- yesterday
- Mahigit 100 estudyante, sumama ang pakiramdam matapos makalanghap ng masangsang na amoy
- Atong Ang at 2 iba pa, itinurong mastermind umano sa pagkawala ng mga sabungero; Gretchen Barretto, idinawit din ni Alyas Totoy
- Kampo ni Atong Ang, tinawag na kasinungalingan ang mga pahayag ni Patidongan; humihingi umano ng P300-M para bawiin ang pahayag VS. Ang
- #BantayPanahon
- In Case You Missed It: Luto ang resulta sa raffle?; Bentahan ng P20/KG bigas; Trabaho abroad
- 2 nasawi sa wildfire sa Spain; 6,500 ektarya ng lupa, natupok
- DusBi sa FTWBA; Kulitan ng mga Batang Riles Boys
- "Retre" scenes sa "Encantadia Chronicles: Sang'gre", ni-remake ng Encantadiks dahil sa gamu-gamo
State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: / gmanews
TikTok: / gmanews
Twitter: / gmanews
Instagram: / gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
- Atong Ang at 2 iba pa, itinurong mastermind umano sa pagkawala ng mga sabungero; Gretchen Barretto, idinawit din ni Alyas Totoy
- Kampo ni Atong Ang, tinawag na kasinungalingan ang mga pahayag ni Patidongan; humihingi umano ng P300-M para bawiin ang pahayag VS. Ang
- #BantayPanahon
- In Case You Missed It: Luto ang resulta sa raffle?; Bentahan ng P20/KG bigas; Trabaho abroad
- 2 nasawi sa wildfire sa Spain; 6,500 ektarya ng lupa, natupok
- DusBi sa FTWBA; Kulitan ng mga Batang Riles Boys
- "Retre" scenes sa "Encantadia Chronicles: Sang'gre", ni-remake ng Encantadiks dahil sa gamu-gamo
State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: / gmanews
TikTok: / gmanews
Twitter: / gmanews
Instagram: / gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00State of the Nation
00:06Sumama ang pakiramdam ng nasa isang daang estudyante sa Sibalong Mantikil
00:19matapos makalanghap ng masangsang na amoy.
00:22Walumpu sa kanila na ospital matapos mahimatay, sumikip ang dibdib at magsuka.
00:27Agad sinuspindi ang klase sa dalawang eskwelahan.
00:30Ayon sa Barangay Captain, di naman sila nagsagawa ng fogging o spraying kontra lamok.
00:36Bumuna ng Special Investigation Team ang Schools Division Office para matukoy kung saan ang galing ang amoy.
00:44Plano ng kasuhan ng negosyanteng si Atong Ang, si Alyas Totoy o Julie Patidongan
00:49matapos siyang ituro nitong mastermind umano sa pagkawala ng mga sabongero.
00:54Sa eksklusibong panayam ng GMA Integrated News kay Patidongan,
00:58idinawit din niya sa kaso ng aktres na si Gretchen Barreto.
01:02May exclusive report si Emil Sumangit.
01:07Siya si Julie Aguilar Patidongan o alias Totoy,
01:12ang head ng security ng Manila Arena kung saan huling nakita ang ilan sa mga nawawalang sabongero noong 2022.
01:18Sa eksklusibong panayam ng GMA Integrated News,
01:22pinangalanan niya ang negosyanteng si Charlie Atong Ang bilang mastermind umano sa kaso.
01:27Nandyan sa apidabit ko yan, Mr. Charlie Atong Ang,
01:32din Eric De La Rosa, Engineer Silso Salazar.
01:36Sila ang mastermind sa nawawalang mga sabongero.
01:40Sila ang utak ng lahat.
01:41Ayon kay Patidongan,
01:43siya raw ay nagsimula bilang bodyguard hanggang maging chief security ng mga farm ng Campo ni Ang.
01:49Idinitalya rin niya ang umunoy papel ng bawat mastermind sa pagkawala ng mga sabongero.
01:54Si Mr. Eric De La Rosa,
01:57siya ang nagmamonitor ng mga palabas.
01:59Pag alam niyang tsupi,
02:01pinapaalam niya kay Mr. Atong Ang,
02:04din mag-uusap sila ni Silso Salazar,
02:06din itawag sa akin na i-hold yung mga taong nagsutsupi.
