Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/13/2025
Umarangkada na ang pagbebenta ng P20/kilo na bigas. Sa pagkakataong ito ay para naman sa mga minimum wage earner sa Maynila. Para marami ang makinabang, gumagawa ng application ang Agriculture Department para labanan ang mga mananamantala.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Umarangkada na ang pagbibenta ng 20 pesos na bigas.
00:04Sa pagkakataon ito, e para naman sa mga minimum wage earners sa Maynila.
00:09Para marami ang makinabang, gumagawa ng application ang Agriculture Department para labanan ang mga mananamantala.
00:17Nakatutok si Bernadette Reyes.
00:22Nakangiting binuksan ni Antonio ang bigas na nabili lang ng 20 pesos kada kilo.
00:27Minimum wage earner si Antonio, kaya malaking tulongan niya ito sa pagbabudget.
00:33Lalo't kailangan niya ang kanin para sa lakas bilang porter.
00:36Dati po makakabili ako ng bigas ng limang kilo lang.
00:40Pero kung merong mga 20 pesos na bigas na ganito mo, baka sakasakali makabili na ako ng sampung kilo.
00:46Malaking bagay na po sa pamilya ko ito mo.
00:49Si Anthony naman, makakapagtabinaan niya ng pera.
00:52Savings na lang po namin yan, para kung sakaling may darating na ano.
00:55Masako na, magagamit po namin.
00:59Ngayong araw, formal na inilunsan ang programa sa mga minimum wage earners sa Manila Harbor Center sa Maynila.
01:05Dagdag sila sa mga four-piece beneficiary, senior citizens, PWD at solo parents na pwede na dati pang bumili nito.
01:13Inaidentify po namin nasaan sila at sino-sino sila.
01:16Nasaan silang mga kumpanya.
01:17Ngayon pong araw, meron po tayong ngaabot sa 16,000 na mga minimum wage earner.
01:22Hindi lamang po dito sa Manila, sa ibang probinsya po nagkakaroon po ng mga ganito.
01:27Depende sa kumpanya o employer, pinag-aaralan kung mas mainam na salary deduction o agarang bayad ang magiging sistema ng pagbili ng bigas.
01:36Ayon sa Department of Labor and Employment, 120,000 na mga minimum wage earners ang inisyal na target na mabentahan nitong benteng bigas.
01:44Pag-aaralan din daw ng Department of Agriculture na palawigin pa ang programa para makabili rin ito ang mga nabibilang sa lower middle income.
01:52Hamon din sa DA ang umuulit sa pila kahit nakabili na ng takdang limit, gaya ng nabisto sa Bakolod.
01:59Nagde-develop na anya ang DA ng app na gagamitin ang mga bibili para matrack ang nabili nilang biga.
02:05Kung nakarehisto ka sa app na yun at na-vet at approve ka para sa programa, parang ititirahin nila yung barcode, alam na natin na nakakuha ka na, ilan na nakuha mo, kailan mo nakuha, saan mo nakuha.
02:17Samantala, simula naman sa July 1, posibleng ibaba ng 2 piso ang maximum SRP sa imported rice.
02:24From 45 to 43.
02:26So yung RFAs natin, malamang bumaba din by 1 to 2 pesos bawat, but pina-finalize pa.
02:34Para sa GMA Integrated News, Bernadette Reyes, nakatutok 24 oras.

Recommended