Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Panayam kay DSWD spokesperson Asec. Irene Dumlao kaugnay sa partnership ng DSWD at ng PPA tungkol sa deployment ng ready to eat food pack sa mga pantalan

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Partnership ng DSWD at ng Philippine Ports Authority tungkol sa deployment ng ready-to-eat food packs sa mga pantalan ating tatalakayin,
00:09kasama si Assistant Secretary Irene Dumlao, ang tagapagsalita ng Department of Social Welfare and Development o DSWD.
00:16Asik Irene, magandang tanghali mo at welcome sa Bagong Pilipinas ngayon.
00:21Magandang tanghali, Yusek Marge, and Sir Josh, and magandang tanghali din po sa lahat ng sumusubaybay ng inyong programa.
00:26Okay, Asik Irene, una po sa lahat, ano po ang layunin ng kasunduan sa pagitan ng DSWD at Philippine Ports Authority tungkol sa prepositioning ng mga ready-to-eat food packs sa mga pantalan?
00:38Paano po ba ito makakatulong sa panahon ng sakuna?
00:41Yusek Marge, kung matatandaan, ang direktiba po ng Pangulong Marcos Jr. ay tiyakin yung kapanatagan ng kalooban ng ating mga kababayan,
00:49lalong-lalo na yung madalas maapektuhan ng iba't ibang mga kalamidad o mga disasters.
00:53At alam naman po natin, kapag ikaw po ay naipit o stuck in the port, ang pangunahin mong iisipin ay ano po ba ang aking makakain?
01:04So, ang DSWD nga po at ang Philippine Ports Authority ay nagkaroon ng kasunduan upang makapag-preposition tayo ng mga ready-to-eat food packs
01:13sa mga major and critical ports nationwide.
01:17Ito ay upang matiyak na yung mga kababayan natin na hindi po makapaglayag ay mabibigyan ng immediate relief assistance.
01:24Ito pong mga ready-to-eat food pack po natin, gaya ng nabanggit ko, ay i-preproposition sa mga major and critical points.
01:32Ports, I mean to say, nagsagayon, yung pong pangangailangan sa pagkain ay matutugunan natin kapag may mga bagyo o mga disasters.
01:39Hmm, totoo yung nabanggit mo dyan, kasi nung mga napuntahan namin, mga pantalan, may bagyo, mga nai-stranded na pasahero,
01:46wala rin talaga mabila ng pagkain. So, hirap sila maliban sa CR, eh pagkain talaga yung priority nila.
01:52Follow up po doon sa question na yun, ano yung naging batayan o strategy ng DSWD at ilang pantalan na po sa buong bansa ang sakot ng partnership?
02:00Well, batay doon sa ating pag-uusap with the Philippine Ports Authority, meron na po tayong natukoy na 25 major critical points.
02:07Ports, I mean to say, na dito po muna tayo maunang makapag-preposition ng mga ready-to-eat food packs.
02:13Ang estrategiyang po ito ay sinagawa natin dahil kung matatandaan, last year, sunod-sunod yung mga bagyo na naka-apekto sa ating bansa.
02:23And in one and dream see meeting na kung saan nandun din ang Philippine Ports Authority,
02:28ay napag-usapan nga yung pagbibigay ng food assistance para sa mga kababayan natin na nasa stock sa mga ports.
02:35Asa kayo rin, kailan naman po inaasahang magsisimula ang prepositioning?
02:39At maaari niyo po bang ilarawan kung ano ang laman ng isang RTEF pack?
02:44Paano po ba ito na iba sa regular na relief goods po natin?
02:48Yes, yung pong ating kasunduan with the Philippine Ports Authority ay ating pong linagdaan noong nakaraang biyernes.
02:55At nag-umpisa na po tayo na mag-preposition ng mga ready-to-eat food packs.
02:59At inumpisan nga po natin dyan sa North Harbor noong pong biyernes.
03:03At pasunod na po yung mga ibang ports because our field offices have already coordinated with these ports.
03:10Ano po ba yung laman ng ready-to-eat food pack?