02:09Kasi Mr. Atong Ang,
02:11siya yung chairman ng pitmaster.
02:13Siya ang pinaka-mastermind at siya ang nag-uutos na talagang iligpit yung mga yan.
02:21Sa paano parang?
02:23Katulad ng sinabi ko,
02:24may mga taong membro ng PNP na inuutosan para kumuha doon sa binyo.
02:32Idinawit din niya ang aktres na si Gretchen Barreto.
02:35Yung aktres na yan,
02:36walang iba kundi si Ms. Gretchen Barreto.
02:39100% na may kinalaman siya at gawa na lagi sila magkasama ni Mr. Atong Ang.
02:47Ang panawagan ko lang sa kanya para naman medyo maano siya,
02:51maging makipagtulungan na lang siya sa akin.
02:56Isa si Pati Dongan sa alim na kinasungan sa pagkawala ng mga sabongero.
03:01Nag-desisyon daw siyang lumantad dahil sa kung ano-anong bintang na binabato sa kanya.
03:04Sa totoo lang, wala akong kinalaman dyan at isa lang akong utusan niya na bilang parmanager.
03:13Ngayon lang daw siya lubutang dahil tiwala siya sa kepe ng PNP ngayon.
03:16Anya, inalok pa raw siya ni Ang para bawiin ang kanyang salaysay.
03:20Ipinakita niya sa GMA Integrated News ang affidavit of frequentation
03:23na ipinipilit daw papirmahan sa kanya kapalit ng 300 milyon pesos.
03:28Mr. Atong Ang, sabi na nga ng mga matatanda na huwag ka na magtago sa palda ng nanay mo.
03:38Binigyan mo ako ng papel para pirmahan ko.
03:42Yung rekantisyon ba yun na binigay mo sa akin kapalit ng pira?
03:48Sabi ko hindi ko kayang tanggapin yan dahil buhay ko at buhay ng pamilya ang nakataya dito.
03:55At ano ng mga pamilya ng mga nauwalan sa bongiro?
04:02Nanawagan din siya sa apat na umunoy mga dating gwardiya na lumantad na.
04:06Ayon naman sa kampo ni Ang maghahain siya ng complaint affidavit laban kay Patidongan
04:10at sa isa pang anilay whistleblower.
04:14Iahain nito sa office of the prosecutor sa Mandaluyong Bukas.
04:17Nakasaad daw sa complaint affidavit na si Patidongan at isa pa ay nagsabuatan umano
04:21para sa attempted robbery with violence and intimidation, grave threat, grave coercion,
04:27incriminating against innocent persons and slander laban kay Ang.
04:31Dahil daw sa pagdawit kay Ang sa kaso ng mga nawawalang sa bongiro
04:34na bahiranan nila ang kanyang dignidad, reputasyon at nagdulot ng stress sa kanyang pamilya.
04:39Git ng kampo ni Ang.
04:40Hindi totoo, walang basiyan at malisyoso ang mga akusasyon laban sa kanya.
04:45Naging kooperative daw siya sa mga otoridad simula ng gumulong ang investigasyon.
04:49Ikaw pala ikakasuhang buhas ni Atong Ang. Ano nang sabi mo?
04:53Parang kinasuhan niya na rin yung sarili niya.
04:56Dahil ako kakasuhan niya, siya naman nag-uutos ng lahat.
04:59Katulad niyong sinabi niya, nag-extorsyon daw ako ng 300 milyon.
05:04Para alam ng lahat, hindi ko kayang tanggapin yung pera niya.
05:10Sinabi niya na nga sa sosyal media na bilyonaryo ako, patunayan ko na lang na ako isang bilyonaryong mini.
05:18Sinusubukan pa naming kunan ng pakayag si Barreto at ng iba pang pinangalanan ni Pati Dongan.
05:23Nanawagan din si Elias Totoy sa Pangulo.
05:25Sa mahal kong presidente, BBM, sir, sana pakinggan mo naman yung mga pamilya nang namamatayan.
05:37Ito na yung pagkakataon na tulungan niyo ako.
05:40Dahil lahat ng sinasabi ko dito, walang kasinungalingan at walang pirang kapalit dito.
