Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/25/2025
- LRTA: LRT-2, full operation na kaninang 11:20am; libreng sakay, tuloy pa rin hanggang bukas


-INTERVIEW: PY CAUNAN


ADMINISTRATOR, OWWA


-Lalaki, pinagsusuntok ng kapwa-tricycle driver dahil sa alitan sa pasahero


-House Prosecution Panel sa sagot ni VP Duterte sa summons ng impeachment court: Those who cannot face the facts resort to procedure/House Prosecution Panel, iginiit na hindi nilabag ang one-year bar rule sa paghain ng ikaapat na impeachment complaint laban kay VP Duterte/House Prosecution Panel: Impeachment trial laban kay VP Duterte, dapat hintaying matapos bago kumilos ang Ombudsman


-BRP Teresa Magbanua, balik-bansa na matapos sumali sa trilateral maritime exercise sa Japan


-Palestinian ambassador to the Phl Mounir Anastas: Opensiba ng Israel sa Iran, paglilihis sa sitwasyon sa Gaza


-Kalidad ng mga produktong petrolyo sa ilang gasolinahan, ininspeksyon ng DOE/Utay-utay na pagpapatupad ng oil price hike, mino-monitor ng DOE/ Presyo ng langis sa world market, binabantayan din ng DOE


-2 sa 5 minerong na-trap sa isang tunnel, nailabas na nang buhay


-Batang magkapatid, patay nang ma-trap sa nasunog nilang bahay


-RaWi, pangalawang duo na pasok sa Final Four ng "PBB Celebrity Collab Edition"


-31-anyos na lalaking nagbebenta umano ng malalaswang larawan online, arestado3 menor de edad na biktima umano ng pang-aabuso, nasagip/ Magkapatid na kambal, arestado matapos ireklamo ng estafa