03:12Of course, meron yung champurado, merong aruskaldo, meron din po yung tuna paella,
03:20meron din po yung chicken pastil and chicken guiniling.
03:23Meron din po yung protein-rich biscuits and yung complementary food para sa mga bata o sa mga nagpapasuso naman na ina.
03:31Ito pong ready-to-eat food po natin ay iba doon sa ating mga family food packs
03:37sapagkat as the name suggests, ready-to-eat na po ito.
03:42Hindi kinakailangan na ipainit, hindi kinakailangan ng mainit na tubig.
03:47Pupunitin mo lang po yung packs or i-open mo lang yung tin cans and you could consume it already.
03:51Meron na rin pong mga kutsara na nakapaloob doon sa ready-to-eat food boxes po natin.
03:57Unlike yung mga family food packs natin na kinakailangan mo pa na mag-set up ng isang community kitchen sa mga evacuation centers,
04:05ito hindi mo na kinakailangan gawin yun.
04:07So, on the first 24 hours of a disaster, may makakain na po tayong maipoprovide sa mga kababayan natin na naapektuhan.
04:14And, hindi lamang po yan, ito ay dinevelop ng Department of Science and Technology, Food and Nutrition Research Institute.
04:25So, finormulate po nila itong contents ng ready-to-eat food packs po natin.
04:29So, makakaasa tayo na masustansya yung pong ating mga pagkain.
04:34At, hindi lamang po yan, masarap din.
04:37Because we asked some of the passengers in the North Harbor last Friday kung ano po ang masasabi nila doon sa pagkain na pinatikin po natin sa kanila.
04:46And, sabi nga nila, masarap.
04:48And, talagang nabusog po sila.
04:50Wow. Asa kayo rin, bigla akong nagutom doon sa mga.
04:52Dinescribe mo mga pagkain na.
04:54Pero, tanong ko lang ha, follow up lang.
04:56Hindi ba itong nag-expire kagad itong mga pagkain na ito?
04:58Well, yung pong ating ready-to-eat food pack, kagaya rin po ng mga family food pack, may shelf life po yan.
05:05Isang taon po ang itatagal ng ating mga family food packs and ready-to-eat food packs.
05:12Ngayon po, meron tayong means of monitoring para matiyak na yung pong mga goods na pinaproposisyon natin ay fit for consumption pa.
05:21At, abagit nyo nga ng instant itong mga pagkain na ito, ready-to-eat.
05:24Pero, para matanggal yung stereotype thinking ng publiko na pagkain na ito, itin naman dyan lang yan.
05:30May mga dinaanan ba itong field tests para masabi at ma-approbahan na gamitin sa relief operations?
05:36Yes. Gaya ng nabanggit ko, itong ready-to-eat food packs natin ay fenormulet ng DOST-FNRI.
05:44So, makakatiyak po tayo na dumaan sa masusing pag-aaral at pag-examine na itong contents ng ating ready-to-eat food pack.
05:51At kaya, yung nga pong mga boxes natin ay may selyo din ng DOST para makatiyak po tayo na safe yung pong ating mga contents ng ating RTEF.
06:05Okay. So, Asik Irene, gaano po baka bilis may pamamahagi ang mga RTEF sa mga pantalan kapag may mga na-stranded na pasahero?
06:13At paano pinaghahandaan ng DSWD ang mabilis na deployment nito matapos ang isang sakuna?
06:19Yes. Gaya nga po ng nabanggit ko, Yusak Marge, noong Friday, lumagda na tayo ng agreement with the Philippine Ports Authority
06:28para may preposition na po natin yung ating mga ready-to-eat food packs.
06:32And nasabi ko nga rin po, nag-umpisa na tayo sa pag-preposition ng mga iyan.
06:35And kaya kahit wala pong mga bagyo ngayon, hindi naman po natin hinihingi na magkaroon ng sama ng panahon in the immediate future.
06:46Pero nakaandaan na po dahil naka-preposition na nga po yung mga goods doon sa mga warehouses, nung mga ports po natin.
06:54Maliban po sa mga pantalan, syempre hindi lang mga pantalan na apekto at mga pasahero.