05:46Ang ilang kaanak na mga nawawalang sabongero, hindi na raw ikinagulat ang revelasyon ni Pati Dongan.
05:51Matagal na raw nilang alam na si Ang, ang Anilay Mastermind, pero takot silang unang magpangalan kay Ang.
05:57Hindi na nyo sa proseso? Hindi. Masama ang loob namin kung gano'n ang ginawa mo.
06:03Pero yung pagkidnap, pagkitil sa mga buhay ng 34 na sabongero, sobra-sobra yung ginawa mong parusa sa amin lahat.
06:15Nasaan ang konsensya mo? Wala ka bang ina? Wala ka bang anak? Wala ka bang kapatid at mga asawa?
06:25Anggap ko na na wala na yung anak ko, pero kailangan namin ng mustisya kahit malaking kalaban.
06:31Sana raw, huwag bumaliktad o mag-re-cant si Pati Dongan at lumabas pa ang ibang testigo.
06:40Sabi ng Malacanang, patuloy na pinaiimbestiga ng Pangulo ang kaso.
06:43Patuloy po ang pag-iimbestiga ng malalimang pag-iimbestiga para malaman kung sino ba talaga ang sangkot dito at mapanagot ang dapat mapanagot.
06:51Emil Sumangil, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
06:54Hanggang sa mga oras na ito ay sinusubukan pa rin ng GMA Integrated News na makuha ang pahayag ni Barreto at ng iba pang pinangalanan ni Pati Dongan.
07:07Samantala, sa panayan ng GMA Integrated News sa abogado ni Atong Ang na si Atty. Lorna Capunan,
07:13tinawag niyang kasinungalingan ang mga pahayag ni Pati Dongan.
07:16I think all the statements are lies, they're false, and I think it came at a time when it became evident to him
07:28that Mr. Atong Ang was not going to give in to his extortion of 300 million,
07:34which he also tried, attempted at several other members of the board.
07:38They were still in touch with Mr. Atong Ang, no? The last time was Tuesday.
07:44He also says that he's being forced to issue a retraction. That's not true.
07:53So it was not like he was coerced. He is the one coercing Mr. Atong Ang.
07:59Patuloy pa rin binabantayan ng pag-asa ang low-pressure area na posibleng maging ikalawang bagyo ngayong taon.
08:06Huli ang namataan ng pag-asa, 155 kilometers east of Tugigaraw City, Cagayan.
08:11Ayon sa pag-asa, medium o katamtaman ang tsansa nitong maging bagyo sa loob ng 24 oras.
08:18Kung sakali, tatawagin nitong bagyong bisin.
08:22Inaasaan niyang magpapaulan at ang isa pang LPA na namataan kahapon sa labas ng par,
08:29naging bagyo na. Pero wala pa itong epekto sa bansa.
08:32Mahigit siyam na po na sangkot umano sa illegal raffle gamit ang Tambiolo System.
08:45Arrestado sa San Vicente, Tarlac.
08:47Bukod sa walang permit mula sa gobyerno,
08:49hinohokus-pokus umano ang risulta ng naka-livestream na raffle.
08:53Limang taon na raw nag-ooperate ang mga nasa rekod ng illegal gambling operation.
08:57Sinampahan ng reklamong illegal gambling ang mga suspect na sinusubukan pa namin kuna ng pahayag.
09:04Mga lugar kung saan pwedeng makabili ng 20 pesos kada kilong bigas,
09:09nadagdagan pa.
09:10Ayon sa Department of Agriculture,
09:12mabibili na ito sa siyam na putapat o locations nationwide
09:15ng piling sektor gaya ng mga miyembro ng 4Ps,
09:18senior citizen, PWDs at solo parents.
09:22Umaaray naman ang mga magsasaka
09:23dahil binabarot o maro sila ng ibang traders
09:26para sa 20 pesos na bigas.
09:29Inatasan ang National Food Authority na tulungan
09:31ang mga naabusong magsasaka.
09:35Egypt,
09:36naghahanap ng mga Filipino nurse para mag-train sa mga nurse doon.
