Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Kahalagahan ng children's book sa mga kabataan, alamin!

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Samantala sa murang edad, mahalagang nahuhubog na ang imahinasyon, pag-iisip at damdamin po ng mga bata.
00:06At isa sa pinakamabisang paraan po para dito ay sa pamagitan ng pagbabasa ng mga children's book.
00:11Kung kahit yung araw, makakasama po natin ang isang author na buong pusong nagsusulat para sa mga bata.
00:17Iyan po ay si Miss Beverly C. Magandang umaga po at welcome dito sa Rise and Shine Pilipinas.
00:24Magandang umaga sa ating lahat. Maraming salamat sa pagkakataon na ito.
00:28And thank you for joining us also, ma'am.
00:31Sa panahon po ngayon, mas marami ng gadgets kesa librong hawak po yung mga bata.
00:36Gaano po kahalaga yung papel ng mga children's book sa pagpapalaki at paghubog po ng kabataan, ma'am Beverly?
00:44Okay, bagamat napakarami at napaka-diverse ng mga bagay na nagagawa ng mga gadgets sa atin,
00:55Then, importanteng-importante pa rin ang pagbabasa.
00:59Dahil sa pagbabasa, mas kontrolado ng bata yung mga pumapasok sa kanyang isip at sa kanyang mata.
01:07Kaya ito po ay mas recommended at dapat na ginagawa ng isang bata.
01:13Diba, uusag lamang yung mata ng bata kapag gusto niya.
01:18Hindi ba?
01:19So, sa bawat pagtingin niya at pagbasa sa mga letra at sa mga salita,
01:25saka lamang ito pumapasok sa kanyang isip.
01:28Ibig sabihin, mas nagkakaroon siya ng panahon na iproseso ang lahat ng pumapasok sa kanyang isip.
01:37Unlike sa gadgets, sa gadgets kasi ay hindi natin kontrolado.
01:42Diba?
01:42Lahat na lang pinapakita sa atin all at the same time.
01:46Diba?
01:47Ganun kasi yun sa gadgets.
01:48Kaya, doon pa rin tayo sa mas kontrolado ng bata ang lahat ng pumapasok sa kanyang.
01:54Well, Ms. Beverly, tama ka dyan na.
01:56May mga nabasa nga ako ng sinasabi dahil sa gadgets.
02:00Nagkukulang na daw sa imagination ng mga bata.
02:02Unlike before, na talagang para magkaroon ka ng storya sa isip mo,
02:08kailangan mong magbasa ng aklat.
02:10Well, ma'am, kamusta po yung estado ng children literature dito sa ating bansa?
02:14Sa dami po ng mga content online,
02:16paano po natin mas mapapalagana pa yung appreciation ng mga kabataan Pilipino
02:21na magbasa ng aklat?
02:23Salamat po sa tanong na yan.
02:27Ikukwento ko sa inyo yung nangyari kahapon,
02:29National Children's Book Day Celebration
02:32na pinangunahan ng Philippine Board of Books for Young People.
02:37Ito po ay ginanap sa Museo Pangbata.
02:39Bukod po sa nangyaring celebration,
02:43ipinakilala rin po ang mga bagong libro
02:46na para sa mga bata gawa ng mga Filipino authors
02:50and Filipino illustrators.
02:53So, dito po natin nakita napakarami pong bagong libro.
02:58At itong mga libro po na ito ay tumatalakay sa mga napapanahon na issue
03:03at issue ng kabataang Pilipino.
03:06Kaya, ano po, malusog na malusog po ang ating publishing industry for children.
03:15Kayo po ay hinihikayat na bumili at magbasa ng mga librong pambata na gawa dito sa atin.
03:22Yung atin pong mga author at saka yung atin pong mga illustrator,
03:29hindi po sila nagpapahuli pagdating po sa paksa,
03:33sa estilo ng pagsulat,
03:35sa estilo ng kanilang mga sining.
03:38Yan po ay very diverse and very up.
03:43So, kahapon po, kasama po sa mga nag-organisa ang Cultural Center of the Philippines
03:53kung saan ako po ay naglilingkod bilang isang empleyado.
03:57So, ito po ay mayroon din pong naganap na pagkilala sa ating mga nanalo
04:05sa PBBY Salanga, which is a writing contest,
04:10at PBBY Alcala, which is an illustration contest.
04:15Mula po yan sa mga pinagsama-samang efforts ng miyembro ng PBBY.
04:22Ang ating nanalo Grand Prize for Salanga is si Patricia Marie Grace Gomez
04:30at ang ating namang illustrator na nanalo ay si Christine Javier.
