lahat kami nagbabaan.
01:30Pero hindi daw siya mapakali dahil alam niyang nasa kalsada ang asawa niyang delivery rider sa mga oras na iyon.
01:38Ang damay!
01:39First time, kinabahan po talaga ako ma'am kasi feeling ko parang tuloy-tuloy na siya pero pinakalma lang din kami ng mga lokal dito.
01:48Dahil sa missile strike, ipinagbawal ang paglipad, papasok at palabas ng Qatar.
01:54Nadelay tuloy ng mahigit sampung oras ang flight ng 31 Pilipino na nirepatriate ng Department of Migrant Workers.
02:02Nakarating na sila ng Pilipinas ngayong gabi, 26 galing sa Israel, 3 galing Jordan at tig-isa mula Palestine at Qatar.
02:12Handa naman daw ang AFP na tumulong sa pag-repatriate sa mga Pilipino sa gitnang silangan.
02:17Sa datos ng Department of Foreign Affairs, mahigit 2.1 milyon ang mga Pinoy sa Middle East kasama na mga Pinoy sa Israel at Iran.
02:27May mahigit 222,000 namang mga Pinoy sa Qatar.
02:31The Armed Forces of the Philippines is closely monitoring developments in the Middle East.
02:37Should the need arise, the Armed Forces of the Philippines stands ready to assist as directed.
02:43JP Soriano, nagbabalita para sa GMA Integrated News.

Recommended