09:40Ayon sa Department of Migrant Workers,
09:43lumalaki rin ang demand sa Lithuania
09:45para sa mga Pinoy workers sa larangan ng healthcare,
09:48maritime,
09:49transportation,
09:50construction at food services.
09:52June Van Arasyon,
09:53nagbabalita para sa GMA Integrated News.
09:59Buis-buhay na tumalo ng isang ama
10:01malapit sa dagat sa Florida
10:03para sagipin ang anak na nahulog mula sa cruise ship.
10:07Dalawa naman ang nasawi sa wildfire sa Spain.
10:09Yan at ipapang balita abroad sa report ni Marisol Abduraman.
10:12Paderang usok na binulot ng wildfire sa Catalonia, Spain.
10:18Sumiklab ang apoy sa isang farm
10:19at kumalat dala sa masamang panahon
10:21at manalakas na hangin.
10:23Dalawa ang nasawi.
10:24Mahigit 6,000 ektarya ng lupa ang natupok.
10:27Sumiklab ang wildfire sa gitna ng heatwave sa Europe.
10:33Kumukutik-kutitap naman ang usok
10:35na ibinugan ang nasusulog na embakan ng paputok
10:37sa California, sa Amerika.
10:39Kumalat ang apoy sa mga damuhan
10:41kaya nasunog ang mahigit 30 ektaryang lupa.
10:44Inaalam pa kung may nasaktan
10:45bagamat pinalikas ang mga nakatira
10:47malapit sa pasilidad.
10:49Iniimbestigahan pa ang sanhinang sunog.
10:54Sa Mexico, tinangay ng lumaragas ang baha
10:56ang ilang sasakyan.
10:58Dalawa ang magkapatong pa habang inaanod.
11:00Nang misulang ilog ang mga kalsada
11:06sa tindi ng baha at ulang dala
11:08ng tropical storm barry.
11:09Walang na italang nasawi
11:10bagamat daang-daang bahay ang nasira.
11:13Sa Colombia, nagkaukang isang kalsada
11:15nang magpabaha ang pag-apo
11:17ng dalawang ilog.
11:18Nasira rin ang ilang bahay.
11:20Isang senior citizen ang nasawi.
11:22Nabulabog naman ang mga pasero
11:27ng isang cruise ship
11:28nang mahulog ang isang bata
11:29sa dagat malapit sa Florida.
11:31To the rescue ang kanyang ama
11:33na tumalun sa tubig.
11:34Nagpanlutang-lutang ang mag-ama
11:36hanggang sa nasagip
11:37ng mga rescuer.
11:39Marisol Abduraman,
11:41nagbabalita para sa
11:42GMA Integrated News.
11:48While you're one of the most loved,
11:50I'm sorry to say this,
11:51but you're also one of the most hated.
11:53I've heard na
11:55naging malala po talaga siya.
11:57Pero for me,
11:59sobrang pivotal po talaga
12:01ng journey namin sa PBB
12:03because our stay there
12:04really honed us for the future.
12:07So, we're okay.
12:09PBB latest evictist
12:10na sina Dustin Yu
12:11at Bianca Rivera
12:13sinagot ang ilang issue
12:15sa kanilang duo.
12:16Dustin, controlling, siloso.
12:18Nagselos ka ba kay Will?
12:20Nung hindi pa sa akin clear
12:21yung
12:22anuman yung meron sila sa past.
12:26Okay.
12:26Nung medyo magulo pa.
12:28Of course,
12:29yan, selos.
12:31Nilinaw rin nila
12:32ang real score
12:33sa pagitan nila.
12:34Yes or no?
12:35Are you officially together?
12:37As duos.
12:40As duos.
12:41As duos,
12:41you are officially together.
12:43Mga duo ni Kuya.
12:44Sa inyong dalawa,
12:45sino ang mas madalas tumitig?
12:47Si Dustin po.
12:49Mas madalas makipag-holding hands?
12:51Si Dustin din po.
12:54Mas madalas umakap?
12:56Si Dustin din po.
12:57Mas madalas kumis?
13:00Wala pa.
13:00Wala pa.
13:01Nanguhuli lang po ako.
13:07Kulitan ng mga batang
13:08realest boy
13:09sa isang reel
13:10na uwi sa aksidente.
13:12Bigla kasing nawala
13:14sa frame si Miguel
13:15na nadulas pala.
