00:03Ito ang ating weather update ngayong June 5, 2025, Thursday.
00:07Tuluyan na po na nagdeklara ang pag-asa ng onset ng rainy season at southwest monsoon.
00:12Yung pinagkaiba nila, yung southwest monsoon, ay focused dun sa wind direction.
00:17Dapat yung hangin na nakaka-apekto sa ating bansa ay nanggagaling sa Timog-Kanluran o southwest ng Pilipinas.
00:25At ito rin ay nagdadala ng mga pag-ulan, lalo na sa western part ng Luzon, Visayas at Mindanao.
00:31Pero yung onset natin ng rainy season ay focused dun sa dami ng ulan or yun sa mga tuloy-tuloy na pag-ulan dun sa mga given months na yun kapag nag-onset na.
00:41Pero dapat isaalang-alang natin na hindi porket na nag-onset na tayo ng rainy season, ay uulanin na tayo po lagi.
00:47So meron din tayong tinatawag na monsoon break.
00:49So ito yung kapag malakas yung easterlies ay napipigilan yung movement or yung southwesterly wind na nakaka-apekto sa ating bansa.
00:58Kaya may mga araw na at least three days na sunod-sunod na hindi tayo inuulan.
01:03Pero dito sa ating latest satellite image, makikita natin yung epekto nitong southwest monsoon.
01:09At ito yung magdadala ng maulap na kalangitan na may kasamang mga pag-ulan, lalo na sa Palawan.
01:15And specifically, sa buong Mimaropa, sa western part ng Visayas at sa western part ng Mindanao.
01:21Particular tayo dito sa Sambuanga Peninsula.
01:24Samantala, meron din tayong minomonitor na low pressure area.
01:28Ito po ay nasa silangang bahagi ng northeastern Mindanao or Caraga region ng about 1,120 km.
01:37At ang latest natin na time ng pag-locate ng location ito ay kaninang 3 p.m.
01:42Itong low pressure area na ito ay asahan natin na sa loob ng 24 hours ay papasok sa Philippine Area of Responsibility.
01:50Pero yung development niya para maging tropical depression ay mababa.
01:54At yung northwest propagation niya dahil meron tayong trough or yung expansion niya.
02:00Ibig sabihin yung trough of low pressure area ay merong elongated extension yan na kung saan yung mga lugar na yun ay may lower atmospheric pressure.
02:09Kapag low yung atmospheric pressure natin, doon nagkakaroon ng movement ng winds packet from surface na maraming moisture papunta sa atmosphere.
02:21At dahil sa movement ng hangin na yun, nagkakaroon tayo ng maulap na kalangitan.
02:25At dahil dito sa mga ulap na yun, ina-expect natin na magkakaroon ng mga pagulan sa eastern part ng Visayas at ganoon din sa eastern part ng Mindanao.
02:35Bukod po doon sa low pressure area na yun, ay wala naman tayong ina-expect na bagyo except doon sa tinitignan natin na LPA na binanggit natin kanina.
02:47Para po sa ating forecast bukas, patuloy yung epekto ng parehong southwest monsoon at nung trough of low pressure area.
02:57At dahil dyan ay patuloy tayo makakaranas ng maulap na kalangitan dito sa Mindoro at sa Bicol region.
03:03Sa natitirang bahagi naman ng Luzon ay patuloy yung partly cloudy to cloudy skies.
03:08Pero hindi ibig sabihin nun ay hindi na tayo uulanin.
03:12So may chance pa rin sa hapon at sa gabi lalo na na magkaroon tayo ng mga isolated rain showers or thunderstorm.
03:19At dumadalas na yan sa mga susunod pa na mga araw.
03:24Agot po ng temperatura sa Metro Manila ay 26 to 33.
03:28Sa Baguio ay 17 to 24.
03:30Sa Lawag ay 25 to 33.
03:32Sa Tugigaraw ay 25 to 36.
03:34At sa Tlegaspi ay 25 to 33.
03:36Patuloy po yung epekto ng trough of low pressure area at yung hanging habagat or yung southwest monsoon.
03:44Kaya patuloy na magiging maulap dito sa Palawan, sa buong Visayas at ganoon din sa buong Mindanao.
03:50Pero hindi po ibig sabihin yan ay 100% na uulanin tayo.
03:54So maaari pa rin po tayo na maka-experience na maalinsangang panahon pero mataas din po yung chance ng mga pagulan.
04:00Dahil sa mga nabanggit natin na atmospheric systems.
04:03Dito po sa Puerto Princesa, ang agwat ng temperatura ay 25 to 32.
04:08At sa Calayaan Island ay 26 to 31.
04:11Cagayan de Oro ay 25 to 32.
04:13At sa Davao ay 25 to 32.