-Aso na kuhang-kuha ang pose ng dino mascot, bentang-benta sa netizens


Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Mainit-init na balita na ibalik na sa full operation ng LRT-2.
00:04Ibig sabihin niyan, may diyahe na mula rekto hanggang antipolo station at pabalik.
00:09Ayon kay LRT Administrator Attorney Fernando Cabrera,
00:1311.20am na nga magbalik sa full operation ang train line kasunod ng technical problem kaninang umaga.
00:20Tuloy pa rin daw ang libring sakay hanggang bukas.
00:22Update naman po tayo sa unang batch ng mga OFW na nirepatriate mula sa Middle East dahil sa gulo sa pagitan ng Israel at Iran.
00:32Kausapin po natin si OWA Administrator P.Y. Kaunan.
00:36Magandang umaga at welcome po sa Balitang Halimam.
00:40Magandang umaga po ni Magandang umaga na rin. Magandang umaga sa lahat ng mga kikinip.
00:45Kamusta lamang kami doon sa mga OFW na nakauwi na ho kagabi? Kamusta na po sila?
00:5026 po ang nakauwi mula Israel at meron po silang kasamang tatlong galing Jordan, isang galing West Bank at isang galing Qatar.
01:01Yung 31 po ay yung iba ho na ihatid na ho natin sa mga bahay ho nila at nakasama na ho nila ang kanilang mga pamilya kagabi pa lang.
01:11Yung iba naman ho ay hinaos po muna natin sa hotel at on the way pa lang po sa kanilang mga pamilya.
01:19Okay. Ilan pa hoong OFW ang inaasahan natin mapabalik dito sa ating bansa?
01:24At kung sa kasakali meron na ho ba tayong date kung kailan sila makakarating?
01:30Sa Bansang Israel meron po tayong susunod na batch. 50 po sila.
01:34At after po noon meron na pong nagpalista around 23 as we are talking right now po.
01:42So, yung 50 po, dapat po darating sila ng either June 26 or 27 pero nagkaroon lang ho ng pagsasara ng airspace kaya nag-a-adjust lang ho sa schedule.
01:55So, in the next coming days may update po tayo kung kailan darating yung batch 2 na 50 po natin kagbabayang OFWs mula Israel.
02:03Nagkaroon din po Ma'am Connie ng anunsyo ang ating Department of Foreign Affairs si Yusek Ed De Vega.
02:12Patungkol naman ho sa mga kababayan natin, nagaling naman ang Iran.
02:16Meron pong walo, scheduled po sila in the next coming days na bumalik.
02:22At apang verification po dito sa OWA, 7 po sa walo ay OFWs.
02:26I see. May mga nakausap din ho tayo na nagsasabi na nagkakaroon sila ng pagdadalawang isip although nagpalista initially po sa inyo.
02:36Ano ho ba ang estado ngayon ng mga nagdalawang isip na bumalik dito sa ating bansa?
02:42At sila ho ba ay nagpalista ng muli?
02:45Sa bansang Israel po, 340 po ang ating pong natanggap na request for repatriation.
02:52For context po, meron po tayong 30,000 plus OFW sa Israel at nakatanggap po ang ating embahada sa Tel Aviv, pati po ang BMW at OWA ng 340 na mga tawag at request.
03:09Inisa-isa po natin, Ma'am Connie, yung 340 at doon po natin nakuha yung 26 na unang batch, 50 na susunod at ito pong 23 na susunod pa doon sa 50.
03:20So kung makikita nyo po, medyo nasa wala pa pong isang daan out of the 340 yung pong confirm na gusto po nila magparipatriate.
03:32Okay. At automatic ho ba na maibibigay agad yung tulong ng gobyerno? O may mga screening pa ba silang kailangan pagdaanan?
03:40Ginawa na po natin yung screening before pa sila dumating.
03:44Okay. Binibigay po natin yung cash and reintegration assistance pagdating po nila dito sa Maynila, sa airport po mismo natin inaabot.
03:53Opo. Para agad-agad po magamit po nila ito.
03:56Ito po ay para sa mga kababayan natin na apektuhan nitong nangyayaring gulo between Israel and yung Iran.
04:04Yeah. Same amount din po, Ma'am Connie, ang binigay natin doon sa mga kababayan po natin umuwi starting last year from Lebanon.
04:13Dahil nga rin po doon sa kaguluhan na nangyayari po.
04:16Papaano naman ho yung mga OFW na papalis pa lamang sana? May maitutulong din po ba sa kanila?
04:21Well, sa mayun po, alert level 3 ang itinaas ng ating Department of Foreign Affairs.
