00:00Magandang hapon po mula sa DOST Pagasa. Ito ang ating weather update ngayong Wednesday, July 2, 2025.
00:06Kasalukuyan na yung minomonitor natin na Tropical Depression ay nasa 2,605 km east-northeast of Itbayat, Batanes.
00:15Ito ay walang magiging epekto sa anumang parte ng ating bansa.
00:18Ang nakaka-apekto po sa atin ay yung low-pressure area na nasa 155 km east of Tugigaraw City, Cagayan.
00:25Dahil malapit po sa kalupaan, itong LPA na dinabantayan natin ay may mga lugar tayo na mas uulanin, lalo na sa northern part ng Luzon.
00:33Meron po dalawang sinayo tayo na nakikita sa track or yun sa posibilidad na movement nitong LPA.
00:39Yung isa po ay dadaan siya ng Calayan and then eventually ay tutuloy na siya papunta sa southern part ng Japan.
00:45At yung pangalawang sinayo naman ay pupunta siya ng northern part, papunta siya ng pahilaga and then eventually ay hindi na siya dadaan ng Calayan, pupunta na siya sa southern part ng Japan.
00:58Yung development niya ay nakakategory po as high.
01:01Ibig po sabihin, yung pagiging ganap na bagyo niya ay inaasahan natin sa susunod na 24 oras.
01:07At kapag naging ito ay tuluyan na naging bagyo o tropical depression, tatawagin natin itong Bising.
01:12Yung mga lugar na uulanin ay mamaya ay isa-isahin po natin sa weather advisory.
01:19Samantala, dito naman sa western part ng ating bansa ay patuloy pa rin yung epekto ng southwest monsoon.
01:25Dito po sa Sambales, sa Bataan at ganoon din sa Occidental Mindoro ay makakaranas tayo ng mga occasional rains.
01:32Ibig sabihin, ay mas madalas ng mga pagulan.
01:34Pero sa Metro Manila at sa natitirang bahagi ng Luzon ay makakaranas tayo ng cloudy skies with scattered rain showers and thunderstorms.
01:43Ibig po sabihin, makakaranas tayo ng maulap na kalangitan na may tuloy-tuloy na pagulan.
01:48Ganon din sa western part ng Visayas.
01:50Pero sa eastern part ng Visayas at sa Mindanao, asahan natin na magiging maaliwala sa ating kalangitan.
01:56Pero nandun pa rin yung posibilidad ng mga localized thunderstorms.
01:59Sa mga susunod na slide ay papakita din po natin yung mga lugar na kung saan mayroong mga nakataas na thunderstorm advisory sa ating bansa.
02:07Halimbawa po ay dito sa western part ng Visayas.
02:10At ganoon din dito sa Sambuanga at western part ng Mindanao.
02:16Para sa ating weather advisory, o yung inaasahan natin ng mga lugar na maaaring ulanin ng 50 to 100 mm,
02:22asahan po natin yan dito sa northern part ng Luzon at ganoon din sa western part ng Central Luzon at ganoon din sa Occidental Mindoro.
02:29Particularly dito sa Pangasinan, Sambales, Bataan at Occidental Mindoro.
02:33Simula po yan today hanggang bukas ng hapon.
02:36Para naman bukas ng hapon hanggang sa Friday ng hapon, asahan natin na may mga lugar na makakaranas ng 100 to 200 mm.
02:44At isa po yung Cagayan at Batanes sa mga probinsya na yon kasama yung Sambales, Bataan at Occidental Mindoro.
02:51Yung mga nakakolor yellow po na probinsya ay makakaranas naman ng 50 to 100 mm na mga ulan.
02:57Para naman sa Friday ng hapon hanggang sa Saturday ng hapon, patuloy na makakaranas tayo ng mga pagulan.
03:03Dito sa Cagayan, sa Ilocos Norte, sa Apayaw, sa Abra, sa Ilocos Sur, sa La Union, Benguet, Pangasinan, Sambales, Bataan at Occidental Mindoro.
