Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Pahirapan man ang pagsisid, muling nakakuha pa rin ng mga sako sa Taal Lake ang divers ng Philippine Coast Guard.
00:07Habang lumalalim ang paghahanap sa mga nawawalang sabongero, apektado naman ang kabuhayan at turismo sa lugar.
00:14At mula sa Laurel, Batangas, nakatutok lahat si Rafi Pima.
00:19Rafi?
00:20Pia, dalawang sako muli ang naiahon ng mga divers ng Philippine Coast Guard sa pangatlong araw ng kanilang search and retrieval operation dito sa Taal Lake sa bahagi ng Laurel, Batangas.
00:33Pero kakaiba daw yung nakakapaan ng kanilang mga divers ngayon dahil tila may mga pabigat ito.
00:42Nakasilit sa mesh bag ang suspicious object ng iahon ng mga divers ng Philippine Coast Guard sa ikalawang araw ng kanilang dive operation.
00:49Tulad kahapon, maingat itong iniabot sa mga kawani ng PNP Senator Crime Operative, Sosoko, at isinilid sa cadaver bag.
00:55Mas mahirap daw ang visibility ngayong araw kumpara kahapon.
00:58Bukod dito, ang nakitang suspicious object ng mga PCG divers kanina tila may pabigat umano.
01:03Unlike kahapon, pagka mismo pagpunta mo sa bottom, does the time na ang distansya ng divers sa visibility, one meter lang halos.
01:13So ito, pagbaba mo pa lang ng ano, wala ka na talaga halos makita.
01:19Gayunman, tuloy pa rin naman daw ang ginagawa ang operasyon ng mga divers ng Coast Guard.
01:22Bukod sa visibility, hamon din daw ang malakas na current o agos sa ilalim ng Taal.
01:27Bukod sa visibility, hamon din daw ang malakas na current o agos sa ilalim ng Taal Lake.
01:32Bagamat batid daw nila ang kahalaga ng paghahanap sa mga nawawalang sabongero,
01:36kaligtasan ng kanilang mga kawani pa rin ang pangunahin sa isinasagawang operasyon.
01:40May mga, of course, there are technicalities and safety considerations sa pagre-recover ng any items doon sa ilalim.
01:50Kapakapa and sinusuyod pa rin nila dahan-dahan.
01:53May underwater current din yan, yung area na yan.
01:57Ang Taal Lake ay very challenging na area para magkakanda ka ng diving operations.
02:05Ang search area hindi kalayuan mula sa lugar kung saan may nakuhang dalawang suspicious objects din ang PCG kahapon.
02:12Sa gitna ng isinasagawang search and recovery operation, ramdam na daw ng bayan ng Laurel ang epekto nito sa kanilang bayan.
02:18Ayon sa alkalde ng bayan, nabawasan ang mga pumapalaot nilang manging isda.
02:22Basis sa report ng ating Peaceport Office ay before nagkakaroon tayo ng 10 na bankang pumapalaot, ngayon dalawang na lang kada araw.
02:36Dahil nang walang masyadong order na dinadala sa market sa Manila.
02:42Maliban sa pangingisda, mag-iamaturista ay nabawasan na rin daw.
02:46Gayon man, handa pa rin daw silang makipagtulungan sa isinasagawang search operation.
02:49Kung ano po yung kailangan nila nakakapag-provide, tulad nga po ng mga bankang malalaki, tumawag sila kahapon at kailangan nila.
02:57Kami naman po ay nakaka, kami naman po ay willing na nakikipag-cooperate po sa kanila.
03:07Pia ang mga tila pabigat sa suspicious object na nakita ng divers ng PCJ na iwan parao sa site pero nakamarka na ang mga ito.
03:14I-re-retrieve din daw ang mga tila pabigat ng mga bato dahil posibleng makatulong ang mga ito sa investigasyon.
03:20At yan ang latest mula dito sa Laurel, Batangas.
03:22Pia?
03:24Maraming salamat, Rafi Tima.

Recommended