- 6/6/2025
- Ginang, sugatan matapos mabundol ng motorsiklo
- PAGASA: Pinagsamang epekto ng LPA at Habagat ang nagpa-ulan; Maulang panahon, mararanasan ngayong weekend
- P1.17B halaga ng umano'y shabu, nalambat ng mga mangingisda sa iba't ibang baybayin ng Pangasinan
- Senior high school, isinusulong ni Sen. Jinggoy Estrada na mabuwag; DepEd, ipauubaya raw sa Kongreso ang desisyon
- Warehouse na pinag-iimbakan ng houseware, plastic at LPG tank, nasunog
- Pagtatayo ng tulay sa Boracay na gagastusan ng P7.9 billion, tinututulan!
- 3 Chinese na umano'y nandukot at nanggahasa sa babaeng Vietnamese; arestado; Biktima, nasagip
- Ferry na lalayag pa lang, hinampas ng alon at tumaob; 94 na pasahero at crew, ligtas
- Red Sternberg, inalala ng kanyang T.G.I.S co-stars
- Transformer sa Kalayaan Ave. sa Makati City, sumabog
- U.S. Pres. Trump at Ukrainian Pres. Zelenskiy, ginaya sa Cantonese opera sa Hong Kong
State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: / gmanews
TikTok: / gmanews
Twitter: / gmanews
Instagram: / gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
- PAGASA: Pinagsamang epekto ng LPA at Habagat ang nagpa-ulan; Maulang panahon, mararanasan ngayong weekend
- P1.17B halaga ng umano'y shabu, nalambat ng mga mangingisda sa iba't ibang baybayin ng Pangasinan
- Senior high school, isinusulong ni Sen. Jinggoy Estrada na mabuwag; DepEd, ipauubaya raw sa Kongreso ang desisyon
- Warehouse na pinag-iimbakan ng houseware, plastic at LPG tank, nasunog
- Pagtatayo ng tulay sa Boracay na gagastusan ng P7.9 billion, tinututulan!
- 3 Chinese na umano'y nandukot at nanggahasa sa babaeng Vietnamese; arestado; Biktima, nasagip
- Ferry na lalayag pa lang, hinampas ng alon at tumaob; 94 na pasahero at crew, ligtas
- Red Sternberg, inalala ng kanyang T.G.I.S co-stars
- Transformer sa Kalayaan Ave. sa Makati City, sumabog
- U.S. Pres. Trump at Ukrainian Pres. Zelenskiy, ginaya sa Cantonese opera sa Hong Kong
State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: / gmanews
TikTok: / gmanews
Twitter: / gmanews
Instagram: / gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00State of the Nation
00:05Tumatawid ang ginang na yan ng mahagip ng motorsiklo sa Nagkarlan, Laguna.
00:19Pumagsak ang ginang habang sumalpok ang rider sa nakaparadang tricycle.
00:24Pareho silang sugatan at ginamot ng rescue team.
00:26Matawid din ang lalaking yan sa pedestrian lane sa Naga City, Camarines Sur, pero lumiku pa rin ang isang kotse at nabundol siya.
00:37Tumilapon ang biktima.
00:38Lumabas ang driver ng kotse at tinulungan ang biktimang nagkasugat at bali sa katawan.
00:46Maulang Bernes ang naranasan sa malaking bahagi ng bansa gaya sa Metro Manila.
00:52Bunsud yan ang epekto ng low pressure area at habagat.
00:54Magiging maulan pa rin kaya sa weekend?
00:57Alamin sa report ni Jamie Santos.
00:59Nang hapon, halos wala nang maaninag sa Edsa Balintawag.
01:10Bumaha naman sa ilang kalsada.
01:13Sa MacArthur Highway, Valenzuela, ilang rider ang napilitang lumusong.
01:17Pero mas maraming hindi na nangahas.
01:20Sa takot na masiraan ng makina, kaya bumigat ang trapiko.