04:28Ang ibig sabihin nun nito ay pagdating sa Iran at sa Israel, yung ating po mga returning workers or balik manggagawa, hindi na po pinakayagang bumalik.
04:38Opo, umalis.
04:39So, yun naman pong mga kababayan natin sa ibang mga lugar in the Middle East.
04:47Naglabas po ang Department of Migrant Workers ng Aruncio at Abiso sa mga Philippine Recruitment Agencies na siguraduhin na magkakaroon muna ng mga flights
04:59kasi maraming yung cancellation, Ma'am Connie na nangyayari ngayon at nasa-stranded po yung ating mga kababayan sa mga airports katulad ng Dubai at ng Doha.
05:10So, yung pong tulong na ibinibigay natin, tuloy-tuloy lang naman po, may iba po na nagaantay na lang na magkaroon ng opening doon sa mga bansang ito para makapunta sila or makabalik.
05:24Yung iba naman po ay umapasok doon sa ating mga government to government hiring programs sa iba-ibang lugar at may iba rin naman po na nag-a-apply din sa mga licensed recruitment agencies po natin dito sa Pilipinas.
05:37Paano po yung proseso kapag yung mga nagpapasundo po sa inyo ay undocumented? Same din po ba yung mga beneficyo din po makukuha nila?
05:47Hindi po tayo nagbabago ng trato. Basta po OFW, whether documented or undocumented.
05:57Ngunit nagkakaroon din lang ng konting challenge kasi po, kunwari po yung ating mga kababayan sa Iran, yung iba po sa kanila sa record po ng Department of Migrant Workers at ng OWA ay dapat po nasa ibang lugar sila katulad ng Dubai or ng Abu Dhabi or Doha.
06:16Pero they end up being in Iran. So nahihirapan lang po tayo sa monitoring kaya we encourage nakikiusap po tayo sa ating mga kababayan na makipag-contact po sa amin.
06:30At patuloy po kami sa pagbigay ng ating contact email address, pati po yung ating national hotline na 1348, at bukas po ang ating mga Facebook accounts at social media accounts ng BMW at ng OWA.
06:46At nasa likod po nito yung ating 24-7 na call center dito sa OWA.
06:51Marami pong salamat sa inyong oras na ibinahagi sa Balitang Halimam.
06:55Yan po naman si OWA Administrator PY Kaunan.
07:00Huli kam sa isang terminal sa Lapu-Lapu City sa Cebu, pinagsusuntok ng lalaking yan ang kapwa niya tricycle driver sa barangay Kanhulaw.
07:10Hindi na lumaban ang biktima na nagtamo ng mga pasa at hirap ngayong imulat ang kanyang mata.
07:17Sabi ng mga otoridad, alitan sa bilang ng pasaherong isinasakay ang naging ugat ng insidente.
07:23Humarap sa mga otoridad ang suspect na umamin sa kanyang nagawa.
07:26Madala o nadala raw siya ng init ng ulo.
07:28Humihingi siya ng tawad kaugnan nito pero ang biktima, decidido raw na ituloy ang reklamo.
07:41I-giniit ng House Prosecution Panel na hindi nalabag ang one-year bar rule sa paghahain ng impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
07:51Balit ang hatid ni Mariz Omali.
07:55Hindi na nagulat ang House Prosecution Panel sa tugon ng kampo ni Vice President Sara Duterte na lumabag daw sa one-year bar rule ang verified impeachment complaint na inihain laban sa kanya.
08:07Kaya'y pinababasura na niya ito sa Senate Impeachment Court.
08:10Those who cannot face the facts, those who cannot prove the substance of their defense resort to procedure.
08:18Ang gusto namin, factual and legal basis.
08:22Wala ho yun sa sagot eh.
08:23Hindi ito yung bloodbath na inaasahan namin.
08:27May sinabi pa, ang Articles of Incorporation is a mere scrap of paper.
08:32In other words, basura.
08:34Eh kung basura, bakit niyo sinagot?
08:36Gayet ng Prosecution Panel, hindi nalabag ang one-year bar rule.
08:40Under the rules po, ang decided cases ng Supreme Court,
08:45initiation happens when the impeachment complaint is endorsed to the House Committee on Justice.
08:54Hindi ho nangyari yun sa tatlong unang impeachment complaints eh.
08:59So hindi ho na-violate yung one-year bar rule.
09:01Nanindigan ng House Prosecution Panel natuloy ang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte
