Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/10/2025
Narito ang maiinit na balita sa Balitanghali Express ngayong Martes, June 10, 2025


- PAGASA: Low Pressure Area sa labas ng PH Area of Responsibility, lumakas bilang tropical depression; pinalalakas ang Habagat

- Baha at landslide, naranasan sa ilang lugar sa Zamboanga del Norte; ilang residente at motorista, naperwisyo

- Senate President Chiz Escudero, nanumpa na bilang presiding officer ng impeachment court na lilitis kay VP Duterte

- PBBM: Tatawid sa 20th Congress ang impeachment trial ni VP Sara Duterte

- Ilang kongresista, tutol na gawing 2 na lang ang Articles of Impeachment vs. VP Duterte at tapusin ang paglilitis sa loob ng 19 na araw

- Raul Villanueva, itinalaga ni PBBM bilang bagong Supreme Court Associate Justice

- Laundry shop sa Brgy. Mohon, nilooban; cellphone at P1,300 cash, natangay

- Lalaki, patay matapos malapitang barilin sa Brgy. San Isidro; naarestong suspek, walang pahayag

- MMDA, nagpadala na ng notices of violation sa mga motoristang nahuli-cam na lumabag sa batas-trapiko

- Isa, patay habang isa ang sugatan sa salpukan ng 2 motorsiklo; parehong walang suot na helmet

- 3 resto bar, nasunog dahil umano sa pag-short circuit ng linya ng kuryente

- Ruru Madrid, #sepanx ngayong finale week na ng "Lolong: Pangil ng Maynila"

- Lalaking nagse-cellphone habang tumatawid ng kalsada sa Brgy. Jibao-an, nasalpok ng motorsiklo

- Lalaking wanted sa kasong murder, natunton at naaresto sa Brgy. Malinta

- Binatilyo, patay matapos aksidenteng masabugan ng granada; 2 niyang kasama, sugatan

- Motorcycle rider, patay matapos bumangga sa isa pang motorsiklo at sumalpok sa puno ng niyog

- Panukalang magpapahaba sa termino ng barangay at SK officials sa 6 na taon, aprubado na sa Kamara

- Max Collins, nakisaya sa pagdiriwang ng Philippine Independence Day sa Canada

- Manny "Pacman" Pacquiao, bahagi na ng Int'l Boxing Hall of Fame

- Bagong silang na sanggol, natagpuan sa loob ng nakaparadang jeep

- 10 pang gamot, tinanggalan ng VAT

- PAOCC: 9,000 dayuhang POGO workers, hindi pa nahuhuli dahil puno pa ang detention facility

- Ilang bahagi ng bansa, makararanas ng maulang panahon ngayong Martes



For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of Balitanghali.

Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time).

