Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/19/2025
-38-anyos na lalaki, arestado dahil sa pagpatay umano sa kapitbahay noong 2013; akusado, itinanggi ang krimen/Akusado, ilang beses nang nakulong dahil sa magkakaibang kaso


-Mahigit P5M na halaga ng ecstasy tablets, nabisto sa shipment na idineklarang dog food


-2 babaeng sakay ng isang motorsiklo, patay matapos sumalpok sa isang SUV sa Brgy. Nangalinan


-Grandest dance showdown na 'Stars on the Floor," mapapanood na simula June 28 sa GMA


-Hinihinging certifications ng impeachment court mula sa Kamara, hindi pa naipapasa ng House Prosecution Panel/Senate impeachment court sa Kamara: "Hindi nila kalaban ang korte. Ang kalaban nila, 'yung defense"/Atty. Bucoy sa Senate impeachment court: "We are calling them out to do their constitutional duty. Hindi namin inaaway"/Dating Supreme Court Justice Reynato Puno: Hindi kasama sa rules ng impeachment court ang paghingi ng certificates sa Kamara/Dating SC Justice Puno: Klaro sa Saligang-Batas na ang impeachment court ay isang continuing body/Sagot ni VP Duterte sa summons na inilabas ng impeachment court, sa Lunes ang deadline


-Buntis na ihahatid sa ospital, kabilang sa 3 nasawi nang masalpok ng MPV ang isang kotse


-Isa sa mga akusado sa kaso ng mga nawawalang sabungero, gustong tumestigo/Mga nawawalang sabungero, malabong buhay pa, ayon kay alyas "Totoy"/Alyas "Totoy," gustong makausap ng DOJ; bibigyan ng proteksyon ng NBI at PNP


-Babaeng sinampal umano ng kapitbahay matapos magkasagutan dahil sa hindi itinaling aso, nagpa-blotter sa pulisya


-Buntis na menor de edad na taga-repack umano ng ilegal na droga, nasagip/Naarestong target ng operasyon, aminado sa pagbebenta pero itinangging kumukuha ng mga taga-repack ng illegal drugs


-Ilang opisyal ng Asian Academy of Creative Arts, bumisita sa GMA Network


-Paglalagay ng label kung local o imported ang karneng baboy, planong gawin ng Dept. of Agriculture simula Agosto


