00:00Magandang maga, narito ang update ukol sa maging lagay ng ating panahon.
00:05Kaninang alas 3, yung low pressure area or LPA na minomonitor natin ay huling namataan sa layong 235 km silangan ng Kalayan, Cagayan.
00:15Mataas po yung chance nito na maging bagyo within the next 24 hours.
00:20At ito po ay kumikilos pataas or kumikilos ito pahilaga-hilagang kanluran.
00:25At nakikita din po natin na nagiging mabilis yung pagkilos nito.
00:29At dahil dito, may posibilidad na kapag ito ay naging isang ganap na bagyo, ay malapit na ito dito sa area ng Taiwan.
00:37At may posibilidad din na maging mabilis lamang po yung paglagi nito or within less than 48 hours ay malusaw na po ito.
00:46Ngunit sa kabila nito, either as LPA or as a bagyo, ngayong araw ay in-expect po natin is magdudulot na ito ng mga pagulan dito sa bahagi ng extreme northern Luzon.
00:58Samantala, may kita naman din natin dito sa ating satellite animation na halos yung buong bahagi pa rin ng ating bansa ay nababalot ng mga kaulapan.
01:08Ito pong mga kaulapan nito ay dulot ng southwest monsoon o habagat na patuloy pa rin magdudulot ng mga pagulan dito sa malaking bahagi ng Luzon at Visayas,
01:18maging dito din sa kanlurang bahagi ng Mindanao.
01:21So ito pong mga pagulan nito ay posible pa rin hanggang sa mga malalakas na pagulan yung ating maranasan, lalong-lalong na dito sa may western section ng Luzon.
01:31Kaya paalala po para sa ating mga kababayan, kapag po tayo ay lalabas, lalong-lalong na yung mga kababayan natin na lalahok sa mga pagdidiriwa ngayong araw ng kalayaan,
01:41huwag po natin kalilimutan yung pananggalang natin dito sa mga pagulan na ito.
01:46And also pag-iingat pa rin at pagiging alerto sa banta ng mga pagbaha at paguhon ng lupa.
01:51Samantala, yung bagyo naman na minomonitor natin sa labas ng ating area of responsibility na si Tropical Storm Wootip ay huli pong namataan sa lahing 1,025 kilometers kanlura ng northern Luzon.
02:05At patuloy nga po itong papalayo dito sa ating area of responsibility and wala na rin po itong direct effect or wala itong direct effect sa anumang bahagi ng ating bansa.
02:14At para nga sa magiging lagay ng panahon ngayong araw ng Webes, magiging maulap po rin yung kalangitan or magiging maulap yung ating kalangitan
02:23at kung minsan ay may mga malalakas tayong pagulan na mararanasan dito sa Batanes at Cagayan, dulot po ito ng LPA.
02:33Samantala, yung habagat pa din yung magdudulot ng mga pagulan sa malaking bahagi ng Luzon,
02:38kung saan meron pa rin halos tuloy-tuloy ng mga pagulan na mararanasan dito sa Pangasinan, Zambales, Bataan at sa bahagi din ng Occidental Mindoro.
02:48Samantala, may mga bugso din po ng mga malalakas na pagulan pa rin ngayong araw dito sa Metro Manila,
02:54magiging sa bahagi din ng Tarlac, Pampanga, Bulacan, dito sa La Union at Benguet, magiging sa bahagi din ng Cavite, Batangas at dito sa area din ng Palawan.
03:07At sa nalalabing bahagi pa ng Luzon, magiging maulap din yung ating kalangitan at may mga kalat-kalat na pagulan,
03:13pagilat at pagkulog pa rin na mararanasan, dulot pa rin po ito ng habagat.
03:18So generally, buong bahagi pa rin po ng Luzon ngayong araw, yung mga karanas pa rin ng maulap na kalangitan at ng mga pagulan,
03:25lalong-lalo na dito sa western section ng Luzon.
03:29So muli po, pag-iingat pa rin para sa ating mga kababayan sa bantanong mga pagbaha at paguho ng lupa.
03:37Magwat ng temperatura dito sa Metro Manila ay mula 25 to 30 degrees Celsius.
03:41Samantala, ang buong bahagi pa rin ng Visayas, maging itong area ng Palawan, Zamboanga del Norte, Dinagat Islands at Surigao del Norte,
03:52maging itong area din o buong bahagi ng Zamboanga Peninsula, ay makakaranas din po ng maulap na kalangitan at mga pagulan,
04:00nandulot pa rin ito ng habagat.
04:02At itong mga pagulan nito ay posible pa rin pong hanggang sa mga malalakas na pagulan,
04:07lalong-lalo na dito sa area ng Palawan at Antique,
04:10kaya muli pag-iingat pa rin sa bantanong mga pagbaha at paguho ng lupa.
04:15Samantala, dito naman sa nalalabing bahagi ng Mindanao,
04:18meron pa rin tayong mararanasan ng mga isolated o yung mga biglaang pagulan, pagkilat at pagkulog.
04:23Lalong-lalo na po yan sa hapon at gabi, tulot naman ito ng mga localized thunderstorms.
04:29Yung mga regional offices po natin ay nagpapalabas pa rin ng mga thunderstorm advisories or mga babala ukol sa mga pagulan na ito.
04:37Agwad ng temperatura sa Cebu ay mula 25 to 30 degrees Celsius at sa Davao naman ay 26 to 33 degrees Celsius.
04:46Samantala, bagamat nabawasan na po yung mga malalakas na pagulan na ating mararanasan,
04:51ngayong araw meron pa rin po tayong 50 to 100 millimeters of rainfall for a 24-hour duration na posible pong maranasan dito sa Pangasinan,
05:01Zambales, Bataan at Occidental Mindoro, dulot po ito ng habagat.
05:06Samantala, dito rin po sa area ng Batanes at Cagayan ay meron pa rin po tayo or posible po tayong makaranas din ngayong araw ng mga malalakas na pagulan,
05:16dulot naman po ito ng LPA na ating minimonitor.
05:19Samantala, bukas naman po is nakikita natin na medyo mababawasan na yung epekto ng habagat o yung mga dalang pagulan ng habagat.
05:27Ngunit yung LPA po ay posible pa rin magdulot ng 50 to 100 millimeters of rainfall for a 24-hour duration dito sa area ng Batanes.
05:37Kaya muli po, pag-iingat para sa ating mga kababayan sa bantanong mga pagbaha at paguhunan lupa.
05:44And also, makipag-ugnayan din po tayo sa ating mga LGU para sa aksyon na kailangan natin gawin para sa ating kaligtasan.
05:52Para naman sa lagay ng dagat baybayin ng ating bansa, wala po tayo nakataas na gale warning.
05:58Ngunit iba yung pag-iingat para sa mga kababayan natin na maglalayag dito sa may northern at western seaboards ng Luzon,
06:06kung saan magiging katamtaman hanggang sa maalon yung lagay ng ating karagatan.
06:10Dito sa Metro Manila, ang araw ay sisikat mamayang 5.27 ng umaga at lulubog mamayang 6.25 ng hapon.
06:20Patuloy po tayo magantabay sa updates na ipapalabas ng pag-asa.
06:23At para sa mas kumpletong impormasyon, bisitahin ang aming website, pag-asa.dost.gov.ph.
06:31At yan po muna ang latest dito sa Weather Forecasting Center ng Pag-asa.
06:35Grace Castaneda and Happy Independence Day po sa ating lahat.