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
Transcript
01:00Sa ngayon, wala nang direktang epekto ang bagyo na yan pero pinalalakas nito ang hanging habagat na siyang magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa ngayong Martes.
01:10Uulanin ang halos buong bansa kasama ang Metro Manila sa mga susunod na oras base sa rainfall forecast ng Metro Weather.
01:16Posible ang heavy to intense rains na maaaring magdulot ang baha o landslide.
01:22Baha at landslide ang naranasan sa ilang barangay sa Cebu Co. Zamboanga del Norte.
01:27Rumagasa ang tubig mula sa bahagi ng bundok na yan sa barangay Lintangan sa Cebu Co. Zamboanga del Norte.
01:39Yan po ay matapos makaranas ng malakas na pagulan doon itong weekend.
01:43Binaharin ang kalapit itong kalsada.
01:45Sa barangay Lipuno, malalaking tipak ng bato ang humambalang sa kalsada matapos lumambot ang lupa dahil sa pagulan.
01:52Nagsagawa na po ng clearing operation.
01:55Sa barangay Panggian, may gumuhong kalsada matapos umapaw naman ang tubig sa spillway.
02:01Pahirapan po ang biyahe ng mga bus at iba pang sasakyan doon.
02:11Sa kasagsaga naman ng baha sa barangay San Jose Gusu sa Zamboanga City,
02:16lumitawang isang sawah na nagdulot po ng takot sa mga residente.
02:19Wala pang detalye kung nasa kustodian na ng mga otoridad ang sawah.
02:24Sa barangay Kabatangan, nakaranas naman po ng lampas ni egg na baha dahil sa pagulan doon.
02:30Lubog din po sa baha ang ilang bahay sa barangay Ayala,
02:33habang nagmistulang lawa na ang kalsada sa talungon sa barangay San Roque.
02:38Ayon sa CDRRMO, as of June 9, umabot sa mahigit 1,300 na pamilya
02:44ang apektado ng pagbaha mula sa 15 barangay ng lungson.
02:49Nanumpa na bilang presiding officer ng impeachment court sa Senate President Chisis Codero.
03:02Yan ay matapos magmosyon ng minoriyan na buuhin na ang impeachment court
03:05na lilitis kay Vice President Sara Duterte.
03:08Mamaya, inaasahang tatalakay naman kung pwede bang tumawid sa susunod na kongreso
03:12ang impeachment trial.
03:14Narito ang aking report.
03:16Bukas pa nakatakdang mag-convene ang Senado bilang impeachment court
03:24pero kagabi, nanumpa na bilang presiding officer si Senate President Chisis Codero.
03:29Mamaya naman manunumpa ang iba pang senador bilang miyembro.
03:33Ang kompromiso na pagdesisyonan matapos ang mahabang kokos ng mga senador.
03:36Klarohin ko na ang pinag-uusapan natin dito ay kung ano ang constitutional duty ng Senado.
03:42Hindi kung guilty or not guilty na ba ang impeach officer.
03:48Saka na ang hatol pagkatapos na ng trial.
03:51Ang importante ay magumpisa na ang trial proceedings kasi yan ang utos ng ating constitution.
03:56I therefore move that we already convene as the impeachment court at this very moment.
04:04May nagsasabi nga na itong pag-take na niya ng oath today, pag-constitute tomorrow is symbolic.
04:09But nasabi nga nung ibang mga senador na it's more than symbolic.
04:14Diba? Kasi once na ma-constitute yan, tuloy-tuloy na.
04:18Pero one, I have to admit, one reason na hinati-hati yan is because there's 23 of us and we couldn't agree.
04:24So we had to have some sort of meeting of minds.
04:28Bago nito, bumaba sa Senate floor sa Senate President Chisis Codero
04:31para ipaliwanag ang kanyang posisyon kung bakit sa merkeles pa sila magkokonvene bilang impeachment court.
04:36Ito ay matapos ang mahabang diskusyon sa plenario
04:39dahil tila hindi raw nasunod ang nakasaad sa konstitusyon na agad simula ng impeachment proceeding.
04:44For twith, citing various cases, Mr. President, Your Honors,
04:50means within a reasonable time which may be longer or shorter period
04:58according to the circumstances of a particular case,
05:02it means it is elastic in nature and varies with every case.
05:09Mamaya, inaasahan magpapatuloy ang debate kung pwede bang ituloy ang impeachment proceeding
05:13mula sa 19th patungo sa 20th Congress.
05:17Inaasahan ding magsasarita ang isa sa mga kalyadong senador
05:20ni Vice President Sara Duterte na si Senador Ronald Bato de la Rosa.
05:24Si Senador Robin Padilla,
05:25Inaasahan langhahin ng resolusyon para ibasura ang impeachment laban sa vice.
05:30Malinaw naman siguro yun.
05:31Kahit sunugin mo ako dito,
05:32mga nga may Rodrigo Roa Duterte ako, di ba?
05:36Pero yung draft ko, walang kinalaman sa draft ni ganito o draft ni ganon.
05:40Akin yun sa sarili ko.
05:42Nakasaal sa Senate Resolution 1371 na mag-a-adjourn sinidye ang kongreso sa June 13
05:47at matatapos lahat ng proceedings kabilang ang Articles of Impeachment laban sa vice.
05:53Dahil hindi raw ito matatapos ng 19th Congress,
05:56dapat ikonsideran na itong terminated.
05:58Rafi Tima nagbabalita para sa GMA Integrated News.
06:03Maging si Pangulong Bongbong Marcos ay naniniwalang tatawid sa susunod na kongreso
06:08ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
06:12Ang controversy po ngayon ay kung tatawid daw from 19th to 20th Congress.
06:17What is the controversy?
06:18It is very clear that it will.
06:20Because there's no way that even if they start the trial now,
06:25that they will finish it before the new senators commence.
06:32Ayon sa Pangulo na naging Senator Judge sa impeachment trial ni dating Chief Justice Sen. Renato Corona,
06:38hindi pa rin siya makikialam sa gagawin ng Senate Impeachment Court na magko-convene na bukas.
06:44Ngayon pa man, babantayan daw ng Pangulo ang mga magiging desisyon ni Senate President Chief Escudero