-Registration ng Duterte Youth Party-list, kinansela ng COMELEC 2nd division


-Babaeng rider na may peligrosong exhibition sa highway, pinagpapaliwanag ng LTO


Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Balikulungan ang isang lalaki sa Taytay Rizal dahil sa pamamaril umano sa kanyang kapitbahay noong 2013.
00:07Itinanggin niya ito at sinabing napagbintangan lamang daw siya.
00:11Balitang hatiad ni EJ Gomez.
00:15Sa visa ng arestwaran, inaresto ng Taytay Police ang 38-anyos na lalaking ito dahil sa kasong pagpatay.
00:24Sa investigasyon ng polis siya, binaril daw ng akusado ang kanyang kapitbahay noong 2013 dahil umano sa galit.
00:32Fetally shot his neighbor with the use of firearm at napatay niya yung kanyang kapitbahay dahil lang sa personal grads.
00:43Ayon naman sa akusado, napagbintangan lang siya. Hindi rin daw niya kilala ang nasawing biktima.
00:49Sa records ng polis siya, ilang beses nang naaresto ang akusado dahil sa iba't ibang krimen.
01:06Noong Pebrero dahil sa kasong alarm and scandal at disobedience to an agent of a person in authority.
01:12Aminado siya dito.
01:13Noong 2021 naman sa Batangas sa kasong qualified theft dahil umano sa pagnanakaw ng Rilo. Depensa niya.
01:39Hindi ka naman po talaga inuwain. Yung totoo po nun, nilagay lang po nila yung sabag ko. Parang preneema po ako ng mga kasama ng boss po.
01:49Sa custodial facility ng Taytay Municipal Police Station na kadetain ang akusado.
01:54EJ Gomez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
02:00Ito ang GMA Regional TV News.
02:03Mainit na balita mula sa Luzon, hatid ng GMA Regional TV.
02:09Mahigit limang milyong pisong halaga ng Ecstasy Tablets ang nasabat ng mga otoridad sa Clark, Pampanga.
02:16Chris, ano raw ang naipuslit ng shipment?
02:19Connie, ang mga tableta itinago sa shipment na idinektarang dog food.
02:24Ayon sa Bureau of Customs, dumating sa Port of Clark sa Pampanga ang package nitong June 4 mula sa Paris, France.
02:31At ide-deliver dapat sa Taguig.
02:33Kasunod ng tip na natanggap mula sa PIDEA, nagsagawa ng sniff test sa kargamento.
02:38At doon ito nagpositibo sa iligal na droga.
02:40Ang mahigit 3,000 Ecstasy Tablets itinago sa mismong dog food pellets na nakasirid sa transparent pouches.
02:48Nag-insura ng warrant of seizure and detention laban sa shipment.
02:52Patay naman ang dalawang babaeng sakay ng isang motorsiklo matapos silang sumalpok sa isang SUV sa Baggao, Cagayan.
03:01Sa lakas ng impact, tumilapo ng mga biktima sa Bukid, nakatabi ng kalsada sa barangay ng Alinan.
03:07Wasak din ang sila sa kinilang motorsiklo.
03:09Ang SUV na kanilang nakabanggaan, dumiretso sa palayan sa gilid ng kalsada.
03:15Agad nakaresponde ang mga otoridad pero idinektarang dead-on arrival sa hospital ang mga biktima.
03:20Nasa kosudiyan ng mga polis ang driver na SUV na maharap sa kaukulang reklamo.
03:33Webes latest na ang mga mari at pare.
03:36Malapit na nating mapanood ang grandest, newest at biggest dance showdown of the year, ang Stars on the Floor.
03:45Present sa presko ng Dance Reality Competition, ang Dance Authorities na sinakapuso Primetime Queen Maren Rivera,
03:54Star Comedian of the Dance Floor, Mamang Pocuang, at Dance Trend Master, Coach Jay.
04:00Tatayong host ng kompetisyon, si Asia's Multimedia Star, Alden Richards.
04:05Tampok sa Stars on the Floor, ang Team Dance Challenges na susubok sa creativity ng Celebrity Dance Stars at Digital Dance Stars.
04:14Kasama sa team ng celebrities, si Nagliza De Castro, Rodgen Cruz, Faith Da Silva, Thea Astley, at Vision Member na si Patrick.
04:23Makaka-co-labanan nila ang digital content creators na si Nazus Collins, Dasori Choi, Kakay Almeda, J.M. Irevere, at Joshua De Sena.
04:35Every week, may tatangaling top sa leaderboard at mananalo ng prize para sa kanilang chosen charity.
04:42Get ready to move, groove, and cheer simula sa June 28, 7.15pm sa GMA.
04:53Sa halip ng Impeachment Court, ang nga pag-initan dapat daw paghandaan ng prosekusyon ang defense team ni Vice President Sara Duterte.
05:07Ayon niyan sa tagapagsalita ng Korte, gate naman ng House Prosecution Panel, hindi nila inaaway ang Korte.
05:14Balit ang hatid ni Mav Gonzalez.
05:15Isang linggo na matapos ipag-utos ng Impeachment Court sa Kamara,