01:23Nagpabagal din sa trapiko ang baha sa Edsa Show Underpass.
01:31Dalawang motorsiklo naman ang nadula sa Ortigas Flyover Northbound.
01:35Paalala ng mga otoridad, magingat sa pagmamaneho ngayong maulan at madulas ang kalsada.
01:41Umulan din kaninang hapon sa ibang lugar sa Luzon gaya sa Alaminos, Laguna.
01:45Sa Antipolo City, tigil ang trapiko sa Marigman Road.
01:51Dahil sa lampas tuhod na baha, hindi makadaan ang mga light vehicle.
01:56Kagabi naman, naging maulan sa Alyosan, Cotabato.
02:00Pinasot ng tubig baha ang ilang bahay, kaya ang mga residente nag-akyat at naghakot ng mga gamit.
02:05O, nabig.
02:08Inam mo yung tubig o.
02:09Ayan o, dito sa labas ay wala na.
02:15Makas na talaga.
02:16Naperwisyo rin ang ilang tagamid sayap.
02:19O, ayan. Makas na talaga.
02:21Wala na.
02:23Lubog na kami dito.
02:26Sa Coronadal South, Cotabato, isang tulay ang halos lamuni ng baha.
02:30Abot bewang naman ang sinuong ng baha sa Lamitan City, Basilan.
02:38Ayon sa pag-asa, ang mga ulan ay dala ng hanging habagat at nang binabantay ang low pressure area sa silangan ng bansa.
02:45Nakikita natin yung mga clouds o po mga pag-ulan na yung cloud cluster niya ay defined.
02:51Not necessarily malakas pero widespread siya.
02:54So, mas malawakan yung mga pag-ulan natin.
02:56Magpapaulan rin ang mga ito ngayong weekend.
02:59Sa datos ng Metro Weather, mataasan tsansa ng ulan sa halos buong Southern Luzon, Visayas at Mindanao bukas.
03:07May malalakas na ulan lalo sa hapon.
03:09Sa linggo, madaling araw pa lang magiging maulan.
03:12Natatagal at lalawak pa sa halos buong bansa pagdating ng hapon.
03:17Maging alerto sa bantanang baha o landslide.
03:19Sa Metro Manila, asahan din ang maulang weekend mula hapon ng Sabado hanggang sa halos buong araw ng linggo.
03:26Jamie Santos, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
03:32Matapos sa bataan, sa dagat ng Pangasina naman, may natagpo ang mga umanoy shabu.
03:38Lalambat ng mga mangingista sa iba't ibang baybayin ang drogang mahigit.
03:42Isa't kalahating bilyong piso ang halaga.
03:45May report si Darlene Kai.
03:50Laman ng mga sakong ito ang mga selyadong pakete.
03:53Natagpuan niya ng mga mangingisda sa iba't ibang baybayin ang Pangasinan kahapon at itinurnover sa mga otoridad.
03:58Ayon sa Coast Guard, unang nag-report sa kanila ang mangingisda sa barangay Balingasay
04:02na nakakita ng dalawang sakong palutang-lutang sa dagat na sakop ng bayan ng Agno.
04:07Apat na sakong nang nakuha ng iba pang mangingisda mula sa magkakaiwalay na baybayin ng Bolinaw, Agno at Bani.
04:13Nang buksan at suriin, tumambad ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng 1.17 billion pesos.
04:21Ayon sa PCG, hawak na ng PIDE ang mga nasabat na droga.
04:25Pero patuloy ang investigasyon, lalot noong nakaraang linggo lang,
04:29may mga nakuha rin droga na palutang-lutang sa dagat ng Mariveles, Bataan.
04:33Higit dalawandaang kilo ang laman ng mga nakuhang droga na nakalagay sa packaging ng frozen durian at syaa.
04:37Ang halaga, nasa 1.5 billion pesos.
04:40Basically, the pattern seems to be similar.