06:51na bilang presiding officer sa impeachment trial ni Vice President Duterte.
06:56Wala pang komento si Escudero sa sinabi ng Pangulo.
06:59Tutul din ang ilang kongresista na nag-endorso ng impeachment complaints
07:05laban kay Vice President Sara Duterte na gawin lang sa loob ng labinsyam na araw ang impeachment trial.
07:11Ayon kay Ang Ryan Partialist Representative Persis Endanya,
07:13dapat bigyan ng sapat na panahon para may paliwandag ng husto
07:17ang pitong articles of impeachment laban sa vice.
07:20Dagdag ni Gabriela Partialist Representative Arlene Rosas,
07:23hindi pwedeng limitahan ng panahon sa paglilitis
07:25para masagotan niya ang mga tanong ng taong bayan ukol sa mga paratang sa vice.
07:30Para naman kay dating Integrated Bar of the Philippines National President Attorney Domingo Cayosa
07:35sa panayam ng unang balita sa unang hirit,
07:37ang impeachment trial ay usapin din ng due process.
07:41Bilang impeachment court, kailangan daw magbigay ng sapat na panahon ng Senado
07:44na ilatag ng House Prosecution at ng vice ang kanilang mga paning.
07:49Hindi siya makakaroon ng fair day in court kung mabadaliin naman ngayon.
07:55Dapat maalala nila na ang mandato ng Senado ay litisin, hindi palusutin.
08:00Hindi siya dapat magpatali doon sa usapin na hanggang June 30 lang.
08:06Alam natin na ang mas gusto ng taong bayan is to see yung impeachment trial magproceed.
08:13And from there ay makita yung mga substantial talaga na kailangang pag-usapan doon sa usapin ng impeachment.
08:20Everybody must be given due process.
08:23Yung prosecution dapat mabigyan ng sapat na panahon para ilabas ang lahat ng ebidensya at argumento.
08:29Ganun din sa nasasakdal.
08:31You cannot do that in the very limited time that the Senate has given itself.
08:36Itinilaga ni Pangulong Bongbong Marcos si Raul Villanueva bilang Supreme Court Associate Justice.
08:44Kaninang umaga, pinangunahan ni Pangulong Marcos ang panunumpa ni Villanueva.
08:48Ayon sa Pangulo, well deserved ang appointment ni Villanueva bilang hukom ng Korte Suprema.
08:54Tinilitaan ni Villanueva si Associate Justice Mario Lopez na nagretiro nitong June 4.
08:59Si Villanueva ay nagsilving judge sa Regional Trial Courts sa Las Piñas, Taguig at Maynila.
09:06Naging Deputy Court Administrator din siya noong 2021 at Court Administrator noong 2022.
09:12Si Villanueva ang unang Marcos Jr. appointee sa Korte Suprema.
09:16Kahapon, nag-oath-taking na rin si na bagong chairperson ng Securities and Exchange Commission na si Francis Lim
09:22at si Shirley Agrupis na bagong chairperson ng Commission ng Higher Education o CHER.
09:29Huli kam sa Iloilo City, kita ang lalaking niya na dumiretso sa gilid ng isang laundry shop sa Barangay Mohon.
09:38Sa kasunod na kuha, tinatanggal niya ng ilang bintana at grills na nangaturang gusali.
09:42Nang makapasok sa loob, una niyang tinarget na patayin ang CCTV.
09:47Makalipas ang nasa isang oras, tumakas ang kawatan, tangay ang isang cellphone at mahigit sanlibong pisong cash.
09:53Ayon sa kapitan ng barangay, posibleng dayo lang sa lugar ang salarin.
09:57Patuloy ang backtracking sa mga CCTV para matunto ng kawatan.
10:04Patay ang isang lalaki matapos malapit ang barilin sa Rodriguez Rizal.
10:09May naaresto ng suspect pero sabi ng isang saksi, hindi ang totoong gunman ang nahuli.
10:15Balitang hatid ni EJ Gomez Exclusive.
10:18Pagmasda ng lalaking sakay ng motorsiklo.
10:25Maya-maya, isang lalaking naglalakad suot ng sombrero ang lumapit.
10:30At biglang...
10:31Ayun yun o.
10:34Pinagbabaril ang lalaking nakamotorsiklo.
10:37Natumba ang lalaki at kanyang motor, kasabay ng pagtakas ng gunman at pagtakbo ng mga tao sa lugar.
10:44Nangyari yan sa barangay San Isidro Rodriguez Rizal noong June 1.
10:48May tama sa ulo at dito sa katawan at tatlong basyo yung ating nakuha doon sa area.
10:55Naisugod naman natin ito sa hospital at doon nang diniklar na patay na.
11:01Ayon sa pulisya, base sa pahayag na live-in partner ng biktima,
11:05suspect sa pamamarilang isang lalaking kakilala ng biktima.
11:08Sinabi niya na yun ang suspect kasi mayroon silang palitan ng text message na pinagbabantaan na sinasabi na mag-unahan na lang sila.
11:16Nag-post po yung kababata ko, tapos tinagpo siya.
11:22Tinagpo yung live-in partner ko.
11:25Sabi kasi niya sa akin na swertihan na lang kung siya yung mauna.
11:30Siya yung makauna.
11:31Ano yun po yun ng Sunday po ng 10am.
11:34Then, nabalitaan ko na lang ng Sunday rin ng gabi na matay yung live-in partner ko.
11:41Isang araw matapos ang pamamaril, naaresto ng Rodriguez Police ang sospek na napagalamang may arestwaran sa kasong robbery.
11:50Sasampahan siya ng reklamong murder.
11:52Walang pahayag ang sospek na nakadetain sa custodial facility ng Rodriguez Municipal Police Station.
11:58Ilang araw makalipas, isang witness ang lumutang na kasama raw mismo ng biktima nang mangyari ang pamamaril.
12:04Ayon daw sa saksi, iba ang bumaril sa biktima at hindi yung unang naaresto.
12:10Sinasabi niya na kaya siya nagtagod dahil natakot siya at sinabi niya kilala niya mismo itong bumaril at hindi yung nauna nating nahuli.
12:20So patuloy yung ating manhunt operation doon sa sinasabing anong sospek na kilala niya dahil nakasama niya mismo sa kulungan itong bumaril.
12:30Kinilala ang biktima na si Edwin Villareal, 25 anyos na tricycle driver.
12:35Labis ang hinagpis ng mga naulilan ng biktima na bunsuraw sa anim na magkakapatid at ama ng tatlong taong gulang na bata.
