00:00Magandang umaga po at midweek na at narito na ang lagay ng ating panahon ngayong araw nga ng Merkoles, June 25, 2025 at live po.
00:10Live po tayo dito mula sa Pag-asa Weather Forecasting Center.
00:14At sa ngayon nga, base sa ating latest satellite images at mga pinakauling datos natin,
00:19ay yung low pressure area na ating minonitor sa nakalipas na araw ay tuluyan lang ang lumabas ng Philippine Area of Responsibility at naging ganap na bagyo.
00:30Naging bagyo po ito sa labas ng park kaya hindi po natin ito binigyan ng local name.
00:35Huling namataan ito nga bagyo, nasa 555 km, kanluran ng baknotan sa Lalawigan ng La Union,
00:42tagla yung pinakamalakas na hangin, nasa 45 km per hour malapit sa gitna at pagbugso,
00:48nasa 55 km per hour.
00:50Kumikilus ito, pahilagang kanluran sa bilis naman na 15 km per hour.
00:55Posible po na ang magiging takbo o ang direction po ng bagyong ito ay patungo sa may katimugang bahagi ng China.
01:03At ito po ay walang direct ng epekto sa ating bansa sa kasalukuyan.
01:07At Southwest Monsoon pa rin o Habagat ang magdadala ng maulap na kalangitan na may malaking tsansa ng mga pagulan,
01:15particular na sa may kanurang bahagi ng Luzon.
01:17Ito yung area ng Palawan, Bataan at Sambales.
01:21Nakikita nga natin na kung lalakas pa itong bagyong ito,
01:25ay posibleng mahatak niya papalayo ng ating bansa itong Habagat or Southwest Monsoon.
01:30Kaya posibleng po sa mga susunod na araw ay medyo mainit na panahon na naman ang mararanasan
01:35sa malaking bahagi ng ating bansa.
01:38Pero asahan pa rin natin yung mga localized thunderstorms sa hapon hanggang sa gabi.
01:43Ulitin ko po, kasi panahon pa rin naman ang tagulan,
01:45kaya expected pa rin natin yung mga pagulan sa hapon hanggang sa gabi.
01:50Kadalasan po, katamtaman hanggang sa kuminsan ay malalakas sa mga pagulan.
01:54Pero hindi naman natin ito inaasahan na magtatagal.
01:57Usually po, yung mga thunderstorms natin sa late afternoon ay mga isa hanggang dalawang oras lamang.
02:02At maliban dito sa ating binabantayan na bagyo sa labas ng par,
02:08wala na po tayong minomonitor ng anumang low pressure area
02:10sa loob ng Philippine Area of Responsibility.
02:14Dito nga sa Luzon, inaasahan natin ang mas malaking tsansa ng mga pagulan sa bahagi
02:18ng Bataan at Sambales dito sa may kanlurang bahagi ng Central Luzon.
02:23Habang ang nalalabing bahagi ng ating bansa,
02:25ang Metro Manila, iba pang bahagi ng Calabar Zone,
02:28Mimaropa, Bicol Region at Northern Luzon,
02:30at nalalabing bahagi ng Central Luzon.
02:33Asahan pa rin natin, medyo mainit na panahon pa rin ang mararanasan
02:35habang may mga tsansa ng mga thunderstorms sa hapon hanggang sa gabi.
02:40Mainam po, magdala pa rin tayo ng mga pananggalang sa ulan kapag lalabas tayo ng ating mga tahanan.
02:44Yung agwat nga ng temperatura sa lawag na sa 24 to 32 degrees Celsius,
02:48ito gagaraw hanggang 35 degrees Celsius.
02:51Sa Baguio naman, 17 to 25 degrees Celsius.
02:54Sa Kamay nila, naabot na hanggang 33 degrees Celsius.
02:56Sa Tagaytay ay 23 to 29 degrees Celsius.
03:00Habang sa Legazpi, sa Bicol Region, ay 25 to 33 degrees Celsius.
03:05Malaki naman yung tsansa ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na mga pagulan
03:09pagkilat-pagulog sa bahagi ng Palawan,
03:11dulot ito ng Southwest Monsoon o Habagat.
03:14At ang agwat ng temperatura sa Kalayan Islands, 24 to 31 degrees Celsius.
03:18Sa bahagi naman ng Puerto Princesa, 23 to 30 degrees Celsius.
03:23Ang malaking bahagi naman ng kabisayaan, medyo mainit na panahon po ang mararanasan,
03:27maalinsangan lalo na sa hapon at malaking tsansa ng mga thunderstorms sa gabi.
03:32Agwat ng temperatura sa Iloilo, nasa 24 to 31 degrees Celsius.
03:36Sa Cebu naman, 25 to 32 degrees Celsius.
03:39Habang sa Tacloban, 26 to 32 degrees Celsius.
03:42Ang malaking bahagi din ng Mindanao ay makalaranas ng mga isolated
03:47o pulupulong pagulan, pagkilat-pagulog sa hapon hanggang sa gabi.
03:51Agwat ng temperatura sa Zamboanga City, 24 to 32 degrees Celsius.
03:55Sa Davao naman, 24 to 31 degrees Celsius.
03:58Habang sa Cagayan de Oro City, nasa 24 to 31 degrees Celsius.
04:04Sa lagay naman ng ating karagatan, wala po tayong nakataas na gale warning.
04:08Ito yung ating babala sa malaking pag-alo ng karagatan.
04:11Ang inaasahan po natin na magiging kalagayan ng ating mga baybayin po
04:15ay katamtaman hanggang sa, ay banayad hanggang sa katamtaman po
04:19yung inaasahan natin na kondisyon ng ating karagatan.
04:23Kailigtas na po malawat yung mga sakyang pandagat at malilita mga bangka
04:26sa mga baybayin ng ating bansa.
04:28Mag-ingat pa rin po kapag may mga localized thunderstorms,
04:31posibleng medyo lumakas yung alo ng ating karagatan.
04:34Lalong-lalo na po pa sa mga malilita bangka, mag-ingat pa rin po tayo.
04:38Samantala, ang araw natin isisikat mamayang 5.29 na umaga at lulubog,
04:44pinap na 6.28 na gabi.
04:46At sundan pa rin tayo sa ating iba't ibang mga social media platforms
04:50sa X, Facebook at YouTube at sa ating website,
04:53pag-asa.duse.gov.ph.
04:55lalong-lalo na naglalabas po tayo ng mga thunderstorm advisories,
04:59rainfall information, at kung minsan may mga heavy rainfall warning
05:02para lagi po tayo updated,
05:03ay mag-subscribe at mag-follow po sa ating iba't ibang mga social media platforms.
05:09At live na nagbibigay update mula dito sa Pag-asa Aware Forecasting Center.
05:13Ako naman si Obet Badrina.
05:16Maghanda po tayo lagi para sa ligtas sa Pilipinas.