00:00Pabor ang ilang senador na buksan sa publiko ang proseso ng Bicameral Conference Committee para sa Pambansang Budget.
00:08Yan ang ulat ni Daniel Manalastas.
00:12Ngayong araw, June 30, ang pagsisimula ng pagupo sa tungkulin ng mga senador sa 20th Congress.
00:19At ilan sa usapin na tumambad ay kung gagawin bukas sa publiko ang Bicameral Conference Committee ng Pambansang Budget.
00:25Si Sen. Pan Filo Lacson, dati pa raw pinaglaban na gawin bukas sa publiko ang Bicam sa budget.
00:30At isa raw ito sa prioridad na pano ka ng batas na kanyang isusulong.
00:35Maging si Sen. Dito Soto, pabor din na gawin bukas sa publiko ang Bicam ng budget.
00:40So in this case, dahil sa hindi magandang mga nabalitaan namin that we have yet to prove na nangyari in the 2025 budget,
00:49We will make sure and we will suggest that the Bicameral Conference Committee be open to the public for scrutiny at talagang full transparency.
01:03Hiling naman ni Sen. Amy Marcos sa 20th Congress busisiing maigi ang 2026 budget at mas maging transparent sa preparasyon nito.
01:11Si Sen. Arisa Hontiferos naman, mas positibo sa mungkahing yan dahil mismong si House Speaker Martin Romualdez pa ang nagbigay suporta rito.
01:21One of the best suggestions I've heard in a long time from another government official.
01:27A little bit more optimistic now na mismong yung pinakamataas na official ng House ay nanawagan din ng ganyan.
01:34Ayon kay Senate Secretary Renato Bantug Jr., lagi silang bukas sa mga panawagang gawing mas transparent ng Bicam.
01:41Bukasan niya ang Senado sa mga panukalang mas mapapaigi ang public access at kaalaman sa national budget.
01:48Sa palig ng Kamara, suportado rin ng mga kongresista ang panawagan para sa pagkakaroon ng open Bicam process.
01:55Definitely, Speaker Martin Romualdez welcomes yung open Bicam.
02:01Kahit naman na mga previous congresses, naging layunin na rin ng House of Representatives, especially under the leadership of Speaker Martin Romualdez.
02:13Yung mga taon na nagbinabalangkas yung budget na maging transparent.
02:18Kaya nga, na-open sa lahat ang pagpapanood ng mga committee hearings.
02:24Lalong-lalo na ngayon, we are looking forward na magkaroon ng enough na suporta para mabuksan ang Bicam.
02:34Daniel Manonastas para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.