Planong kasuhan ng negosyanteng si Atong Ang si Alyas Totoy o Julie Aguilar Patidongan matapos siyang ituro nitong mastermind umano sa pagkawala ng mga sabungero. Sa eksklusibong panayam ng GMA Integrated News kay Patidongan, idinawit din niya sa kaso ang aktres na si Gretchen Barretto. May exclusive report si Emil Sumangil.
Hanggang sa mga oras na ito ay sinusubukan pa rin ng GMA Integrated News na makuha ang pahayag ni barretto at ng iba pang pinangalanan ni Patidongan.
Kampo ni Atong Ang, tinawag na kasinungalingan ang mga pahayag ni Patidongan; humihingi umano ng P300-M para bawiin ang pahayag VS. Ang
Sa panayam ng GMA Integrated News sa abogado ni Atong Ang na si Atty. Lorna Kapunan tinawag niyang kasinungalingan ang mga pahayag ni Julie Aguilar Patidongan, Alyas Totoy.
State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.
00:00Plano ng kasuhan ng negosyanting si Atong Ang, si Alyas Totoy o Julie Patidongan
00:05matapos siyang ituro nitong mastermind umano sa pagkawala ng mga sabongero.
00:10Sa eksklusibong panayan ng GMA Integrated News kay Patidongan,
00:14idinawit din niya sa kaso ng aktres na si Gretchen Barreto.
00:17May exclusive report si Emil Sumangit.
00:22Siya si Julie Aguilar Patidongan o Alyas Totoy,
00:27ang head ng security ng Manila Arena kung saan huling nakita ang ilan sa mga nawawalang sabongero noong 2022.
00:34Sa eksklusibong panayam ng GMA Integrated News,
00:37pinangalanan niya ang negosyanting si Charlie Atong Ang bilang mastermind umano sa kaso.
00:42Nandyan sa apidabit ko yan, Mr. Charlie Atong Ang,
00:48din Eric De La Rosa, Engineer Silso Salazar.
00:51Sila ang mastermind sa nawawalang mga sabongero.
00:55Sila ang utak ng lahat.
00:57Ayon kay Patidongan,
00:59siya raw ay nagsimula bilang bodyguard hanggang maging chief security ng mga farm ng Kampo ni Ang.
01:04Idinitalya rin niya ang umunoy papel ng bawat mastermind sa pagkawala ng mga sabongero.
01:09Si Mr. Eric De La Rosa,
01:12siya ang nagmamonitor ng mga palabas.
01:15Pag alam niyang tsupi,
01:16pinapaalam niya kay Mr. Atong Ang,
01:19din mag-uusap sila ni Silso Salazar,
01:21din itawag sa akin na i-hold yung mga taong nagsutsupi.
01:25Kasi Mr. Atong Ang,
01:26siya yung chairman ng pitmaster.
01:29Siya ang pinaka mastermind at siya ang naguutos na talagang iligpit yung mga yan.
01:37Sa paano para?
01:38Katulad ng sinabi ko,
01:40may mga taong membro ng PNP na inuutosan para kumuha doon sa binyo.
01:48Idinawit din niya ang aktres na si Gretchen Barreto.
01:51Yung atesta na yan, walang iba kundi si Ms. Gretchen Barreto.
01:56100% na may kinalaman siya at gawa na lagi sila magkasama ni Mr. Atong Ang.
02:03Panawagan ko lang sa kanya para naman medyo maano siya,
02:07makipagtulungan na lang siya sa akin.
02:12Isa si Patidongan sa alim na kinasuhan sa pagkawala ng mga sabongero.
02:16Nag-desisyon daw siyang lumantad dahil sa kung ano-anong bintang na binabato sa kanya.
02:20Sa totoo lang, wala akong kinalaman dyan at isa lang akong utusan niya na bilang parmanager.
02:28Ngayon lang daw siya lubutang dahil tiwala siya sa kepe ng PNP ngayon.
02:32Anya, inalok pa raw siya ni Ang para bawiin ang kanyang salaysay.
02:36Ipinakita niya sa GMA Integrated News ang affidavit of frequentation
02:39na ipinipilit daw papirmahan sa kanya kapalit ng 300 milyon pesos.
02:43Mr. Atong Ang, sabi na nga ng mga matatanda na huwag ka na magtago sa palda ng nanay mo.
02:54Binigyan mo ako ng papel para pirmahan ko.
02:58Yung recondition ba yun na binigay mo sa akin kapalit ng pira?
03:03Sabi ko, hindi ko kayang tanggapin yan dahil buhay ko at buhay ng pamilya ang nakataya dito.