13:19Ashley Rivera,
13:20laro sa glambot video
13:22mula sa GMA's
13:2375th anniversary.
13:25Tawang-tawa ang netizen
13:26sa POV niyang
13:27tila ulam daw
13:29sa loob ng microwave.
13:33Di rin nakaligtas
13:34ang pag-aura niya
13:36sa white gown
13:36na gawa raw
13:38sa kumot.
13:39Aubrey Carampel
13:40nagbabalita
13:41para sa
13:42GMA Integrated News.
13:49Sa Encantadya,
13:50retre ang mga naghatid
13:52sa devas
13:52na mga namayapa.
13:54Pero in real world,
13:56ang mga diva
13:57na Encantadics
13:58sumama sa
13:59Encatrends
14:00at nirimade
14:02ang mga eksena
14:02pati costumes.
14:04Pati ang mga brilyante
14:05pinagagawa
14:06ng mga mortal.
14:07Pasuan na yan
14:08sa report ni
14:08O.V. Carampel.
14:13Kung naghasik na
14:14ng lagim
14:15sa Encantadya
14:15si Kera Mithena,
14:18ang mga mortal
14:20naghasik naman
14:21ng kalupohan.
14:23Tulad nitong
14:23pagsundo
14:24umanuan
14:24ng mga retre.
14:26Retre
14:26pal operation
14:27nga naman.
14:29Ginaya nila
14:29ang eksena
14:30sa serye
14:31pero imbis
14:32na mga retring
14:33paru-paro,
14:35pumuyog
14:36ang mga
14:37gamu-gamo.
14:39Dumami raw
14:39kasi
14:40ang mga gamu-gamo
14:41sa katilang mga lugar.
14:42Kaya agad
14:43ni remake
14:44ang scene
14:45bilang
14:45Certified Encantadics.
14:47Isa pang
14:49dumami
14:50demand
14:51demand
14:51sa brilyante.
14:52Sige,
14:53Mie,
14:53ito,
14:54may maliit tayong
14:55brilyante
14:55ng aming dito.
14:57Tinang dahil
14:58inaagaw ni Mithena
14:59pero dahil
15:00on sale
15:01na pala.
15:03Ito po,
15:03ang large size.
15:04Pwede nyo na pong
15:05i-check out
15:05sa yellow basket.
15:06Best seller nga raw
15:07ang mga ito
15:08at limited stocks only.
15:11May palive demo pa
15:12kung anong pwedeng gawin
15:14ang mga brilyante.
15:15Meron pong price difference
15:17ang 2016 na 2025 version
15:18dahil ang ating
15:19brilyante ng Apoy
15:20ay meron pong
15:22kasamang freebie na bag.
15:24Don't miss out
15:25this exclusive deal
15:26ika nga.
15:27Dahil nga
15:28pinag-aagawan
15:29add to cart na agad
15:31sa live selling.
15:32I-check out nyo na yan.
15:33Kabilang sa
15:34nakikiagaw
15:35ang mga sangre.
15:38Este,
15:39hangre,
15:40hangre for justice.
15:42Ginaya raw nila
15:43ang mga sangre
15:44at sila mismo
15:45ang gumawa
15:45ng sariling costumes
15:46para isuot
15:48sa Pride March.
15:49Lalo't tila
15:50tradisyon na nilang
15:51mag-cosplay
15:52sa parada.
15:53At dahil
15:54mga encantadix,
15:56palalampasin ba
15:57ang maging
15:57sangre for a day?
15:59Aubrey Carampel
16:00nagbabalita
16:01para sa
16:02GMA Integrated News.
16:05Yan po ang state of the nation
16:07para sa mas malaking misyon
16:08at para sa mas malawak
16:10na paglilingkod sa bayan.
16:11Ako si Ato Maraulio
16:12mula sa
16:13GMA Integrated News,
16:14ang news authority
16:15ng Pilipino.
16:18Huwag magpahuli
16:18sa mga balitang
16:19dapat nyong malaman.
16:21Mag-subscribe na
16:22sa GMA Integrated News
16:23sa YouTube.
16:24GMA Integrated News.
Recommended
26:36
|
Up next
22:52
26:53
22:15