04:44Mga lumutang sa dagat at nahanap ng mga fishermen.
04:49Nung nahanap ng mga fishermen, nireport nila sa authorities.
04:53And this time around, to the Philippine Coast Guard substation.
04:57Nababahala man sa magkakasunod na droga ang natagpuan sa dagat,
05:01masaya raw ang PCG na nakikipagtulungan sa kanila ang publiko.
05:04Ginawaran ng parangalang mga mangingisda sa bataan na nakadiskubre sa mga droga.
05:08Darlene Kai nagbabalita para sa GMA Integrated News.
05:12Ipinapanukala ni Sen. Jinggoy Estrada ang pagbuwag sa senior high school.
05:18Nais ng senador na ibalik na lang ang dating K-10.
05:22Dagdag gastos lang daw ang K-12 sa mga magulang at dagdag pasakit sa mga overworked na teacher.
05:28Mahigit isang dekada na raw ang implementasyon ng K-12, pero di pa rin daw ito naging efektibo.
05:34Tutul naman sa pagbuwag sa senior high school ang isang rural education advocate.
05:39Wala raw sa programa ang problema kundi sa implementasyon.
05:43Ayon naman sa DepEd, ipauubay nila sa kongreso ang pasya sa K-12.
05:48Pero inaamin nilang sablay ang labing dalawang taong pagpapatupad nito.
05:53At dahil dyan, ayon kay Education Secretary Sonny Angara, may pilot implementation ng DepEd sa 800 eskwalahan ng bagong senior high school curriculum sa pagbubukas ng klase sa June 16.
06:06Ang mga ganitong evaluation at re-calibration ng K-12 ang matagal na raw hinihingi ng mga education stakeholders.
06:16Sabay sa matinding ulan kaninang hapon ang suno sa isang warehouse sa barangay Marulas, Valenzuela.
06:22Ayon sa Bureau of Fire Protection, naglalaman ng warehouse ng plastic at LPG tanks at pinalayo ang mga residente, lalot ang ilan ay nakitang nagpupulot ng mga tangke ng sumabog ng LPG.
06:36Tatlong pagsabog mula sa mga tangke ng LPG ang dumagundong.
06:41Pasado lasyete ng gabi ng maapula ang suno.
06:44Inaalam pa ang sanhi at halaga ng pinsala.
06:52Reciprocal Access Agreements sa pagitan ng Japan at Pilipinas hapurbado na ng Diet of Parliament ng Japan ayon sa ating embahada.
07:02Sa ilalim nito, papayagan ang pagpupadala ng mga sundalong Japon sa Pilipinas at mga sundalong Pilipino sa Japan para sa Joint Military Drills.
07:10Naon ang inaprobahan ng ating Senado noong Desyembre ang kasunduan na katulad ng VFA of Visiting Forces Agreement ng Pilipinas at Amerika.
07:21Apat na pong district office ng LTO pinagpapaliwanag sa umunay technical car napping.
07:26Ayan kay LTO Chief Assistant Secretary Vigor Mendoza, sangkot ang mga ito sa iligal na paglilipat o transfer of ownership ng mga sakyan na kumbiska sa mga police operation.
07:36Pagtatayo ng tulay sa Boracay na gagastasan ang 7.9 billion pesos tinututulan.
07:45Pag-uugnayin ng tulay ang Boracay sa mainland Malay sa Aklang.
07:49Pero ayon sa katiklan, Boracay Transport Multipurpose Cooperative, posibleng silang mawala ng hanap buhay dahil dito.
07:56Ayon naman sa Department of Tourism Region 6, wala pang pinal na desisyon sa proyekto.
08:02Magsasagawa rin sila ng public consultation.
08:04Joseph Morong, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
08:12Naaresto ang iyong magkakasabot daw sa pag-apply ng milyon-milyong pisong loan gamit ang peking dokumento.
08:19Nasagip naman ang isang babaeng Vietnamese na umano'y dinukot at ginahasa ng mga Chino.
