Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
Ilang senador, naghayag ng suporta kay SP Escudero

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Ilang Senador pa ang naghayag ng suporta kay Sen. Francis Cheese Escudero para manatiling Sen. President sa 20th Congress.
00:10Ilang Senador naman ang naghayag ng pagiging bukas maging Minority Leader.
00:15Yan ang ulat ni Daniel Manalastas.
00:19Obisyan na ngayong araw ang panunungkulan ng mga Senador sa 20th Congress.
00:24At bagamat malayo pa ang opisyal na pagsisimula ng sesyon sa Hulyo, kung ngayon ang eleksyon sa pagka-Senate President, nakatitiyak si Sen. Joel Villanueva na mananatiling leader ng Senado si Sen. Francis Escudero.
00:37May nakausap na raw siya ng mayorya ng mga Senador.
00:40I am confident because I've talked to at least majority of the Senators.
00:46So I can say that, but of course, every day is another day.
00:55Hindi ko masabi kong magbabagong isip yung mga nakausap ko, but as far as I'm concerned, dun sa mga nakausap ko.
01:03Si Sen. Erwin Tulfo, na naghayin naman ang kanyang mga unang panukalan batas bilang Senador sa 20th Congress,
01:09nakausap daw ang kanyang kapatida si Sen. Rafi Tulfo at napag-desisyonan daw nilang pumanig sa majority block.
01:29Pero nang tanongin kung susuportahan ba niya si Sen. Escudero.
01:33Are you with the SPC? Are you supporting him to be still the SP, sir?
01:39Kung yun ang sa majority, then what I heard kanina umaga yata, si Sen. Soto sabi niya,
01:46willing siya maging nasa minority siya, parang is he accepting that? I'll be the majority.
01:51Sa minority block naman, bagamat matunog ang pangalan,
01:55nang kakapanumpalang kanina na si Sen. Tito Soto na posible ang makatapat ni Escudero sa Senate Presidency,
02:01kinumpirmang bukas din siya maging leader ng minorya ng Senado.
02:05Gayunpaman, hindi pa rin inaalis ang posibilidad na maging Sen. President muli,
02:10kung nanaisin ng kanyang mga kasamahan.
02:12Oo, maganda rin yung role yun.
02:16Dahil handang-handa, sapagkat ako'y naging minority leader na dati,
02:21noong panahon na ang Sen. President noon ay si Nene Pimentel.
02:24Ang pagtakbo ng Sen. President ay hindi naman sa akin, sa pananaw ko,
02:30ay hindi yung ako ang may gusto, kung hindi yung aming mga kasama.
02:35So kung iyahalal ako ng aming mga kasama at sila'y nag-uusap-usap para gawin dito, tatanggapin ko.
02:41Sabi ni Sen. Risa Ontiveros,
02:43nag-uusap pa rin sila ni na Sen. Bamaquino at Sen. Kiko Pangilinan
02:47at isasapinal pa nila ang mga plano.
02:50Pero aminado ang Senadora na mas realistic na siya ay maging bahagi ng independent block.
02:56Hindi pa consideration sa inyo na tumakbo rin.
02:58Para lang, just for the sake to get the minority leadership.
03:04Siguro early on, inisip ko rin.
03:06Pero I think mas realistic na either...
03:11Mas realistic siguro na maging bahagi ng independent block.
03:15Given the numbers, I will not join the majority again.
03:20I haven't been part of the majority in almost 9 years.
03:24And tingin ko consistent sa pagiging miyembro ko ng minority.
03:29Either manatili sa minority or magbuo ng isang independent block o maging independent.
03:35Hindi lang dahil sa nakaraan, pero dahil din sa kinabukasan.
03:39Daniel Maranastas para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.

Recommended