00:00Formal ng nanumpa kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Maria Teresa Lazaro bilang kalihim ng Department of Foreign Affairs o DFA.
00:09Nagsilbi si Lazaro bilang DFA Undersecretary for Bilateral Relations and ASEAN Affairs bago pinalitaan si dating DFA Secretary Enrique Manalo
00:18na nakatakdang bumalik bilang Philippine Permanent Representative to the United Nations.
00:23Si Lazaro ay tinuturing na top negotiator ng Pilipinas, China at ASEAN.
00:28Nangako ang bagong kalihim na palalakasin ang posisyon ng Pilipinas sa global community sa harap ng nalalapit na chairmanship ng bansa sa ASEAN na 2026.
00:39Nagsilbi rin si Lazaro bilang Ambassador to France at Switzerland at naging delegado rin sa UNESCO.
00:45Itinutulak niya ang katatagan at kapayapaan sa region at multilateral cooperation.
00:51Dahil sa kanyang ambaga, pinarangalan siya ni Pangulong Marcos Jr. ng Order of Sikatuna Grand Cross Gold Distinction.
01:01Minibigay ito ng mga presidente o ng presidente sa mga diplomatiko o dayuhang opisyal bilang pagkilala sa natatanging kontribusyon sa diplomasya at ugnayang panlabas ng Pilipinas.