09:08sa kabila ng kanyang sagot na Answer Ad Cotelab sa writ of summons ng Senado.
09:14Nakatakda raw nilang ihain ang kanilang formal reply bago ang deadline sa Sabado
09:18at hiniling na idiretsyo na sa pre-trial ang kaso.
09:21Bakit ang pre-trial?
09:24Kasi ho, sa dami ng ebidensya namin, kinakailang i-pre-marking ito eh, markahan.
09:30Hihingi kami sa impeachment court na mag-set ng trial dates para talagang sumulong na ito.
09:36Dapat din daw maghintay ang ombudsman na resulta ng impeachment trial
09:40bago magsagawa ng sariling hakbang alinsunod sa batas.
09:43Ang impeachment proceedings po is of primordial consideration.
09:49Yan ho ang pinakamataas na antas tungo sa panagutin ang impeachable official.
09:58The ombudsman should await the outcome of the impeachment proceedings.
10:03The ombudsman should take a back seat.
10:06Sinabi rin ang prosekusyon na hindi nila nakikita ang anumang makatarungang dahilan
10:10upang ibasura ang kaso nang hindi ito'y dinadaan sa paglilipis.
10:14Mariz Umali, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
10:20Nakabalik na sa bansa ang BRP Teresa Magbanwa kanina.
10:23Sinalubong ito ng maopisyalang Philippine Coast Guard sa Port Area, Maynila.
10:28Ilang araw na sumabak ang BRP Teresa Magbanwa sa ikalawang trilateral maritime exercise
10:32kasama ang Japan at U.S. Coast Guard sa Kagoshima, Japan.
10:37Sa nasabing maritime exercise, nagsanay sila sa communication exercise,
10:41search and rescue, firefighting, photo exercise at transfer of personnel.
10:46Layon itong palakasin ang koordinasyon at kahandaan ng tatlong bansa
10:49sa gitna ng mga banta sa karagatan.
10:52Pinuri ang kontribusyon ng bawat isa sa pagpapalakas ng siguridad at kaligtasan
10:57sa Indo-Pacific Region.
10:58Para kay Palestinian Ambassador to the Philippines, Munir Anastas,
11:03paglilihis sa sitwasyon sa Gaza Strip ang opensiba ng Israel sa Iran.
11:08Sa eksklusibong panayam ng GMA Integrated News,
11:11binigyang diin ang Palestinian Ambassador na
11:13nagpapatuloy ang humanitarian crisis sa Gaza na anyay natatabunan ng Israel-Iran conflict.
11:19Tingin ni Ambassador Anastas,
11:21panahon na para bigyang diin ang Pilipinas sa Israel
11:23na resolvahin ang krisis sa Gaza,
11:25lalot maayos naman daw ang ugnayan ng Pilipinas at ng Israel.
11:29Nakausap din ang Palestinian Ambassador,
11:32si GMA Network President and CEO Gilberto Ardoavit Jr.
11:36Tinalakay nilang ilang koneksyon at pagkakahalintulad ng Pilipinas at ng Palestine
11:40gaya ng relisyon, kultura at paggamit ito para makipagugnayan sa ibang bansa.
11:47Naroon din si na Senior Vice President and Head of GMA Integrated News,
11:51Regional TV and Synergy, Oliver Victor B. Amoroso,
11:53at Vice President and Head of GMA Corporate Affairs and Communications,
11:58Angilavier Cruz.
12:02Samantala, nag-inspeksyon ang Department of Energy sa ilang gasolinahan
12:06para tiyaking napatutupad ang utay-utay na oil price hike.
12:10May ulat on the spot si Bernadette Reyes.
12:13Bernadette?
12:13Tony, nag-surprise inspeksyon ang DOE sa ilang gasolinahan ngayong araw
12:22sa gitna ng tumataas na presyo ng produktong petrolyo.
12:26Bukod sa pag-inspeksyon, kung tama ba ang quality o sukat na petrolyo na dinidispense na mga pump,
12:36tiniyak din ang DOE ang quality o kalidad ng petrolyo para matiyak na hindi nadadaya ang mga consumer.
12:4210,000 pesos ang muta kada dispensing pump kapag mali ang sukat.
12:48Kapag naulit maaaring ma-revoke ang compliance certificate,
12:51lakip ang endorsement sa LGU para i-revoke ang kanilang business permit
12:55o i-suspend muna hanggang makakomply sa calibration.
12:59Kapag makuha naman ang sample at may violation sa quality,
13:03200,000 pesos ang penalty.
13:05Maaaring ma-revoke o ma-suspend kung paulit-ulit ang violation.
13:09Mino-monitor din nila kung naa-apply ang increase ng staggered basis.