12:43Hindi dapat ganun yung namiyay sa akin. Napakabata pa niya. Sobrang napakasama nung gumawa sa akin niya kasi talagang hindi siya bubuhayin na walang kalaban-laban yung kapatid ko.
12:57Karumal-domal po yung ginawa po sa kalibin partner ko. Kasi ulo agad eh. Masakit po kasi siyempre lahat po kasi kami hindi kami ready na ganun yung mangyayari sa buhay niya na siyempre masakit din sa akin na lalaki yung anak ko na walang tatay.
13:19Tinutugis na ng polis siya ang isa pang sospek.
13:22EJ Gomez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
13:27GMA Regional TV News
13:30Mainit na balita mula sa Luzon, hatid ng GMA Regional TV.
13:36Dead on the spot ang isang rider sa salpukan ng dalawang motorsiklo sa San Narciso, Quezon. Chris, anong detalya ng pangyayari?
13:48Connie, batay sa investigasyon, sumabog ang unahang gulong ng motorsiklo ng nasa wing biktima.
13:53Nawalan daw siya ng kontrol sa motorsiklo at sumalpok sa kasalubong na rider.
13:58Sa lakas ng impact, nawasak ang dalawang motorsiklo.
14:02Kritikal naman sa ospital ang isa pang rider.
14:04Ayon sa mga otoridad, walang helmet ang dalawa ng madisgrasya.
14:09Nagpapatuloy ang investigasyon sa insidente.
14:10Nasunog naman ang tatlong resto bar sa Tuguegaraw, Cagayan.
14:17Ayon sa Bureau of Air Protection ng Cagayan, nagsimula ang sunog sa isang resto bar sa Macapagal Avenue.
14:32Hanggang kumalat ito sa dalawang katabing bar.
14:35Tumagal ng halos labing limang minuto ang sunog bago naapula ang apoy.
14:39Wala namang nasaktan sa insidente.
14:42Tinatayang sandaan at limampung libong piso ang danyos ng sunog.
14:46Batay sa investigasyon, posibleng nag-short circuit ang linya ng kuryente sa lugar kaya nagkasunog.
14:51Showbiz latest naman tayo mga mare at pare.
15:01Finale week na nga ng lolong pangil ng Maynila.
15:05Kaya hashtag sepangs na si Kapuso primetime action hero Ruru Madrid.
15:10After ng uling araw nila sa taping, nag-share ng throwback moment si Ruru sa isang emotional post.
15:17Pag-amin niya, hindi naging madali ang pagbabalik ni Lolong dahil sugat.
15:22Luha, pagod at sakripisyoan niya ang naging puhunan.
15:26Isa raw sa mga naging pagsubok ang tinamon niyang injury.
15:29Kaya naman, malaki ang pahasalamat ni Ruru sa co-stars niya at sa production team para mabigyan pa rin ng justice ang mundo ni Lolong.
15:38Thankful din si Ruru sa tiwala ng Kapuso Network at syempre sa fans na walang sawang sumusuporta sa serye.
15:46Kaya mga mare at pare, kapit na sa last four episodes ng Lolong.
15:51Pangil ng Maynila, 8pm yan sa GMA Prime at Kapuso Stream at may delayed telecast dito sa GTV ng 9.45pm.
16:00Papatawid ng kalsada ang lalaking yan sa barangay Hibauan sa Pavia, Iloilo.
16:08Sa halit na sa kalsada, ang atensyon, nakatutok siya sa kanyang cellphone.
16:13Nang makarating ang lalaking sa kabilang lane, doon na siya nasalpok ng isang motorsiklo.
16:18Nagtamu ng sugat sa iba't ibang bahagi ng katawan ng rider at lalaking tumawid.
16:21Agad silang dinala sa ospital para masuri.
16:25Ayon sa Pavia Police, nakataktang mag-usap ang parehong panig para magkaareglo.
16:30Wala pa silang pahayad.
16:33Sa kulungan ng bagsak na isang wanted sa kasong pagpatay, matapos maaresto sa Valenzuela City.
16:39Aminato po sa pagpatay ang akusado na nakuhanan din ng balisong at bariel.
16:44Balitang hatid ni Jane Sagustin.
16:46Matapos ang halos 6 na buwang pagkatago na aresto ng maoperatiba ng Desert Special Operation Unit,
16:54ang nalaking wanted sa kasong murder,
16:56isinilbi ang arestwaran sa 33 anyo sa lalaki sa barangay Malinta, Valenzuela City.
17:02Natuntun natin itong akusado through operational research and cyber investigation.
17:08Pagkatapos ng krimensya ay nagtagos dito sa Kamanaba at sa may Bulacan area.
17:14Ayon sa pulisya, December 2024 na mangyari ang krimens sa Kaloocan City kung saan namatay sa paumarilan lalaking biktima.
17:22Meron siyang sinundan na lalaki dito sa may Kaloocan.
17:27So napang-abot sila. Ngayon bigla niyang pinagbabaril at namatay nga po ang ating biktima.
17:33Lumalabas ng motibo during that time is yung onsehan sa droga.
17:39Nang maaresto, may nakuha ang isang baril na kargado ng mga bala at isang balisong mula sa lalaki.
17:45Wala siya may pakita kakulang dokumento.
17:48Sabi ng DSOU, hindi ito ang unang beses na naaresto ang lalaki na nasangkot din umano sa ibang krimen
17:53at mga aktibidad na may kinalaman sa gunfire hire.
17:56Noong minor pa lang siya, na-involve siya sa robbery.
17:59Then noong 18 years old siya, na-involve siya sa illegal drugs.
18:04So succeedingly, noong 24 years old na siya, na-involve naman siya sa double murder
18:10ng mga kagawad dito sa may Malabon area.
18:13Noong inanalyze namin yung cellphone niya, mayroon kaming mga nabasa na communication
18:19na mayroon siyang bibirahin pa na iba.
18:22Aminado ang lalaki sa paratang napagpatay.
18:26Wala naman siya pahayag po na isang mga nakuhang baril at baliso.
18:29Dahil po nagbantasyo sa akin na papatrabaho niya raw po ako.
18:34Tapos?
18:36Nagkaroon po ako ng pagkakataon na unahan siya.
18:41Kaya yun po ang nangyari.
18:44Ano masasabi mo po yan na sakot ka raw sa gunfire?
18:49Sa korte na lang po ako magpapaliwanag.
18:52Inihanda na ang mga dokumento para sa return of waran.
18:55Sasampahan din ang lalaki na reklamong illegal possession of bladed weapon
18:59at paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act
19:03in relation to Omnibus Selection Code.
19:06James Agustin, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