08:24Yan ang mga spot report ni Ian Cruz.
08:27Umiiyak ang 33 anyos na babaeng Vietnamese na yan ng sagipin ng SWAT team sa barangay San Lorenzo, Makati City.
08:39Dinukot umano siya ng tatlong Chinese nationals sa barangay Bel Air noong June 2 at ginahasa sa kondo.
08:45Dinala pa raw siya sa Tagaytay City kung saan naroon ang dalawang Chinese at muli siyang nirape.
08:51Nang makabalik kahapon sa kondo, kinontak daw ng tatlong suspect ang asawa ng biktima at nang hihiraw ng ransom na 500 million na Vietnamese dong o 1 million pesos.
09:02Kung hindi ito maibibigay, puputulan daw nila ng daliri ang biktima.
09:06Nakapag-message daw ang biktima sa kaibigan ng kanyang kinaroroonan.
09:10At sa tulong ng mga polis, kwardya at property management ng kondo, nasa agip ang babae.
09:16Tiklo ang tatlong chinong suspect na nakuha na ng dalawang baril na may silencer, mga bala, posas, plaka ng sasakyan at nasa 20 gramo ng hinihinalang syabu.
09:26Ayon sa hepe ng Makati Police, malaki ang posibilidad na pinag-droga pa ng mga suspect ang biktima.
09:32Lalo at may mga sensitibong video sila na narecover.
09:34Bago nasa kipang biktima, may isang babae mano na Pilipinang lumabas sa unit ng mga suspect.
09:40Inipita siya nung isang Chinese, so nandun siya.
09:46Pero nung makita na niya na yung treatment dun sa Vietnamese victim, inold na rin siya.
09:54Isang polis ng sugatan matapos sa pakindaw ng isa sa mga suspect.
09:59You punch the police?
10:00Me?
10:00Yeah.
10:01No.
10:01Ang tila-leader ng grupo na si Elias Leng, todo tanggi sa mga paratang.
10:06No, no, no, kanabi.
10:08The girl, sir, pay girl.
10:10Dati na siyang nakulong at kinasuhan ng kidnapping at carnapping.
10:13Maarap ang tatlong suspect sa mga reklamo habang tinutugis ang dalawa nilang kasama sa Tagaytay.
10:22Homelone umano ang pakain ng dalawang yan at tatlo pa nilang kasama sa Kalasyao, Pangasinan.
10:27Pero hindi sa Dreamhouse ang diretso nila kundi sa kulungan.
10:31Mayroon ay mayroong talapatang mananibig.
10:34Ang lima, nahulog sa entrapment operation ng NBI.
10:37Sasalang, sasalang sa patatang.
10:41Inereklamo sila ng pag-a-apply ng milyon-milyong pisong loan gamit ng isang property na hindi naman sa kanila.
10:48At ang ginamit nilang titulo para makapag-loan, peke nang i-check sa Registry of Deeds.
10:53Nakuha sila ng 4 million na loan mula sa complainant at hindi pa sila na kontento at humingi ng karagdagang 1 million mula sa complainant.
11:04Sinusubukan pa naming makuha ang panig ng mga suspect na inireklamo ng estafa through falsification of public documents.
11:11Ian Cruz, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
11:18Tumaob sa Indonesia ang isang ferry na lulan ng halos 70 turista.
11:23Nagbasag ng bintana at tumalon sa tubig ang ilan sa mga pasahero at crew na nagkumahog lalot ang ferry, unti-unting lumulubog.
11:41Digtas ang 80 siyam na turista at limang crew bago tuluyang lumubog ang ferry.
11:46Kabilang sa mga sumaklolo ang ilang lokal gamit ang kanilang maliliit na bangka.
11:50Batay sa imbisigasyon, maglalayag pa lang ang ferry na nasa pantalan noon nang bigla itong hampasin ng mga alon hanggang mawala nito ng balanse at tumaob.
