00:00Samantalang mahigit 60 overseas Pilipinos sa Israel ang binigyan ng Online Psychological Psychosocial Counseling na Embahada ng Pilipinas at Department of Health.
00:12Ito'y bilang tugon ng pamahalaan sa trauma at stress na idinulot ng sigalot ng Israel at Iran.
00:19Nakibahagi din si Health Secretary Ted Erbosa sa aktividad na dati na rin nag-training sa Sheva Tel Hashomer Medical Center.
00:27Kabilang sa mga itinuro ay ilang tips para patatagin ang kanilang kaisipan at pangalagaan ng kanilang mental health sa gitna ng gera.
00:36Samantala patuloy din na dumadalaw ang DMW-OA team ng Embahada para bigyan ng emergency financial assistance at relief packages sa mga kababayan nating apektado ng missile attacks ng Iran.
00:48Binisita din ang OWA ang mga Pilipino na ginagamot at nagpapagaling sa ospital kung saan kanila ding tiniyak ng pagbibigay ng tulong para masigurong matatanggap nila ang kanilang beneficyo.