03:13Para sa ating weather forecast, bukas asahan natin na yung buong Luzon ay makakaranas ng maulap na kalangitan.
03:19Ibig po sabihin, mataas yung probabilidad na magkaroon tayo o maka-experience tayo ng mga pagulan.
03:26At ang agwat ng temperatura sa Metro Manila ay 24 to 30, sa Baguio ay 17 to 22, sa Lawag ay 29 to 26, at sa Legazpi ay 25 to 30.
03:36Tulad po na binanggit natin kanina, since part pa rin ng Luzon ang Palawan, ay maasahan natin na magiging maulap pa rin sa Palawan.
03:43At ganoon din sa western part ng Visayas, kasama yung Iloilo at Cebu.
03:49Pero, yung agwat ng temperatura natin dito sa Puerto Princesa ay 32 to 25, sa Iloilo ay 25 to 31, sa Cebu ay 25 to 31 din, sa Tacloban ay 26 to 31, at sa Davao ay 24 to 32.
04:02Kung mapapansin po natin, partly cloudy to cloudy sky yung ating inaasahan bukas dito sa Mindanao.
04:07Pero, gusto po natin inote na yung mga localized thunderstorms ay may posibilidad pa rin na makapagdulot ng mga pagbaha at paguhunan lupa.
04:16Kaya, kung alam natin na tayo ay mga inuulan na noong mga nakarang araw, at nakatira tayo sa mga mabababang lugar o bahain lugar at landslide prone areas,
04:27mag-ingat po tayo at makipag-coordinate tayo sa mga local DRMO offices kung mayroong mga banta ng mga pagulan at paguhunan lupa.
04:37Kahit na mayroong epekto yung southwest monsoon at ganoon din yung low pressure area,
04:43nananatili po na wala tayong nakataas na gale warning o babala na may kinalaman sa matataas na alon.
04:49Ang maximum na maaari po natin ma-encounter ay 2 meters.
04:52Para sa ating 3-day weather outlook o yung inaasahan natin na panahon sa mga piling syudad sa ating bansa,
04:58dito po sa Metro Manila, from Friday hanggang Sunday, mananatili na maulap ang ating kalangitan,
05:03mataas pa rin po yung tsansa ng mga pagulan.
05:05Ganon din sa Baguio City at sa Legazpi City simula Friday hanggang Saturday.
05:09Pero dito sa Baguio at sa Legazpi, sa Sunday asahan natin na manunumbalik sa partly cloudy to cloudy skies.
05:16So yung mga pagulan na maaari na lang natin maranasan ay yung mga localized thunderstorm.
05:20Ganon din dito sa Metro Cebu at sa Tacloban.
05:22Pero sa Iloilo City asahan natin na magiging maulap at mas mataas yung tsansa ng mga pagulan sa Friday at Saturday.
05:29At manunumbalik ito sa maliwalas na kalangitan sa Sunday.
05:32Dito sa Metro Davao, ganon din sa Cagayan de Oro City at sa Sambuanga City,
05:37asahan natin na magiging maaliwalas ng kalangitan, partly cloudy to cloudy skies.
05:41Pero again po, gusto natin i-emphasize yung epekto na maaaring gawin ng mga localized thunderstorms.
05:47Kaya mantabay po tayo sa mga thunderstorm advisory na i-release ng pag-asa.
05:51Ang ating araw ay lulubog mamayang 6.29 ng hapon at buling sisikat bukas ng 5.31 ng umaga.
06:00Para sa karagdagang informasyon o gusto natin ma-pinpoint kung ano-ano yung mga lugar na magkakaroon ng mga thunderstorms
06:08sa mamamagitan ng ating thunderstorm warning and advisory,
06:11pwede po tayong bumisita sa panahon.gov.ph.
06:14Ako po si John Manalo. Ang panahon ay nagbabago, kaya maging handa at alerto.