06:58Minsan may mga nasa bus terminals, sa airports.
07:01Meron po ba tayong partnership din sa kanila na ginagawa para matulungan kung sakali man kailangan man ng tulong yung ating mga pasahero?
07:08Well, aside kasi from the ports, nagpre-preposition din tayo sa ating mga major hubs, spokes, and last miles.
07:16Meron tayong mga managed na mga warehouses, iba't ibang panig po ng ating bansa.
07:21So kung kinakailangan po na tumugon tayo sa mga ibang mga emergencies, madali rin po tayo makakapag-provide sapagkat naka-preposition na rin po ito sa mga warehouses po natin.
07:33Asa kayo rin sa ibang usapin naman, may tanong tayo mula kay Clay Zelfordilla ng PTV.
07:39Bumaba ang hunger rates sa Metro Manila sa 20.3% noong April 23 to 28 mula 26% noong April 11 to 15.
07:48Pero tumaas naman yung national hunger rate sa 20%.
07:54Ano-ano pong mga food programs ang palalakasin ng DSWD para sugpuin ang kagutuman?
08:00Yusak March, unang-unan, nais nating pong banggitin na ito pong lumabas na pag-aaral na nagsasabi nga na bahagyang tumaas ang bilang ng mga pamilya o Pilipino na nagugutom nitong buwan ng April.
08:14Unang-unan, nais po nating banggitin na we're taking this seriously.
08:17Ang problema po ng kagutuman ay nangangailangan po ng immediate nakatugunan.
08:24Kung kaya nga po alinsunod sa direktiba ni Pangulong Marcos Jr. na dapat wala pong Pilipino ang nagugutom.
08:31Ang Department of Social Welfare and Development ay paigtingin pa po ang implementasyon ng Walang Gutom o the Food Stamp Program
08:38na kung saan nga po meron na tayong 300,000 household beneficiaries.
08:43We're looking at increasing the number of our beneficiaries by 150,000 by the second half of this year.
08:50Nang sa gayon, mas marami pa po tayong matulungan at makapacitate in preparing mura, masustansya at masasarap po na pagkain.
08:58Hindi lamang po 3,000 pesos monthly food credits ang ibinabahagi natin sa mga binipisyaryo ng Walang Gutom Program
09:04but we're also empowering them, we're capacitating them through productivity enhancement sessions
09:09para matutok po sila sa pag-prepare nga po ng masustansya at masasarap na pagkain para sa kanilang mga family members
09:16but at the same time, we're teaching them ng sa gayon naman po, makapaghanap rin sila ng trabaho
09:22o mapagkakakitaan ng sa gayon, masustain natin yung investment natin sa kanila
09:27at sila na rin po ang makapaghanap buhay at makapag-prepare ng pagkain para sa kanila pong mga pamilya.
09:33Alright, maraming talagang handang-handa.
09:36Nakikita natin yung pagiging proactive ng whole of government of the future in your agency.
09:39Binsahin nyo na lang po ASIC sa Timaho Bayan.
09:42Again, tayo nagpapasalamat, Yusek Marj, and Sir Charles,
09:44sa pagkakataon na binahagin nyo po sa DSWD para tayo makapag-provide ng information sa ating pong mga kababayan.
09:51Para po sa mga iba't-ibang programa at servisyon ng DSWD,
09:55hinikayat po namin kayo na bisitahin ang official communication platform ng aming pong ahensya
10:00that's at DSWD Serves dahil ang tamang tulong ay makukuha po sa tamang informasyon.
10:07Huwag po tayo madiniwala sa mga iba't-iba pong mga information o mga posts na nakikita natin po sa social media.
10:13Again, bisitahin po ang aming official communication platform para malaman nyo po kung paano i-access
10:18ang mga iba't-ibang programa po ng ating pamahalan.
10:22Maraming salamat po sa inyong oras.
10:25Assistant Secretary Irene Dumlao, ang tagapagsalita ng DSWD,
10:29at you gave us the opportunity to be with us today here at Bagong Pilipinas.
10:33Maraming salamat din, Yusek Marj.

Recommended