19:10Ito ang GMA Regional TV News.
19:15Balita sa Visayas at Mindanao mula sa GMA Regional TV.
19:21Nasawi ang isang lalaking minor de edad matapos aksidenteng masabuga ng granada
19:26sa Baungon, Bukidnon.
19:28Sara, saan ang galing itong granada?
19:31Rafi, napulot lang daw iyon ng biktima.
19:36Batay sa embesigasyon ng polisya,
19:38pumunta ang Binatilio at kanyang dalawang kasama sa isang ginagawang bahay.
19:42Gumamit ng grinder ang tatlong lalaki
19:44para biyakin ang inakala nilang ginto at sumabog ito.
19:49Lumalabas sa embesigasyon ng mga otoridad na isang 40mm grenade ammunition ang sumabog.
19:54Karaniwan daw iyong ginagamit bilang bala sa grenade launcher.
19:58Inaalam pa ng polisya kung sino ang may-ari ng granada.
20:02Kasalukuyan namang nagpapagaling sa ospital ang dalawang kasama ng nasawing Binatilio.
20:06Sinusubukan pang makuhana ng pahayag ang mga nakaligtas sa pagsabog,
20:10ang mga kaanak ng nasawing biktima at ang may-ari na bahay kung saan napulot ang pampasabog.
20:18Mabibilis na balita sa Visayas.
20:20Isa ang patay sa banggaan ng dalawang motorsiklo sa Ormok, Leyte.
20:24Ayon sa polisya, lumipat ng lane ang 22-anyos na rider hanggang tumama sa isa pang motorsiklo.
20:30Nagdirediretsyo ang biktima hanggang sumalpok sa isang puno ng nyug.
20:34Kwento ng isang saksi sa mga otoridad, pasuray-suray sa pagmamaneho ang biktima bago ang disgrasya.
20:41Walang pahayag ang parehong panig.
20:44Sa Lapu-Lapu City, naputol ang paa na isang rider na sumalpok sa isang poste.
20:49Sabi ng polisya, self-accident o walang ibang sangko sa insidente.
20:53Di biliraw sana ng anak ang biktima sakay ng kanyang motorsiklo ng gumanga sa postengbakan.
21:00Inala ng polisya, posibleng nakatulog ang biktima.
21:03Inaprobahan na ng kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang magpapahaba ng termino ng mga barangay at sanggunian kabataan officials.
21:18Mula tatlong taon, inaprobahan na po ng kamara ang House Bill 11287 na gawin itong anin na taon.
21:25Isang daan at limangpunt tatlong mababatas ang pumayad dito.
21:29Apat ang tumutol at may isang nag-abstain.
21:32Bukod sa haba ng termino, ililimitahan din ito ang pananatili sa pwesto ng barangay officials sa dalawang magkasunod na termino.
21:40Isang termino lamang sa mga miyembro ng SK.
21:43May kaparehong panukala ito sa Senado na naaprobahan din ngayong taon.
21:47Pero inbis na anim ay apat na taon ang panukalang termino.
21:51Kailangan itong dumaan sa Bicameral Conference Committee para pag-isahin ang panukala bago i-transmit sa Malacanang para sa pirma ng Pangulo.
22:06Nagisaya si sparkle artist Max Collins sa Early Philippine Independence Day Celebration sa Toronto, Canada.
22:14Nag-perform siya sa harap ng mahigit limang libong Pinoy, Filipino-Canadians, locals at maging turista.
22:22Napuno ang selebrasyon ng iba't ibang palaro, cultural presentations at song and dance numbers.
22:28Nagdaos pa ng visa, pageant at Santa Cruzan.
22:32Bumida rin sa okasyon ang pagwagayway ng higanteng watawat ng Pilipinas.
22:37Dalawang araw nagtagalang selebrasyon nitong weekend na bahagi ng 15th anniversary ng Pinoy Fiesta and Trade Show.
22:46Media partner nito ang GMA Pinoy TV.
22:48Pasok na sa International Boxing Hall of Fame si Manny Pacman Pacquiao.
23:01Formal na naindak si Pacman bilang bahagi ng class of 2025 nitong weekend sa New York sa Amerika.
23:07Siya na ang ikaapat na Pinoy na mapabilang sa Boxing Hall of Fame.
23:11Nauna si na Flash Elorde, panchevilla at promoter na si Papa Sarial.
23:16Nagpasalamat si Pacquiao sa kanyang pamilya, team at mga sumusuporta sa kanya.
23:21Dagdag niya hindi lang itutungko sa boxing, kundi sa pananampalataya, sakripisyo at para sa bawat Pilipino.
23:31Ito na ang mabibigit na balita sa bansa.
23:35Isang bagong silang na sanggol ang natagpuan sa loob na isang nakaparadang jeep sa talisay Negros Occidental.
23:42Batay sa investigasyon, isang lalaki at babae ang nakarinig sa iyak ng sanggol na nakasilid sa karton.
23:47Dinala na sa health center ang sanggol para sa ilalim sa laboratory test matapos makitaan ng infeksyon sa pusod.
23:54Inaalam na kung sino ang nanay ng sanggol, maging ang nag-iwan sa kanya sa pampasaherong jeep.
24:00Maling pagturok ng anesthesia nang nagdulot ng pagdurugo sa utak.
24:07Yan ang lumabas na sahinang pagkamatay ng batang nagpatuli nitong Mayo sa Tondo, Maynila.
24:12Batay po yan sa otopsi ng polisya.
24:14Nagsampanan ng reklamo ang Manila Police District Homicide Division laban sa nagtuli sa bata.
24:19Bukod sa otopsi report, kasama sa ebidensya ang testimonya mismo ng nanay ng biktima at sekretary sa klinik kung saan nagpatuli ang bata.
24:27Sino subukat pang kuna ng pahayag ang babaeng nagpatuli o nagtuli sa bata?
24:38Mga kapuso, may magandang balita po ang Bureau of Internal Revenue sa mga gumagamit ng ilang maintenance medicine.
24:45Sampung gamot pa ang tinanggala ng value-added tax.
24:48Exempted na po rin sa 12% VAT ang tig-dalawa pang gamot para sa cancer at diabetes.
24:54Bawa sakit ng ulo na rin para sa ilang maintenance medicine sa high cholesterol at hypertension.
25:01Tinanggal na rin po ang VAT sa tatlong magkakaibang formulation at dosage ng lamotrigin para sa mental illnesses.
25:09Samantala, inalis naman sa listahan ng mga VAT exam, ang dalawang dosage ng gamot na baricitinib para sa cancer.
25:16Dahil puno ang kanilang mga detention facility, itinigil muna ng Presidential Anti-Organized Crime Commission
25:24ang panguhuli sa mga dayuhang Pogo workers sa bansa kasunod ng Pogo ban.
