Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/21/2025
Sa gitna ng nakaambang big-time na taas-presyo sa produktong petrolyo, tiniyak ng DOTr na may nakahandang pondo para sa fuel subsidy.


24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sa gitna ng nakaambang big time na taas presyo sa produktong petrolyo,
00:04tiniyak ng DOTR na may nakahandang pondo para sa fuel subsidy.
00:09Nakatutok si Bernadette Reyes.
00:13Sapat ang supply ng langis sa bansa.
00:15Tiniyak ito ng Department of Energy sa gitna ng pangamba sa supply
00:19bunsod ng hidwaan na Israel at Iran.
00:21Ang minimum inventory requirement na oil company
00:26more than ang compliance nila.
00:30Like for instance, sa gasoline, meron tayong mga 28 days supply,
00:34sa diesel, 26 days supply, at sa kerosene, 102 days supply.
00:39Pero dahil din sa sigalot, kaya nakaamba ang nakalululang taas presyo sa petrolyo sa susunod na linggo.
00:45Sa lunes, ilalabas ang pinal na presyo pero inaasang sisipan ng 3 hanggang halos 5 piso
00:52ang kada litro ng gasolina, kerosene at diesel.
00:55Kaya hindi makampante ang mga tsyuper.
00:58Kahit nga peso lang po, may hirap na dahil sa isang araw, ilang litro ng mga ano namin,
01:05madagdag sa gahe.
01:07Hindi na makapultang, ma'am.
01:09Ang pagtitiyak naman ni Transportation Secretary Vince Dizon
01:13may nakahandang 2.5 billion pesos na pondo para sa fuel subsidy.
01:18Hinahanda na raw ang guidelines para sa ma-authorized na makakuha ng ayuda.
01:22Pwede na natin gamitin yung ating fuel subsidy.
01:26Pagka taas ng presyo ng langes ng gasolina,
01:31i-activate na natin.
01:33Kaya may tutulong na parating, inutos na ng Pangulo natin na immediately ilabas ang fuel subsidy.
01:38Pero kasunod ang pagmahal ng petrolyo,
01:40ang posibleng pagtaas din ang presyo na ilang pangunahing bilihin.
01:44Ayon sa Philpin Amalgamated Supermarkets Association Incorporated,
01:49tiyak na may epekto sa cost of production ng mga manufactured goods
01:53ang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo
01:56at kailangan raw idagdag ito sa presyo ng mga bilihin.
02:00Kapag tuloy-tuloy ito at tataas ang tataas ang presyo
02:05dahil na sa nangyayari sa Middle East,
02:08pwedeng they might have to adjust somewhere along the way.
02:11As to when, that's a management decision.
02:13As so much, again, it's a management decision.
02:15Papasa sa amin ng distributor.
02:18And then we'll have to pass on to the consumers, for sure.
02:20Yung mga dilata, pakunti-kunti na lang bibighin.
02:26Kulang na nga po yung sahod, tapos tataas pa.
02:31Sinusubukan ng GMA Integrated News na makunan na reaksyon ang DTI.
02:35Para sa GMA Integrated News, Bernadette Reyes, nakatutok 24 oras.

Recommended