Today's Weather, 5 A.M. | June 5, 2025
Video Courtesy of DOST-PAGASA
Subscribe to The Manila Times Channel - https://tmt.ph/YTSubscribe
Visit our website at https://www.manilatimes.net
Follow us:
Facebook - https://tmt.ph/facebook
Instagram - https://tmt.ph/instagram
Twitter - https://tmt.ph/twitter
DailyMotion - https://tmt.ph/dailymotion
Subscribe to our Digital Edition - https://tmt.ph/digital
Check out our Podcasts:
Spotify - https://tmt.ph/spotify
Apple Podcasts - https://tmt.ph/applepodcasts
Amazon Music - https://tmt.ph/amazonmusic
Deezer: https://tmt.ph/deezer
Tune In: https://tmt.ph/tunein
#TheManilaTimes
#WeatherUpdateToday
#WeatherForecast
Video Courtesy of DOST-PAGASA
Subscribe to The Manila Times Channel - https://tmt.ph/YTSubscribe
Visit our website at https://www.manilatimes.net
Follow us:
Facebook - https://tmt.ph/facebook
Instagram - https://tmt.ph/instagram
Twitter - https://tmt.ph/twitter
DailyMotion - https://tmt.ph/dailymotion
Subscribe to our Digital Edition - https://tmt.ph/digital
Check out our Podcasts:
Spotify - https://tmt.ph/spotify
Apple Podcasts - https://tmt.ph/applepodcasts
Amazon Music - https://tmt.ph/amazonmusic
Deezer: https://tmt.ph/deezer
Tune In: https://tmt.ph/tunein
#TheManilaTimes
#WeatherUpdateToday
#WeatherForecast
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Maganda umaga po sa ating lahat. Narito ang ating weather update para sa araw ng Webes, June 5, 2025.
00:08Mayroon tayong binabantay ang low pressure area dito sa labas ng ating Philippine Area of Responsibility.
00:13Ito'y huling na mataan sa layong 1,255 kilometers east ng northeastern Mindanao.
00:20Sa ngayon, mababa pa naman yung chance na ito na maging isang ganap na bagyo.
00:24Pero kung may kita natin dito sa satellite image po natin, yung trough or yung extension neto ay magdadala na rin ng mga kalat-kalat na pagulan lalo na dito sa eastern section ng Visayas at Mindanao.
00:37Para naman sa Luzon, patuloy pa rin naman ang epekto ng Habagat or Southwest Monsoon.
00:42Kaya inaasahan din natin yung mataas na chance na mga pagulan lalo na dito sa western section ng Luzon.
00:48Para sa magiging panahon natin ngayong araw, inaasahan natin dulot ng Southwest Monsoon, patuloy makakaranas ng maulap na papawiri na may mga kalat-kalat na pagulan dito sa may Batanes, Babuyan Islands, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Sambales at Bataan.
01:06Para naman dito sa may Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon, inaasahan naman natin ang bahagya hanggang sa maulap na papawiri na may mga isolated rain showers or mataas na chance na mga pagulan lalo na sa hapon at sa gabi dulot ito ng Southwest Monsoon.
01:23Asahan din po natin yung mga pagulan lalo na rin sa madaling araw at ito po yung tugulan po natin.
01:29Para sa ating temperatura dito sa Metro Manila, 26 to 33 degrees Celsius, Lawal 25 to 32 degrees Celsius, Tugagaraw 25 to 36 degrees Celsius, Baguio 17 to 22 degrees Celsius, Portagaytay 23 to 31 degrees Celsius, at Legazpi 26 to 34 degrees Celsius.
01:50Dulot pa rin na itong Southwest Monsoon or Habagat, inaasahan din natin ang mataas na chance na mga pagulan dito sa may Palawan at Basilan, Sulu at Tawi-Tawi.
02:03Kung may kita din po natin, makakaranas din na maulap na papawiri na may mga kalat-kalat na pagulan dito sa may Eastern Samar, Leyte, Southern Leyte, Dinagat Islands at Surigao del Norte.
02:14Dulot ito ng trough ng low pressure area sa labas ng ating Philippine Area of Responsibility.
02:20Para naman dito sa nalalabing bahagi ng Visayas at Mindanao, inaasahan naman natin, makakaranas naman din sila ng maaliwalas na panon,
02:28pero asahan din natin yung mataas na chance na mga localized thunderstorms, lalo na sa hapon at sa gabi.
02:34Agwat ng temperatura for Puerto Princesa at Calayan Islands, 26 to 32 degrees Celsius, Iloilo at Cebu, 26 to 33 degrees Celsius, Tacloban, 26 to 32 degrees Celsius.
02:47For Cagante Oro, 24 to 33 degrees Celsius. Davao, 26 to 32 degrees Celsius. At Sambonga, 24 to 32 degrees Celsius.
02:57Dahil po meron tayong binabantayang low pressure area, ano nga ba yung naasahan natin yung senaryo para sa ating susunod na mga araw?
03:04Naasahan natin itong low pressure area ay papasok ng ating Philippine Area of Responsibility within the next 24 to 48 hours.
03:12At ito po, habang papalipit po ito sa ating kalupaan, inaasahan natin magkakaroon din po ito ng posibilidad ng paghila ng southwest monsoon.
03:21Kaya inaasahan natin yung weekend natin makakaranas ng mga taas na chance na mga pagulan dito sa may Palawan, Visayas, pati na rin dito sa western section ng Mindanao.
03:32At sa mga susunod na araw din, inaasahan natin habang binabaybay na itong low pressure area natin, ang karagatan, inaasahan din natin yung mataas na chance na pagulan dito sa may Bicol Region.
03:44Pinag-iingat po natin ang mga kababayan po natin para sa mga posibilidad ng flash flood at pagguho ng lupa.
03:50Ugalin din natin i-check ang social media pages ng pag-asa para sa mga nilalabas na weather update at yung mga posibilidad na ilalabas natin yung weather advisory hinggil dito po sa low pressure area at dito sa may southwest monsoon.
04:04Wala naman tayo nakataas na anumang gale warning sa anumang seaboards ng ating bansa.
04:09Ang sunrise mamaya ay 5.26am at ang sunset mamaya ay 6.23pm.
04:15Para sa karagdagang impormasyon, bisit tayo ng aming mga social media pages at ng aming website pag-asa.dost.gov.ph.
04:24At yun po muna ang latest dito sa Pag-asa Weather Forecasting Center, Chanel Dominguez po at magandang umaga!
04:39Pag-asa Weather Forecasting Center