13:14Samantala, bukod sa staggered na increase,
13:16ay nagahanap pa ng ibang paraan ang DOE
13:19kung paano rin maibisa ng epekto na mataas na presyo sa mga consumers
13:24sa pamamagitan ng pagbibigay na mga gasolinahan ng mga discount.
13:28Sa ngayon, ayon kay DOE o IC Sharon Garin,
13:31ay bumababa na ang presyo ng produktong petrolyo sa pandeigdigang merkado
13:35pero wala pa silang pinal na mga figures sa ngayon.
13:39Pero kung patuloy raw na bababa ang presyo ng produktong petrolyo sa world market,
13:44ay maaaring malaki-laki rin ang rollback sa susunod na linggo.
13:48Connie?
13:48Maraming salamat, Bernadette Reyes.
13:50Ito ang GMA Regional TV News.
13:58Nasa gitna ang dalawa sa limang minerong na trap sa isang tunnel sa Quezon, Nueva Vizcaya.
14:04Ay sa luka ng pamahalaan ng regyon,
14:06patuloy pa ang retrieval operations para sa tatlo nilang kasama.
14:10Batay sa investigasyon, iligal umanong nagmimina ang mga minero sa tunnel
14:14na tatlong daang metro ang lalim.
14:17Posibi raw na nagkulang sa oxygen sa loob ng tunnel,
14:20kaya nahirapang huminga ang mga minero at nahirapang makalabas.
14:24Patay ang dalawang batang magkapatid
14:30nang matrap sa nasunog nilang bahay sa sinakaban ni Samis Opsidental.
14:35Basis sa investigasyon,
14:36naiwan sa bahay ang magkapatid na edad 4 at 2.
14:39Kinandado raw ng kanilang mga magulang ang bahay
14:42para hindi makalabas ang mga bata habang nasa trabaho sila.
14:47Mabilis daw nasunog ang bahay dahil gawa ito sa light materials.
14:51Inaalam pa ang sanhin ng apoy.
14:542 out of 4 duos na
15:01ang confirmed na pasok sa Big Night
15:03ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
15:07Ang rawi o duo ni Ralph De Leon at Will Ashley
15:11ang nanalo sa unang Big Jump Challenge.
15:15Bago yan, inianunsyong pasok na rin sa Final Four
15:18ang duo ni Charlie Fleming at Esnier.
15:21Gabi-gabing sumaybayan sa GMA Prime
15:23ang PBB Celebrity Collab Edition 9.35pm at 6.15pm naman tuwing Sabado.
15:29Ito na ang mabilis na balita.
15:35Pinaresto ang isang lalaki sa Cebu City
15:38na nagbibenta umano ng malalaswang larawan online.
15:42Nasa git naman ang kanyang biktima na mahigit 30 anyos na rin
15:45pero pinalalabas na minor de edad.
15:47Tatlong minor de edad naman ang nararescue ng mga otoridad
15:50sa Ozamis, Misamis Occidental
15:51na mga biktima rin umano ng pang-aabuso.
15:54Arestado ang isang babae na tumatayong guardian ng mga bata.
15:58Walang pahayag ang mga suspect.
16:03Arestado naman sa magkahihwalay na operasyon sa Pampanga
16:05ang magkapatid na Kambal dahil sa pang-i-estafa umano.
16:09Batay sa reklamo ng mga biktima,
16:11pinaniwala silang maibinibentang ari-arian sa Clark ang dalawa
16:14pero hindi pala ito totoo.
16:16Umabat na raw sa milyong-milyong piso
16:18ang nabigay na pera ng mga biktima.
16:20Sinusubukan pa namin kunan ng pahayag ang magkapatid.
16:22For the good vibes tayo ngayong Wednesday.
16:33Ibibida natin ang asong nagpabibo
16:35sa kanilang pamamasyal sa Baguio.
16:38Eto na ha!
16:40E ano ba kasi ang trip ng alagang yan?
16:44Bukod sa au-au,
16:46parang kaya na rin mag-roar ng asong si Rio.
16:50Yun o, buhang-buha kasi ang pose ng mascot na dino.
16:55Spot the difference lang ang pego
16:57ng kostyum na dinosaur at dalito-agnosaur.
17:00Yan daw ang sick pretty aura,
17:03isa sa maraming tricks na alam ni Rio
17:05mula sa training ng kanyang fur dad.
17:08Ang kwela nga pang dudog show,
17:11ibentang-benta sa netizens.
17:13More than half a million na ang views ng video.
17:16Kaya naman,
17:17Trending!
17:19Ang cute eh, oh.
17:20Ginaya niyo mo yung pose talaga ng dino.
17:22Mabibili ba ko sa'yo
17:23kung magaya mo yung pose ni Aubrey?
17:26Sige namin.
17:27Ato ko?
17:28Nasa harap yung isang pa?
17:29O, gano'n.
17:30May mga gano'n.
17:31At talaga, nakaka-good vibe talaga
17:33yung ating mga fur babies.
17:35Galing.
17:35Sama?

Recommended