05:22ang pagsusumite ng sertifikasyon na naaayon sa konstitusyon ang inihain nilang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
05:31Pero hindi pa ito nasusumite ng House Prosecution Panel.
05:34It's up to them whether or not to comply or not, but again, this is the order of the Impeachment Court and any lawyer worth his salt and any litigant for that matter should comply first before you complain.
05:54Buwelta pa ng tagapagsalita ng Impeachment Court, imbis na ang Korte ang pag-initan, dapat paghandaan ng prosekusyon ang defense team ng Vice.
06:04Huwag daw awayin ang Senado dahil hindi sila ang magkalaban.
06:07Ano po ang motibo nila by criticizing the court?
06:11Dapat po yung energy po nila na pagkikritisize sa Korte ay ginugugol nga po nila doon sa kanilang kalaban.
06:18Dahil hindi po nila kalaban ng Korte. Ang kalaban po nila ay yung kabila, yung kabilang party, yung defense po.
06:27So sabi nga po, formidable yung at mga respetabling mga abogado po yung nasa defense team.
06:34So paghandaan na lamang po nila. At yun yung awayin po nila at huwag po yung impeachment court.
06:39Iniiwasan din ano yan ng korte na ipakontempt ang prosekusyon.
06:43At sana raw, huwag na umabot sa Korte Suprema ang issue dahil baka humaba lang ang proseso.
06:49Giyit naman ang tagapagsalita ng House Prosecution Panel, hindi sila nakikipag-away,
06:55kundi nananawagan lang sa impeachment court na kumilos base sa konstitusyon.
06:59We are calling them out to do their constitutional duty. Hindi namin away.
07:03We are just calling them out to act on the articles and proceed to trials.
07:08Wala pa raw desisyon ang Prosecution Panel kung kailan ipapadala ang kanilang sagot sa impeachment court.
07:14May hihingin pa raw silang karifikasyon mula sa korte.
07:17We want a clear understanding of what they really want.
07:20Kasi ano eh, yung kanilang order of returning it, it is so irregular.
07:25It is not contemptible per se. But there are serious repercussions. Why?
07:30If we do not comply, the process will be again delayed.
07:33Ayon kay dating Supreme Court Chief Justice Reynato Puno, wala sa rules ng impeachment court na dapat hinga ng sertifikasyon ng Kamara.
07:41Wala naman doon sa kanilang rules na dapat magkaroon ng sertifikasyon yung house to the effect na nasunod yung one-year.
07:56Wala naman doon sa rules and regulations nila eh. Eh bakit nila ngayon iniimpose yung reglamento na yan?
08:05Si Puno ang chairperson ng Philippine Constitution Association o FILCONSA, ang pinakamatandang constitution watchdog ng bansa.
08:12Lahat tayo ay nababagalan sa pag-usad ng impeachment complaint dyan sa Senate impeachment court.
08:24Hindi naman na hinihingi ng mga mamamayan na magkaroon ng akwital or conviction.
08:37Basta magkaroon lang ng closure at makita kung ano mga magiging desisyon ng Senate impeachment court.
08:47Naniniwala raw si Puno na walang dapat question na pwedeng tumawid ang impeachment trial mula sa 19th Congress tungo sa 20th Congress.
08:55Sa pagsusuri ng maraming galubhasa sa ating saligang batas.
09:03Klarong-klaro naman doon na yung impeachment court is a continuing body.
09:10Yung papalit ng judge eh hindi rason yun to doubt the continuity of the jurisdiction of the court.
09:21Hindi na hindi dapat maging issue. Tama ho ba?
09:23Eh, opo, kung susundin nila yung case law dyan, yung jurisprudence, yung practices, hindi na dapat pag-usapan yan.
09:34Sa lunes ang palugit ni Vice President Duterte para sagutin ang summons ng impeachment court.
09:39Ayon sa tagapagsalita ng impeachment court, sumagot man o hindi, tuloy ang paglilitis.
09:45Mav Gonzalez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
09:48Huli ka amang pagbangga ng isang MPV sa isang kotse sa Tagaytay sa Cavite.
09:57Nangyari yan sa bypass road sa Barangay Zambal.
09:59Batay sa investigasyon, tatlong sakay ng kotse ang nasawi sa insidente.
10:05Kabilang sa kanilang isang buntis na ihahatid sana sa ospital pati ang driver ng kotse na kanyang kapitbahay na nagmagandang loob na ihatid siya.
10:13I-dima ang sugatan.
10:15Ayon sa mga polis, Lasingo Mano ang nagmamaneo ng MPV na kakagraduate lang sa senior high school.
10:21Inayahanda na ang mga reklamo laban sa driver. Wala siyang pahayag.