12:00Jillian Ward at Rahil Birria lalo raw nagkakamabutihan.
12:10Getting to know each other daw sila at looking forward pa na magkasabay sa taping ng mga batang rilis.
12:16Kina-inspire ako lalo magtrabaho po na ito pag nakakita ko nakasama siya.
12:20Parang dahil nandyan siya, comfortable ako.
12:23Kaya naman, layag na layag ang kanilang love team on and off camp.
12:28Mas naintindihan ko po ngayon si Rahil.
12:31Siguro mas may trust na rin ako sa kanya.
12:33Parang mas open na rin po ako sa kanya compared nung abot ka my days namin.
12:37Napapasalamat ako nandito siya dahil marami rin akong naisabi na hindi ko maisabi rin before.
12:43At yun, mas naintindihan niya daw ako.
12:45Ang totoo ba na may tiwala na siya sa akin?
12:47Meron nga!
12:49Ano ba ang nasabi na ngayon ni Rahil kay Jill?
12:52Ang nasabi ko sa kanya is...
12:55Bahala ka dyan!
13:04Emosyonal na humarap sa Fast Talk with Boy Abunda ang TGIS stars na sina Angelo De Leon, Bobby Andrews at Michael Flores.
13:12Nag-remenist sila ng moments kasama si Red Sternberg.
13:16Plano nga niya mag-artista ulit eh.
13:17Meron talaga kami pinaplanong reunion project.
13:20Ayos na lahat ng logistics, lahat ng aros, everything.
13:24Meron na.
13:24And that was the reason why he was so excited to come home.
13:28To be honest, we were all looking forward to getting together.
13:32Matagal na naman yun na sinasabi na sana nga.
13:35Aubrey Carampel nagbabalita para sa GMA Integrated News.
13:39Animo'y bagong taon sa bahaging iyan ng Kalayan Avenue sa Makati City.
13:49Ang matinding liwanag galing sa kumislap na transformer pag-aalas 8 ngayong gabi.
13:54Ayon sa polisya, agad na pinutol ang supply ng kuryente sa lugar.
13:58Patuloy pang inaalam ang sanhinang pagsabog ng transformer.
14:02Ang leader ng Ukraine at si U.S. President Donald Trump, parehong may kahawig na made in China?
14:15Let's set the stage for that sa report ni Darlene Kai.
14:18Blonde Hair Red Tie
14:23Ang signature look ni U.S. President Donald Trump
14:26stolen by a Chinese impersonator
14:29Ang made in China na kopya ng U.S. President
14:32bida sa Cantonese opera show na
14:34Trump, the Twins President sa Hong Kong
14:37Bukod sa kanya, ini-impersonate din dito ang isa pang world leader
14:43si Ukrainian President Volodymyr Zelensky
14:46kung saan ni-recreate nila ang makasaysayang pagbisita ng Ukrainian President sa White House
14:50At pinuna ang informal nitong suot, bagay na plakado sa eksena ng show
14:55Ang writer ng palabas, ibinida si Trump dahil sa mga kakaibang pulisya nito
15:00tulad ng pagpapataw ng tarif sa mga imported product lalo na iyong mga galing China
15:05Layon daw ng show na maipakitang dapat maging magkaibigan ng U.S. at China
15:09at mailapit sa mga kabataan ng tradisyonal na Cantonese opera
15:12Sa katunayan, ang satirical opera show sold out lang naman
15:17Darlene Kay, nagbabalita para sa GMA Integrated News
15:21Yan po ang State of the Nation
15:26para sa mas malaking misyon
15:27at para sa mas malawak na paglilingkod sa bayan
15:30Ako si Atom Araulio mula sa GMA Integrated News
15:33ang News Authority ng Pilipino
15:35Huwag magpahuli sa mga balitang dapat niyong malaman
15:40Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube
Recommended
18:29
|
Up next
46:31
44:39
14:34
14:56