04:18So gano'n ba kadami yung in-expect natin na bagyo ngayong buwan ng June?
04:22So in-expect natin na may 1 to 2 tropical cyclone na papasok.
04:26Pero hindi ibig sabihin nun na limitado lang sa number na yun.
04:29Maaaring lumagpas din ito ng dalawa.
04:32Depende sa atmospheric systems na makaka-apekto sa ating bansa.
04:35Also, kung mag-develop man yung low pressure area into tropical depression or maging ganap siya na bagyo,
04:41tatawagin natin itong auring.
04:43At ito yung magiging unang bagyo sa taon na 2025.
04:47Pero ito po ay somewhat na rare case dahil minsan may mga taon na January pa lang ay nagkakaroon na tayo ng bagyo.
04:55Pero this year, June po yung buwan na in-expect natin na baka dito pa lang sa buwan na ito magkakaroon tayo ng bagyo.
05:02So ito po yung climatological track o ito yung usual track pag tinignan natin yung mga previous na mga bagyo
05:08na dumaan sa ating Philippine Area of Responsibility sa buwan ng June.
05:13And kung titignan natin yung climatological number or yung historical average na dami ng mga bagyo na pumapasok sa Philippine Area of Responsibility,
05:22during month of June ay nag-start pa lang na dumami.
05:26And then, sa first half ay konti yung mga pumapasok na bagyo,
05:29pero sa second half, simula June hanggang December ay dito na,
05:32or siguro November ay dito na yung mga buwan na kung saan marami yung mga bagyo na pumapasok sa ating Philippine Area of Responsibility.
05:41Sa kabila ng epekto, yung southwest monsoon at saka yung trough of low pressure area ay nakababa po.
05:47So wala po tayong gale warning at malaya po na makakapaglayag yung mga kapwa natin Pilipino na mga ingisda at seafarers.
05:53Pero hindi po ibig sabihin nun ay hindi na tayong maapektuhan dahil possibly pa rin yung mga localized thunderstorms
06:00at yung mga pagulan offshore o sa karagatan natin.
06:02Kaya kung maliit po yung sasakyang pandagat natin, ay mag-ingat po at maging mapagbantay,
06:07lalo na kapag maliit yung sasakyang pandagat ay maaari po tayong maapektuhan.
06:13Also, dahil po nag-onset na tayo ng rainy season, ay pinapaalalahanan po natin yung mga kababayan natin
06:20na halimbawa may problema pa rin tayo sa bubong, sa dingding ng bahay natin,
06:23ay ngayon na po ipagawa na natin para bago pa tuloy-tuloy na ulanin yung mga lugar natin,
06:29ay at least handa tayo. Dito naman sa ating 3-day weather outlook
06:33or yung in-expect natin na panahon sa weekends hanggang sa Monday, Saturday to Monday,
06:38ay dito sa mga piling lugar sa ating bansa, itong Metro Manila, Baguio City at Legazpi City
06:44ay una, sa Metro Manila at sa Baguio, patuloy yung partly cloudy, cloudy skies,
06:50pero may chances pa rin na mga pagulan sa hapon at gabi.
06:53Pero sa Legazpi, dahil dun sa northwestward movement ng low pressure area
06:57or yung extension niya, or yung trough of low pressure area,
07:00ay patuloy na magiging maulap ang kalangitan sa Legazpi
07:03at magkakaroon tayo ng tuloy-tuloy na mga pagulan.
07:06Dito naman sa Kabisayaan, sa Metro Cebu, sa Iloilo at sa Tacloban,
07:11simula Saturday hanggang Monday, ay tuloy-tuloy po na magiging maulap yung kalangitan natin
07:16at magkakaroon tayo ng mga pagulan.
07:19At sa Mindanao, specifically dito sa Metro Dabaw,
07:22medyo konti po yung chances na ulanin tayo,
07:26pero patuloy yung partly cloudy to cloudy skies at may chance pa rin na mga pagulan.
07:32Hindi lang kasing pronounced dito sa Cagayan de Oro City at sa Sambuanga City
07:36na mas mataas yung chance na mga pagulan.
07:39Dahil patuloy sila na makakaranas, na maulap na kalangitan,
07:42na may kasamang mga pagulan at mga thunderstorms.
07:46Ang ating pong araw ay lulubog mamayang 6.24pm
07:51at bukas po ay sisikat ng 5.26 ng umaga.
08:01Para po sa karagdagang informasyon,
08:03ay pwede po tayong bumisita sa mga social media pages ng pag-asa.
08:06Pwede rin po tayong bumisita sa website ng pag-asa
08:09na kung saan makikita natin yung mga thunderstorm advisory
08:12at yung mga localized forecast natin sa regional offices ng pag-asa.