10:28Malaboraw na buhay pa ang mga nawawalang sabongero.
10:30Ayon kay alias Totoy, na isa sa mga akusado sa kaso na ngayon ay gustong tumistigo.
10:36Ikinwento niya kung ano ang ginawa ng kanilang grupo sa mga sabongero at kung saan sila dinala.
10:40Balita natin ni Emil Sumangil, exclusive.
10:52Hindi napigilan ng mga kaanak ng ilang nawawalang sabongero ang hinagpis nang makausap nila si alias Totoy.
10:59Ang isa sa mga akusado pero nais tumayong testigo sa kaso.
11:03Halos apat na taon na kasing nawawala ang 34 na sabongero, kabilang ang mga nagderby sa Maynila at Taguna.
11:15Isa ang paulit-ulit na tanong ng mga kaanak noon pa man.
11:22Buhay pa ba sila o mga patay na?
11:28Wala pa ako may sagot niyan.
11:30Pangakin lang na may bigay ko lang ang auslisya ng inyong pamilya.
11:37Pero kung akong tatanungin sa ngayon, mukhang malabo na buhay pa sila.
11:41Pero alam niyo po kung saan po sila dinala?
11:46Kahit mga buto mo naman lang po, makuha ko yung anak ko.
11:50Ang sagot ni alias Totoy, dumurog sa pamilyang nangungulila.
12:07Sa eksklusibong parayam ng GMA Integrated News, ikinuwento niya ang ilang detalye sa sinapit ng mga nawawalang sabongero.
12:15Ano mabubuhay yan? Nakabao na yan doon sa talik?
12:20Lahat yan. Kung kain yun, mga buto-buto na lang paano natin makilala na sila yun?
12:26At hindi lang ang missing sabongero tinatapon doon.
12:29Pati mga drug lord.
12:32Masaklap man, kailangan niya itong ilahad ngayon.
12:35Killing misuple. Ang killing misuple, yung tie wire pinipihit sa liig.
12:43Kwento pa niya, iniipon at kinakausap niya muna ang mga nakuhuling ng daraya sa sabongan.
12:50Pagtapos nito, ipapasa sila sa isa pang grupo na hindi na muna niya kinilala kung sino.
12:56Tinatalihan na ng yung plastik na pantali, kinakarga na sa banyo.
13:02Anya, hindi lang 34 na sabongero ang namatay roon.
13:06Dahil mahigit isandaan daw ang kanyang tinrabaho.
13:10Taka ko, bakit? Ang bilis. Halimbawa, walo. Ang bilis.
13:14Sabi ko, baka naman pinakawalan niya. Niyari tayo dito kay bu...
13:18Sabi ko sa kanila, hindi, may video kami. Sinindan ako ng video.
13:24Doon nakikita ko kung paano.
13:27Ang kanyang mga isiniwalat, ilan lang sa mga detalyeng inilagay niya sa affidavit
13:31na kanyang isusumite sa mga otoridad sa lalong madaling panahon.
13:35Kasama rao sa ibubunyag niya, ang taong nagutos sa kanya.
13:39Ang Justice Department, gustong makausap si Elias Totoy.
13:43Titignan ko lang kung ang kanya sinasabi at yung sinasabi ng ibang testigo
13:48ay kapareho ng mga nakarating sa ating tanggapan.
13:52Bagaman, akusado na si Elias Totoy pag-aaralan daw ng DOJ
13:56ang mayaambag niya sa mga kaso.
13:58Pwede na masyang pumunta rito at bibigyan namin siya napansin
14:03at binibilda pa namin ng kaso pero malapit na.
14:06Ang National Bureau of Investigation o NBI na nasa ilalim din ng Justice Department
14:11handang magbigay ng proteksyon kay Elias Totoy.
14:14Maganda yan at sige pakinggan natin siya
14:18at I assure him na bibigyan namin siya ng proteksyon.
14:24Akong bahala sa kanya.
14:25Huwag siyang matakot.
14:27Ganyan din ang tugon ng Philippine National Police
14:29na welcome development ang pagharap ni Elias Totoy.
14:33Emile Sumangil, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
14:38Ito ang GMA Regional TV News.
14:45Balita sa Visayas at Mindanao mula sa GMA Regional TV.
14:49Isang babaeng taga-talis ay Cebu ang pinablotrang mismong kapitbahay niya.
14:53Sara, bakit nagreklamo yung babae?
14:55Rafi, sinampal daw kasi siya ng kanyang inireklamo.
15:01Ayon sa babae, isang buwan pa lang silang naninirahan sa lugar.
15:04Itong lunes ng gabi, umuwing umiiyak ang dalawa niyang anak
15:08dahil hinabol at muntikan umano silang kagati ng isang aso na hindi tinalian.
15:13Sa galit daw niya, kinumpronta niya ang kapitbahay na may-ari ng aso.
15:18Nagkasagutan daw sila hanggang sa sampalin siya nito.
15:21Desinido raw siya na magsampan ang reklamo laban sa kanyang kapitbahay.
15:25Wala pang pahayag ang inireklamong kapitbahay.
15:28Nasagip ang isang buntis na menor de edad sa anti-drug operation mga otoridad sa Cebu City.
15:36Ayon sa National Bureau of Investigation, kasunod yan ng natanggap nilang impormasyon