03:10At ano ng mga pamilya ng mga nauwalan sa bongiro?
03:18Nanawagan din siya sa apat na umunoy mga dating gwardiya na lumantad na.
03:22Ayon naman sa kampo ni Ang maghahain siya ng complaint affidavit laban kay Patidongan
03:26at sa isa pang anilay whistleblower.
03:29Iahain nito sa office of the prosecutor sa Mandaluyong Bukas.
03:33Nakasaad daw sa complaint affidavit na si Patidongan at isa pa ay nagsabuatan umano
03:37para sa attempted robbery with violence and intimidation.
03:40Grave threat, grave coercion, incriminating against innocent persons and slander laban kay Ang.
03:46Dahil daw sa pagdawit kay Ang sa kaso ng mga nawawalang sa bongiro
03:49na bahiranan nila ang kanyang dignidad, reputasyon at nagdulot ng stress sa kanyang pamilya.
03:55Git ng kampo ni Ang.
03:56Hindi totoo, walang basiyan at malisyoso ang mga akusasyon laban sa kanya.
04:01Naging kooperative daw siya sa mga otoridad simula ng gumulong ang investigasyon.
04:04Ikaw pala ikakasumbuhas ni Atong Ang. Ano nagsasabi mo?
04:09Parang kinasuhan niya na rin yung sarili niya.
04:11Dahil ako kakasuhan niya, siya naman nag-uutos ng lahat.
04:15Katulad niyong sinabi niya, nag-extorsyon daw ako ng 300 milyon.
04:20Para alam ng lahat, hindi ko kayang tanggapin yung pera niya.
04:26Sinabi niya na nga sa social media na bilyonaryo ako.
04:30Patunayan ko na lang na ako isang bilyonaryong mini.
04:34Sinusubukan pa naming kuna ng pakayaag si Barreto at ng iba pang pinangalanan ni Pati Dongan.
04:39Nanawagan din si Elias Totoy sa Pangulo.
04:41Sa mahal kong presidente, BBM, sir, sana pakinggan mo naman yung mga pamilya nang namamatayan.
04:52Ito na yung pagkakataon na tulungan niyo ako.
04:55Dahil lahat ng sinasabi ko dito, walang kasinungalingan at walang pirang kapalit dito.
05:01Ang ilang kaanak na mga nawawalang sa Bungero, hindi na raw ikinagulat ang revelasyon ni Pati Dongan.
05:06Matagal na raw nilang alam na si Ang, ang Anilay Mastermind, pero takot silang unang magpangalan kay Ang.
05:12Hindi na niyo sa proseso. Hindi, masama ang loob namin kung ganun ang ginawa mo.
05:19Pero yung pagkidnap, pagkitil sa mga buhay ng 34 na sa Bungero, sobra-sobra yung ginawa mong parusa sa amin lahat.
05:30Nasaan ang konsensya mo? Wala ka bang ina? Wala ka bang anak? Wala ka bang kapatid at mga asawa?
05:41Anggap ko na na wala na yung anak ko, pero kailangan namin ng mustisya kahit malaking kalaban.
05:47Sana raw, huwag bumaliktad o mag-re-cant si Pati Dongan at lumabas pa ang ibang testigo.
05:56Sabi ng Malacanang, patuloy na pinaiimbestiga ng Pangulo ang kaso.
05:59Patuloy po ang pag-iimbestiga ng malalimang pag-iimbestiga para malaman kung sino ba talaga ang sangkot dito at mapanagot ang dapat mapanagot.
06:07Emil Sumangil, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
06:10Hanggang sa mga oras na ito ay sinusubukan pa rin ng GMA Integrated News na makuha ang pahayag ni Barreto at ng iba pang pinangalanan ni Pati Dongan.
06:22Samantala, sa panayan ng GMA Integrated News sa abogado ni Atong Ang na si Atty. Lorna Capunan,
06:28tinawag niyang kasinungalingan ang mga pahayag ni Pati Dongan.
06:33I think all the statements are lies, they're false.
06:38And I think it came at a time when it became evident to him that Mr. Atong Ang was not going to give in to his extortion of $300 million,
06:50which he also attempted at several other members of the board.
06:54They were still in touch with Mr. Atong Ang, no?
06:59The last time was Tuesday.
07:00He also says that he's being forced to issue a retraction.
07:07That's not true.
07:08So it was not like he was coerced.
07:11He's the one coercing Mr. Atong Ang.
07:15Huwag magpahuli sa mga balitang dapat niyong malaman.
07:18Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube.