Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/27/2025
Bumaba ang demand kaya nagmura ang kada kilo ng karneng baboy sa ilang pamilihan. Gayunman, posibleng makaapekto sa presyo ang transportation cost lalo kung ang supplier ay dating dumadaan sa ginagawang San Juanico Bridge.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Bumaba ang demand, kaya nagmura ang kada kilo ng karneng baboy sa ilang pamilihan.
00:04Gayunman, posibleng maka-afekto sa presyo ang transportation cost,
00:08lalo kung ang supplier ay dati pong dumaraan sa ginagawang San Juanico Bridge.
00:13Nakatutok si Bernadette Reyes.
00:18Dahil sa mahal, minsan na lang kung bumili ng karneng baboy si Judith.
00:22Minsan, nasa budget, sa sobrang taas, diba?
00:26Sa monitoring ng Department of Agriculture, umaabot hanggang 490 pesos ang kada kilo ng liyempo.
00:33Ang kasim naman, hanggang 420 pesos kada kilo.
00:36Pero dito sa Marikina Public Market, bahagyan ang bumaba ba ang presyo ng baboy?
00:41Nagbaba si dealer kahagabi ng limang piso.
00:44Kagabi pa lang lima pa lang dun sa mga pinatong nila na sampu o na araw-araw noong nakaraan.
00:49Kunti pa lang ang ibinaba, limang piso pa lang.
00:52Kaya hindi pa kami masyadong makapagbaba ng bentahan.
00:58Ayon sa Pork Producers Federation of the Philippines, dahil ito sa bumababang demand sa baboy.
01:03Naglalaro ngayon sa 230 hanggang 250 kada kilo ang farm gate price ng baboy mula sa dating 260 hanggang 265 kada kilo.
01:13Basta dumadating na July hanggang August, bumaba ba talaga yung presyo ng karneng baboy?
01:24We relate it to yung buying power ng consumer kasi usually this time yung magastos nila sa pang tuition na mga bata.
01:36At maaari paan nilang bumaba ang farm gate price o presyo sa mga baboyan sa mga susunod na linggo bago muling tataas pagpasok ng vermonts.
01:46Pero ibang usapan ang presyo kapag ibiniyahin na dahil wala silang kontrol sa transportation cost.
01:52Halimbawa, maaaring magmahal ng 5 hanggang 6 pesos ang transportation cost dahil sa pagkukumpuni ng San Juanico Bridge na nagdurugtong ng summer at late.
02:03Pinatatagal kasi nito ang pagbiyahe ng mga baboy.
02:05This is a factor that is hindi natin maiwasan dahil nga sa bridge, San Juanico Bridge, but hindi naman lahat ng supply ng baboy nang gagaling doon.
02:19Mas marami pa rin sa ibang areas like Cebu and other parts of Isayas na magsusupply ng baboy papuntang Luzon.
02:27Singisikap ng GMA Integrated News na makuha ang panig ng Department of Agriculture ukol dito.
02:33Para sa GMA Integrated News, Bernadette Reyes nakatutok 24 oras.

Recommended