Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
Lalong idiniin ng whistleblower na si Julie Dondon Patidongan ang aktres na si Gretchen Barretto sa pagkawala ng mga sabungero. Idinetalye niya sa GMA Integrated News ang mga nasaksihan at narinig sa isang pulong ng tinaguriang Alpha Group na kinabibilangan daw ng aktres para raw ligpitin ang mga mandaraya sa sabong. Ang alegasyon ni Patidongan, tinawag ng kampo ni Barretto na "belated embellishment" o pahabol na dagdag sa kuwento. Narito ang aking report.




State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Thank you very much.
00:30Thank you very much.
01:00Yung Le, Sarle, yun kinuha ko yan. Kinuha ko sa pangalan nilang dalawa.
01:05Ninong din ang kasosyo-umanon ni Ang na si Engineer Celso Salazar.
01:09Sabi ni Pati Dongan, bahagi raw si Nabareto at Salazar ng Alpha Group o yung mga pinakamalalapit kay Ang.
01:16Nasaksihan daw niya mismo kung paanong nagdesisyon ang Alpha Group sa kapalaran ng mga sabongero.
01:21Kasama siya sa pumayag na walain yung mga sabongero.
01:27Ngayon, isa sa tumas ng kamayan. Si Gritzen Barito.
01:31Tumas ang kamay, ano ibig sabihin nun?
01:33Isa siya sa pumayag na walain yung mga natsutsupi. Kasi sabi nga ni Mr. Atonghang, pag hindi natin gawin yan, babagsak yung negosyo natin.
01:46At imposibleng matututul siya, ikatabi siya mismo lagi ni Mr. Atonghang pag nag-meeting.
01:52Ibig sabihin, taasan ng kamayon.
01:54Paburan yan, tinitingnan kung sino ang against o hindi.
01:57Meron ka pa bang ibang ebidensya kay Gritzen?
02:00Lagi kasama ni Mr. Atonghang yan.
02:03Pinalagan ng kampo ni Barito ang pagdawit sa kanya.
02:06We deny it. She denies it. Kategorially.
02:10Dahil?
02:11Because the fact of the matter is, wala siyang kinalaman doon, wala siyang ginawa, wala siyang sinabi that connects with the disappearance of the sapongeros.
02:22Kahit itinuturing ng suspect ng DOJ si Barito, iginiit ng kanyang abugado na wala pa rin matibay na ebidensya laban sa aktres.
02:30Yung sinabi ni Secretary Rimulya, naiintindihan ko, nang ibig niya lang niyang sabihin na tinuturin niyang suspect si Ms. Gretchen Barito ay dahil siya'y pinalanganan ng whistleblower.
02:44I'm very confident na magkakaroon pa ng investigation.
02:48May sumubok daw mangikil para maalis ang pangalan ni Barito sa listahan ng mga dawit sa kaso.
02:53Sinasabi na just pay off.
02:55Nakipag-usap ka na, makipag-usap, makipag-deal ka na.
03:01And you mentioned that you think that the whistleblower is part of this?
03:05I think, I think he must have been.
03:08Dahil?
03:09Dahil the person who made the proposition must also connect it to the whistleblower.
03:17Wala pa raw formal na sapina o summons mula sa Department of Justice na natatanggap ang kampo ni Gretchen Barito.
03:23Gayun pa man, tiniyak ng kampo niya na bukas sila sa investigasyon at handa makipagtulungan dahil wala raw silang tinatago.
03:30Giit pa ng abogado ni Barito, mag-business partners lang ang aktres at si Ang.
03:35At posible raw na nadawid si Barito dahil isa siyang investor at alpha member sa e-sabong operations.
03:40Bakit hindi yung mga ibang investors?
03:43Bakit yung mga ibang tao?
03:45Bakit si Ms. Gretchen?
03:46Kasi kilala siya.
03:48If there was really any involvement in the part of Ms. Barito then, it would have surfaced noon-noon pa.
03:55Bakit ngayon lang?
03:56Bukod sa investors, idinadawit din ni Pati Dongan ang ilang polis na nasa payola raw ni Ang.
04:02Naitago pa ni Pati Dongan ang petty cash voucher na patunay umano ng mga binayad noon sa mga polis na lumigpit daw sa mga sabongero.
04:10Ang isang petty cash voucher na may halagang 200,000 pesos nakapangalan sa isang polis colonel.
04:162 million pesos naman daw para sa isang polis lieutenant colonel.
04:20At mahigit 2.6 million pesos daw para sa isang unit ng PNP.
04:24Intel lang kasi nakalagay doon. Pag sinabing Intel, yun na yung 500,000, yun na yung bayad sa mga pinatay nila.
04:33Yung overall naman na kinukuha ng isang colonel, yun ang monthly niya, 2 million.
04:40Ano kapalit doon? Ba't yung bibigyan ng 2 million?
04:42Ay, yun na yun. Sa trabaho, yung protection lahat na.
04:46Yun yung, kumbaga, mas malaki yung colonel dahil mga tao niya yung nandun.
04:51Isinumitin na ni Pati Dongan sa mga otoridad ang mga petty cash voucher.
04:56Sabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulia,
04:59labing limang polis na isinasangkot sa pagkawala ng mga sabongero ang inilagay na sa restricted duty.
05:05Aminado si Remulia na hindi madali ang pag-imbestiga sa kaso.
05:08Mabigat lang talaga itong laban dito kasi nga sobrang daming pera at sobrang daming koneksyon.
05:14Actually, there are 20 people in the alpha list.
05:17Ang tinatawag na alpha list, yun yung alpha group ng e-sabong.
05:24The alpha group is the main group that run the show at e-sabong.
05:29Binigyan na na security ng PNP si Pati Dongan.
05:32Andyan ng WPP nakaalalay lang, but so far the security is under General Torre.
05:38May impormasyon na ang DOJ kung saan sa Taal Lake posibleng tinapon ang mga nawala.
05:42Nagpapatulong pa rin sila sa Japanese government para sa kanilang remotely operated vehicles na pwedeng sumisid at lumikha ng mapa ng lakebed.

Recommended