25:29Dahil diyan, libo-libo pa umano ang hindi pa rin nahuhuli at napapadiport.
25:35Balita ng hati ni Jonathan Andan.
25:36Kalahating taon na mula nang maging efektibo ang Pogo ban ng gobyerno at ipadiport ng mga banyagang empleyado ng mga ito.
25:46Pero sa pagdinig ng Quadcom ng Kamara, sinabi ng Presidential Anti-Organized Crime Commission o PAOC na
25:52siyam na libo pa ang hindi napadideport.
25:54Yan, pakalat-kalat po ngayon dito sa Pilipinas.
25:57Pag nahuli po natin yan, tayo po ang magpapa...
26:01Kasi wala nga po mga passports na yan, sir.
26:03Merong threat to national security ito.
26:07Assuming they are spies.
26:08You have 9,000 spies in the country roaming around like tourists.
26:13A new problem was created because of the shutdown.
26:19Now, we have what we call the spread of illegal individuals.
26:28Nagbabago lang po ng anyo ang Pogo kasi lang illegal pa rin po ang pinapasukan nila at nagiging salot pa rin po sila sa ating lipunan.
26:39Pero itinigil muna ng PAOC ang panguhuli sa mga banyagang Pogo workers dahil puno na ang kulungan nila sa Pasay.
26:46Many detainees still cannot be deported due to missing passport.
26:51Medical needs are rising with detainees diagnosed with illnesses like tuberculosis, hepatitis B, respiratory infection, and even cases of HIV.
27:04Sabi ng PAOC, pwede rin silang habulin ng NBI at PNP.
27:08Most of the time, we are being led by PAOC-TF because they are the ones having the machinery, intelligence, and most especially, of course, the funding requirements.
27:20Kung huhulihin lang namin yung Chinese na walang klarong violation, not in the act of doing or engaging in financial scamming activities,
27:31kung undocumented lang, then we would need the immigration with us.
27:34Sabi naman ng NBI, iniimbisigahan nila ang koneksyon ng Pogo at pang-ESP.
27:39Sa Senado, aprobado na ang versyon nila ng anti-Pogo bill.
27:42Ang versyon naman ng kamera, nakatakdang isa lang sa ikatlo at huling pagbasa.
27:46Jonathan Nandal, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
27:50Pinaghahanda pong muli sa maulang panahon ng ilang bahagi ng bansa ngayong Martes.
27:59Ayon sa pag-asa-asahan, ang malalakas na ulan sa Zambales, Bataan, Occidental, Mindoro at Palawan.
28:06Maging alerto po sa banta ng baha o landslide.
28:09Hanging habagat ang magpapaulan sa mga nasabing lugar, maging dito sa Metro Manila at ilang pang bahagi ng bansa.
28:15Ang habagat po ay pinalalakas ng bagyo na nasa labas na ng Philippine Area of Responsibility.
28:22Nakataas naman ngayon ang thunderstorm advisory dito sa Metro Manila.
28:25Tarlac, Pampanga, Bataan, Bulacan, Cavite, Batangas, Quezon at ilang panig ng Zambales.
28:33Tatagal ang masabing babala hanggang mamayang alauna ng hapon.
28:36After ni Kapuso Global Fashion Icon Heart Evangelista, sino na nga ba ang bagong house guest sa bahay ni Kuya?
28:50Walang iba kundi si Kapuso Primetime Princess at Beauty Empire Actress Barbie Forteza.
28:57Glowy si Barbie habang nakapose sa labas ng bahay ni Kuya.
29:00Sunod na tanong ng netizens, ano kaya ang first task ni Barbie sa loob ng bahay?
29:07Yan ang ating a-alamin.
29:09Subaybayan ang PBB Celebrity Collab Edition tuwing 10.05pm sa GMA Prime at 6.15pm tuwing Sabado.
29:17Binig ang harurot ng mga motorsiklo sa isang kalsada sa Santa Barbara, Iloilo.
29:29Kwento po ng tanod na may kuha ng video.
29:32Mahigit 10 motorsiklo ang sangkot sa umanoy drag racing sa barangay Bolong, Oeste.
29:37Ilang beses na rao nangyayari yan at pinsan ay maabot pa sa 20 motorsiklo.
29:42Ayon sa punong barangay, posibleng may tustahan ang mga sangkot sa umanoy drag race.
29:48Aminado naman ang Santa Barbara Police na kulang sila sa tauhan para tumutok sa sitwasyon.
29:53So, question nila sa lokal na pamahalaan, magtatag ng task force na tututok sa problema.
29:58Hinanggal bilang miyambro ng National Unity Party si Cebu 5th District Representative Duke Fraa Frasco.
30:07Kasunod yan ang hindi niya pagfirma sa manifesto of support kay House Speaker Martin Romualdez
30:11dahil anya, dismayado na ang ilang local leaders sa kawalan ng pagkakaisa sa Kamara.
30:17Balitang hati ni Jonathan Andal.
30:18Dahil hindi pumirma si Deputy Speaker Duke Fraa Frasco sa manifesto ng suporta kay House Speaker Martin Romualdez
30:27para manatiling speaker para sa 20th Congress, tinanggal siya ng kanyang partido na National Unity Party o NUP.
30:35Paliwanag ni Fraa Frasco, kinatawa ng Cebu 5th District.
30:38Nakipag-usap siya sa ilang kongresista at local leaders lalo sa Visayas at Mindanao.
30:42Marami anyang dismayado na ang inaasahang pagkakaisa ng mga tao ay nawawala dahil sa mga pansarili at politikal na interes.
30:51Pinabulaanan yan ng kapwa niya leader sa Kamara.
30:54Wala po akong naririnig na mayroong ganyang issue sa liderato ni Speaker Martin Romualdez.
31:01Yung mga tumakbong congressmen ngayon, congressperson, isipin mo 86% yata nanalo, nare-elect because of the support of our Speaker.
31:10Ayon pa kay Frasco, ang kailangan ng Kamara, liderato, na isusulong ang pagkakaisa at hindi pagkakawatak-watak.
31:18Sagot ng mga kapwa niya Deputy Speaker.
31:20United naman yung Congress, wala akong nakikita ang division ng Congress because of the leadership of our Speaker, Speaker Martin Romualdez.
31:28285 congressmen have signed the manifesto of support and I think that is a true sign of unity. We want continuity.
31:38Romes back din kay Frasco si Kamarinesu Rep. El Rey Villafuerte, Pangulo ng NUP.