04:36So, ang kanila pong akda ay patungkol sa napakagandang background
04:45at salaysayin ng paano ba tinahi ang watawat ng Pilipinas sa Hong Kong.
04:53Maraming marami tayong matututuhan dito.
04:55Hindi lang, hindi lang po itutungkol sa pagtatahi.
05:00Dahil kahit ako, hindi ko alam,
05:02ang hirap nga pala,
05:04Sir, tsaka Ma'am Audrey, no?
05:06Sir Audrey, tsaka Ma'am Deng.
05:08At napakahirap pala na mag-source ng mga tela sa isang bansang banyaga,
05:15diba, sa Hong Kong nila tinahi,
05:17ang watawat natin, diba?
05:20So, doon ako nagulat na hindi madali yung naging proseso.
05:25Ngunit, nag-persevere,
05:28patuloy na nagpunyagi
05:34ang tatlong kababaihan na nagtahi ng ating watawat.
05:37Napakarami nilang pinagdaanan
05:40at lahat yun ay kinuwento
05:42sa isang chapter book na pinamagatang
05:46Three Thimbles.
05:47Sa Ingles, ay sa Pilipino,
05:49tatlong didan, no?
05:51Three Thimbles.
05:52Sila yung parang sumisimbolo
05:55sa tatlong babaeng nagtahi ng watawat.
05:59Hindi kasi madali yung pagtatahi nila
06:02kasi dahil minsan yung uri ng tela hindi tama,
06:07akma sa pagbuborda.
06:08Diba, binorda nila yung tatlong between
06:12tsaka yung araw sa gitna, no?
06:16Hindi naging madali yung pagbuborda doon.
06:18Ang ating winning text
06:22o winning chapter book
06:23ay libre pong mababasa
06:25sa PBBY website.
06:27Kaya kayo po ay inaasahan,
06:29iniimbitahan namin
06:30na basahin ang napakagandang
06:33akda
06:34ni Patricia Marie Grace S. Gomez.
06:37Ayun, sana marami pa makabasa nito,
06:39ano, Ma'am Beverly?
06:40Pero maiba po tayo,
06:41we want to know more about you, Ma'am.
06:43Kayo po bilang isang author,
06:44paano po nagsimulangin yung journey
06:46bilang isang manonulat?
06:47At ano po nagtulak sa inyo
06:48na tahakin po ang landas na ito?
06:52Thank you, Ma'am.
06:54Nag-umpisa po ako
06:55bilang isang high school student
06:58na hindi ako makapasa sa campus paper.
07:04Hindi ako makuha-kuha ang staffer, no?
07:07Siguro dahil top 10 lang yung kinukuha nila
07:09o ano pa man yung kanilang
07:12yung kanilang pamantayan
07:14nung panahon na yun.
07:15Ang ginawa ko,
07:17gumawa ko ng sarili kong jaryo.
07:19Napaka-rebelding bata, no?
07:22Nung high school.
07:23Nung fourth year ako,
07:24gumawa ko ng sarili kong jaryo.
07:27Ako yung nagsulat ng balita
07:28na puro ano,
07:30joke.
07:31Puro siya, ano ang tag dito?
07:35Satire.
07:35Satire siya.
07:36So, nag-gawa ko ng sarili kong comics,
07:41nilagay ko doon sa jaryo.
07:42Nag-gawa ko ng sarili kong crossword, puzzle,
07:46nilagay ko sa jaryo.
07:47At gumawa din ako ng sarili kong staff box.
07:50Diba?
07:50May editorial staff box.
07:52Lahat yun ako.
07:54Pero Ma'am,
07:55ako'y nag-layout.
07:58Ako din ay nag-photocopy.
08:02Tapos, sinubukan ko i-benta.
08:04Dati 35 cents lang yung photocopy.
08:07So, sinubukan ko i-benta ng dalawang piso.
08:09Wala na akong bumili.
08:11Kaya, pinilit ko na lang yung mga kaklasiko.
08:14Basahin nyo yan, please lang.
08:15So, doon po ako nagsimula mag-sula.
08:18Pero kayo po, bilang author,
08:22meron po ba kayong nais-irecommenda
08:24sa mga magulang
08:26na ipabasa sa kanilang mga anak
08:29o sa mga kabataan ngayon
08:31na talagang may matututunang aral?
08:35Yes.
08:37Thank you for that question, sir.
08:39Kasi, noong Sabado,
08:42mayroong bagong lutsad na libro.