15:41na ilang babaeng menor de edad ang kinuha bilang taga-repact ng iligal na droga kapalit ng pera.
15:47Nakipag-coordinate na ang NBI sa DSWD kaugnay sa nasagip na menor de edad.
15:53Positibo siya sa drug test. Inaalam pa kung kasama siya sa mga nagbebenta.
15:58Arestado naman ang target ng operasyon na itinuturong nagbebenta ng iligal na droga.
16:03Aminado siya sa pagbebenta.
16:05Pero itinanggin niyang kumuha siya ng menor de edad para mag-repact.
16:09Sasampahan siya ng karampatang reklamo.
16:12Nasa P240,000 na halaga ng iligal na droga ang nasabat sa operasyon.
16:17Warm welcome ang natanggap ng ilang opisyal ng Asian Academy of Creative Arts
16:25sa kanilang pagbisita sa GMA Network.
16:28Sila ang nasa likod ng award-giving body na Asian Academy Creative Awards.
16:33Balitang hatid ni Nelson Tanlas.
16:35Mula sa Singapore, lumipad pa Pilipinas ang mga opisyal ng Asian Academy of Creative Arts
16:44na sina AACA President Michael McKay at CEO Fiona McKay para bumisita sa GMA Network.
16:52Sinalubong sila ng mga kapuso executives.
16:54We applaud the AACA for recognizing and celebrating the best in our industry
17:01for our shared vision of nurturing the next generation of media leaders and practitioners
17:07and in helping elevate the region's competitiveness in the global market.
17:11Natutuwa kami at natutuwa tayong lahat dahil it's their first time to come to GMA
17:16and we're happy to welcome them.
17:19Excited din kami kasi tomorrow we will have a conference about production and co-production opportunities and trends sa media.
17:28Itinatag ang AACA upang kilalani ng kausayan sa malikhaing pagawa
17:33at itaguyod ang pinakmataas na antas ng pagkilala na pinipili ng mga kapwa-profesyonal
17:39sa larangan ng content creation, pagganap at produksyong pang media.
17:43We're here really to catch up with our friends from GMA and say hello on their 75th anniversary
17:51which is a fantastic milestone.
17:53The support that GMA have given to the industry via the Asian Academy of Creative Arts is terrific.
18:00So we really came along to say thank you.
18:03Nelson Canlas nagbabalita para sa GMA Integrated News.
18:06Planong ipatupad ng Department of Agriculture ang paglalagay ng label sa mga karneng baboy sa mga palengke.
18:18Posible daw na ipatupad yan sa Agosto.
18:21Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Q. Laurel,
18:25yan ay para malaman ng mga mamimili kung produce locally o important nga ba ang karneng bibilhin.
18:31Paraan din daw yan para matiyak na maganda ang kalidad ng bibilhing karne.
18:35Wala pang komento ang iba pang industry stakeholders sa plano ng DA.
18:42Kinumpirma ng Comelec na kanselado na ang registration ng Duterte Youth Party List.
18:47Sa botong 2-1, kinatigan ng Comelec 2nd Division na isang petisyon noong 2019
18:51kaugnay sa maternal misrepresentation ng party list.
18:55Binanggit na grounds dito ang pag-overage ng Duterte Youth nominee na si Ronald Cardema.
19:00Batay sa Party List System Act, dapat 25 hanggang 30 years old ang nominy na isang grupo na sakop ng youth sector.
19:0834 years old na si Cardema ng unang umupo sa Kongreso ang party list noong 2019.
19:13Batay rin sa desisyon gumamit ng makinarya ng National Youth Commission ang Duterte Youth
19:17para sa kanilang pagiging kandidato noong 2019 na ipinagbabawal din sa batas.
19:24Sabi ng Comelec, pwede pang maghahin ang motion for reconsideration ang Duterte Youth
19:28na didesisyon na ng Comelec Unbank.
19:31Pumangalawa sa nagdaang eleksyon 2025 ang Duterte Youth
19:34pero hindi pa na ipaproklama dahil nga sa mga nakabimbing reklamo.
19:39Kinukuha pang payag nila kaugnay sa kanselasyon.
19:42Viral online ang peligrosong pasikat ng babaeng driver na iyan sa Mandawi City sa Cebu.
19:51Sa kalagitnaan kasi ng highway, paggewang-gewang ang kanyang takbo, maya-maya pa.
19:56Binitawan pa niya ang manibela sabay ayos ng buhok.
19:59Hindi pa na kontento ang driver.
20:01Tumagilid siya sa motorsiklo, nag-pose at tsaka sumayaw.
20:07Pinagpapaliwanag na ng mga tagalan transportation office ang rider sa video.
20:11Depende sa magiging resulta ng investigasyon,
20:14posibleng suspindihin ang kanyang lisensya
20:15at maharap sa reklamang may kinalaman sa reckless driving.

Recommended