31:45The suspect of the members is that he's bargaining, arm-twisting the Speaker to retain him as Deputy Speaker.
31:52Ngayon lang siya nagsasabi na vague again, may youth disunity rao.
31:57He's the one showing disunity within the party but by making statements contrary to the party stand.
32:05Kilalang kaalyado ni Pangulong Bongbong Marcos si Frasco, asawa ni Tourism Secretary Cristina Frasco,
32:11at manugang ni outgoing Cebu Governor Gwen Garcia.
32:15Jonathan Andal, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
32:18Sa iba pang balita, mainit-init na balita po ito, inanunsyo ng tanggapan ni Vice President Sara Duterte na papunta siya sa Kuala Lumpur, Malaysia.
32:28Ang kakahiyag ng Office of the Vice President ngayong umaga para po yan sa isang personal trip kasama ang kanyang pamilya.
32:34Sa kanyang biyahe, nakaschedule rin po siyang dumalo sa Philippine Independence Day celebration doon at makipag-usap sa mga OFW sa June 12.
32:42Pinaniniwala ang galing sa Golden Triangle ng Southeast Asia ang mga natagpo ang palutang-lutang na siyabu sa dagat na Sakupo ng Pangasinan at Ilocosur.
32:55May nabisto rin siyabu sa isang package mula sa Amerika.
32:59Balitang hatid ni Marisol Abduraman.
33:03Nakalagay sa mga maliliit na kahon at nilinaklarang various goods pero nang buksan, siyabu pala.
33:08Ito ang nadiskubin ng PDEA, nang buksan ang package na ito na ipinadala sa pamamagitan ng isang forwarding company.
33:24Nagpositibo rin daw sa isinagawang field testing ang mga siyabu na aabot sa 860 milyon pesos ang halaga at galing Amerika.
33:32Ayon sa PDEA, nakapangalan sa magkakaibang consignee sa iba't ibang lugar sa Metro Manila ang package.
33:38Mukhang dito dito yan eh.
33:40Kaya we are now investigating yung mga consignees.
33:45Kasi usually fake names naman ang ginagamit yan eh.
33:48As to the group, we're still looking into it.
33:51Patuloy rin ang investigasyon ng PDEA sa mga nakuhang drogang palutang-lutang sa dagat.
33:56Sa loob ng tatlong araw, mula June 5 hanggang 8,
33:58umaabot na sa 1,013 kilos ang nakukuha nilang siyabu sa coastal areas ng Pangasinan at Santa Cruz, El Ocosur.
34:06Katumbas yan ng 6.88 bilyon pesos.
34:10Minuksan namin kung ano yung laman. Kala namin ng dorian.
34:13Tapos laman pala sir, may kristal.
34:16Are there more? Are we expecting more?
34:17We are still scouring the area kung meron pang natira.
34:22So hopefully may mga recover pa tayo.
34:25Bago nito, may nakita rin nasa isa't kalahating bilyong pisong halaga ng floating siyabu
34:29sa dagat sa Zambales noong May 29.
34:32Paniwala ng PDEA, galing yan sa tinatawag na Golden Triangle sa Southeast Asia.
34:37Ito yung boundaries of Myanmar, Thailand and Laos.
34:41Diyan na kasi yung mga malaki ang production ng siyabu.
34:45Isang transnational drug syndicate daw ang nasa likod sa mga na-recover na nakalutang na mga siyabu.
34:50Pero hindi na muna nagbigay ng detalyang PDEA.
34:53Pero malaking grupo daw ito na nag-operate sa Asia, sa Pacific Region, maging sa North America at Europa.
35:00Meron daw umbrella organization ang mga ito at may mga local counterparts sa iba't ibang bansa, kabilang ang Pilipinas.
35:05Sabi ng PDEA, modus-a nila ng grupo na itapon ang mga siyabu sa dagat.
35:11They were expecting na yung local contact would come and get this suspected siyabu.
35:18Most likely, there are several na may iwan lang sa Philippines and the rest, baka transshipment lang po tayo.
35:24Patuloy ang investigasyon ng PDEA sa sinasabing mga floating siyabu.
35:29Marisol Abduraman, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
35:35Ito ang GMA Regional TV News.
35:41Sugatan ang isang lalaki sa pamamaril sa Sharif Agwak, Maginanaw Dalsur.
35:45Sa kuha ng CCTV noong June 5, makikita ang puting multicab na dumaan sa barangay poblasyon.
35:52Nagpaputok na baril ang mga sakay nito habang umaandar pa ang sasakyan.
35:56Tinamaan sa paa ang biktima na isang utility worker.
35:59Dinala siya sa ospital at nasa ligtas ng kalagayan.
36:03Makalipas ang apat na araw, muling nagkaroon ang mga pagpaputok ng baril sa bayan malapit sa palengke.
36:09Inaalam pa kung sino ang mga salarin.
36:11Nahulog at bumaligtad ang isang trailer truck sa gilid ng isang kalsada sa Jadi, Nueva Vizcaya.
36:23Naggalat sa daan ng mga kahon ang bond paper na karga ng truck.
36:26Ayon sa pulisya, sumalpok sa isang puno ang truck bago nahulog dahil sa pumalyang preno.
36:32Dinala sa ospital ang truck driver at pahinante na parehong sugatan.
36:36Pansamantalang bumigat ang trapiko dahil sa aksidente.
36:39Hindi lang school uniform at mga gamit-eskwela ang pinaghahandaan ng mga magulang para po sa kanilang mga anak sa pagbabalik-eskwela.
36:56Dapat din ho kasing tutukan ang kanilang baong pagkain para tiyaking masustansya.
37:01Balitang hatid ni Nico Wahe.
37:03Handa ng school uniform ng magkapatid na Timothy at Baste para sa pasokan sa lunes.
37:08At bukod sa uniform, nakabili na rin si Mami Jenny ng lunchbox ng dalawang anak.
37:14Mula pa rao noon nagbabao ng mga anak at hindi niya binibigyan ng pera.
37:18Siyempre, bas gusto namin lutong bahay.
37:21Hindi sa mga katipid eh.
37:22Yung safety ng mga anak mo, yun yung pinaka-importante doon.
37:26Hindi rin basta kung ano-ano lang.
37:28Sinisiguro niya rao na healthy ang kakainin ng mga anak.
37:31Healthy, syempre. Kailangan merong kang gulay.
37:34Diba? Meat.
37:35Kailangan may protein.
37:36Syempre fruits at water.
37:38Isda raw ang madalas na request ng mga anak.