08:45At ito ay para sa mga kabataan
08:48babae.
08:49Sa ating mga Pinay girls
08:51na mga batang babae
08:53at saka Filipino teenagers.
08:56Ito ay pinamagatang
08:58Dalaga na ba ako?
09:00Ito ay sinunap ni
09:02Dr. Jill Lardizabal.
09:05Siya ay nasa heaven na.
09:07One year ago siyang umanaw.
09:10Ito ay inilatala ng kanyang
09:12pamilya sa pangunguna ni
09:15Atty. Jong Lardizabal.
09:17Ito ay inilunsa doon Sabado, July 13.
09:21Birthday niya noong July 14.
09:24At kahapon naman,
09:26National Children's Book Day.
09:28Kaya, ito ay aking highly recommended.
09:31Bukod sa ako ay
09:32miyembro ng
09:34GAD
09:34Technical Working Group
09:37o Gender and Development
09:38Technical Working Group
09:40Committee ng CCP.
09:42Nagandahan din ako
09:44sa Laman ng Libro.
09:46So, yung Laman ng Libro
09:48ay tungkol sa
09:49paano nga ba
09:50pangangalagaan
09:51ng mga kabataang babae
09:53ang kanilang sarili.
09:56Lalong-lalo na
09:57ang kanilang katawan.
09:58So, ang kanilang isip,
10:00ang kanilang gagdamin.
10:02At ito ay
10:03hindi lang puro teksto.
10:04Meron din itong
10:05comics,
10:07no?
10:08Yung
10:08paano nga bang
10:10bakit
10:12nagbabago
10:13ang ating katawan,
10:15bakit
10:15nagbabago
10:15ang ating damdamin,
10:17tinutubuan tayo
10:18ng hiya.
10:19Hindi ba?
10:20At
10:20ang pinaka-paborito ko
10:22sa lahat,
10:23itinuturo dito
10:25ang konsepto
10:25ng consent.
10:27No?
10:27Yung consent.
10:28Ito siya.
10:29Comics
10:30sa comics style.
10:32O, di ba?
10:32At ito ay
10:34in-illustrate ni
10:36Paul Ivan Santos
10:37at saka ni
10:38Blesel Carlos
10:39Dapo.
10:41Sinulan ni
10:42Dr. Jill
10:43sa napaka-friendly
10:45na paraan
10:46at punong-puno
10:46ng pagmamahal
10:47para sa kabataang
10:49babae
10:50sapagat siya ay
10:51isang advocate
10:52for children.
10:53No?
10:53Isa siyang
10:54pediatrician.
10:56So, sana po
10:56ay bumili kayo.
10:57Ito po ay
10:58mabibili sa
10:59pamilya ni
10:59Dr. Jill
11:01sa pamamagitan ni
11:02John
11:02Lardisabal.
11:03Pakihalap lang
11:04kanyang Facebook.
11:05Ayan.
11:06Maganda rin po ito
11:07sa library
11:09ng lahat
11:10ng paaralan.
11:12Kasi,
11:13ito ay
11:14hindi lang
11:16hindi lang siya
11:17pambata.
11:18Para rin siya
11:18sa mga teachers
11:19natin
11:20at sa mga magulang
11:22natin.
11:22Kasi, alam nyo
11:23may mga questions
11:24ang mga bata
11:26na hindi natin
11:27alam kung paano
11:28sagutin.
11:29Yung anak ko
11:30isang
11:31a few weeks ago
11:33ang tanong sa akin
11:34batang babae
11:36ito ha
11:369 years old
11:37ang tanong niya
11:38Mama, what is 7?
11:40Oh my God!
11:41So, paano
11:41magsasagutin yun?
11:43Di ba?
11:43So, tutulungan tayo
11:45ng ganitong
11:46kurin ng libro.
11:47Ayan.
11:47Dalaga na ba ako ha?
11:49Sana mas maraming
11:51mga kababaihan
11:52na mga bata
11:53ang makabasa nito.
11:54At siguro yung mga parents
11:55i-recommend nila
11:56sa kanila mga children
11:57to read about the book.
11:58Well, thank you very much
11:59Ms. Beverly C.
12:01Sa pagbahagi po
12:02ng inyong kwento
12:02at sa patuloy na paglikha
12:04na makabulang mga libro
12:05kasama na rin
12:06yung iba't iba pang mga authors
12:08para mas maraming matutuhan
12:09ang mga kabataang Pilipino.
12:11Marami pong salamat,
12:12Ma'am Beverly.
12:12Marami salamat.

Recommended