37:41Hindi raw siya nagpapabao ng processed food.
37:43Pero may mga araw daw na pinapabaunan niya ng sweetened drinks ang mga anak gaya ng orange juice.
37:49Masasabi ko sa mga baon na Mami kung ano, masarap.
37:52Tsaka alam ko na healthy talaga kasi siya mismo naglutong bahay talaga.
37:56My mom's cookie is so yummy because she cooks the best food ever.
37:59Ayon sa isang endocrinologist, mas maiging ang pinapabaon sa mga anak sa eskwela ay magulang ang naghahanda.
38:06Syempre alam naman natin na isang studyante nangangailangan ng energy pagpunta sa school.
38:11Unang-una, syempre ang energy na kailangan.
38:14Hindi lamang yung physical energy ng mga muscles kung hindi maging yung energy ng utak.
38:19Imbes na biskwit na madalas ay may excess oil at sugar, mas maigi na raw ang tinapay.
38:24At hindi raw kailangan maging magastos.
38:27Hindi nga raw maganda ang processed foods.
38:30Ayon kay Dr. Nico Demus, isang pag-aaral din na nagsasabing mas mababang academic performance
38:35ng mga batang mahilig uminom ng sweetened drinks.
38:38Kaya kasama raw dapat sa itinuturo sa mga bata ay ang pagkain ng wasto.
38:43Nico Wahe, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
38:46Ginalaw na ang baso.
38:55Yan po ang reaksyon ng House of Representatives kasunod ng panunumpa ni Senate President Cheese Escudero kagabi.
39:01Bilang presiding officer sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte sa Senado.
39:06Ayon pa kay House Spokesperson Princess Abante, tinatanggap ng Kamara ang hakbang na ito ng Senado.
39:12Lalo't marami na ang nananawagan para dito mula sa iba't ibang sektor.
39:17Sa kabila po ng pagtutol at paghahain ng resolusyon ng ilang senador contra impeachment,
39:22hiling daw ng Kamara na sundin ang Senado ang kanilang mandato, alinsunod sa konstitusyon.
39:27Sa talumpati kahapon ni Escudero, quinescion niya ang anya ay pagpapamadali sa Senado
39:32kaugnay sa impeachment proceedings kayong natinggaan niya ang reklamo sa Kamara ng ilang buwan.
39:38Sagot ng Kamara, ginampana nila ang kanilang trabaho sa anilay timely at decisive na paraan.
39:49Good news para sa mga Army!
39:52Discharge na mula sa kanilang mandatory military enlistment si na BTS members RM at V.
39:58Matamis na ngiti at pagsaludo ang nakita ng fans at media ng humarapang K-pop idols
40:11sa labas ng military camp sa Chuncheon, South Korea.
40:15May special treat pa si BTS leader RM na tumugtog gamit ang kanyang saxophone.
40:20Chika ni RM grateful siya sa paghihintay ng Army at looking forward na siyang mag-perform ulit on stage.
40:28Para kay V nakatulong daw ang time niya sa military para i-reconsider ang kanyang mind and body.
40:34May cool comeback appearance rin siya na dapat daw abangan.
40:38Sa huli, pinasalamatan nila ang officers at soldiers na nag-alaga sa kanila sa loob ng 18 months.
40:45Naging emosyonal naman ang ilang fans sa pagbabalik ng ilan sa kanilang mga idolo.
40:50Nauna ng nakakompleto ng kanilang military duties, si na Jen at J-Hope na na-discharge last 2024.
40:56Inaasahang mag-reunite this month ang global superstars dahil inaasahang na rin matatapos ang mandatory military service ni na Jungkook, Jimin at Suga.
41:08Isa pang mainit-init na balita.
41:13Nagpulong si na Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo at U.S. Secretary of State Marco Rubio sa Washington, D.C. sa Amerika.
41:19Yan ay para pag-usapan ang alyansa ng dalawang bansa para sa pagpapanatili ng bukas at malayang Indo-Pacific region.
41:26Ayon kay U.S. State Department Spokesperson Tammy Bruce, nakasentro ang usapan sa pagtugon sa mga aksyon ng China sa South China Sea at pagpapalakas ng ekonomiya para sa mga mamamayan ng dalawang bansa.
41:38Napag-usapan din nila ang pag-explore sa mga bagong oportunidad na makipagtulungan sa regional allies at partners.
41:45Bumbida ang mga Pinoy sa ilang pagdiriwang ng Philippine Independence Day sa ibang bansa.
41:55Sa Dubai, UAE, daan-daang Filipino cyclists ang lumahok sa isang cycling event.
42:01Yan ang kauna-unahang kalayaan ride.
42:04Isinigawa yan sa Alcudra Cycling Track nitong Sabado na nilahuka ng 350 Pinoy at may tatlong course option.
42:1380 kilometers, 100 kilometers at 127 kilometers.
42:19Layon niya na ipakita sa Pilipinas at buong mundo na kayang mapagtagumpayan ang mga bagay basta't magkakaisa.
42:34Aba-aba, panahon na naman ng ating lovely June Brides.
42:38Siguradong stressed na sa wedding preps ang ilang couple.
42:41Kung naghahanap po kayo ng paandar sa kasal, e silipin natin ang isang reception sa Batangas.
42:50Yan o, mini sari-sari store ang pakulo ng bride at groom sa nasugbo.
42:55Ang lahat po nang makikitang paninda for free sa mga bisita.
42:58Basta, huwag kalimutang makisaya sa isang classic Pinoy game.
43:02Yun o, may pala-bulutan.
43:04Suswertihin kaya sa kapirasong papel o baka better luck next time.
43:09Kapag nanalo kasi, may libreng pagkain o laruan.
43:13Aliyo na ulito, Loy.
43:14Hindi lang ang mga bisita, pati ang netizens.
43:17Maygit 2 million na ang combined views ng wedding pala-bulutan.
43:21Aba?
43:22Trending!
43:23Good idea yan, ha?
43:25Ginagawain din dati sa mga labas ng simbahan.
43:27Ayan, tama.
43:29At ito po ang balitang hali, bahagi kami ng mas malaking misyon.
43:32Ako po si Kwani Siso.
43:33Rafi Tima po.
43:34Kasama niyo rin po ako, Aubrey Carampe.
43:36Para sa mas malawak na paglilingkod sa bayan.
43:38Mula sa GMA Integrated News, ang News Authority ng Filipino.
43:42Mula sa GMA.

Recommended