00:00Samantana patuloy na binabantayan ng Philippine Coast Guard ang nasa 50 barko ng Chinese Militia na namataan sa Ruzul Reef sa West Philippine Sea.
00:10Nagpadala na ng dalawang barko ang Pilipinas para dito. Ang detalya sa report ni Patrick DeJesus.
00:18Magkakatikit at nakaangkurahe lamang ang mga Chinese Maritime Militia Vessel na namataan sa Ruzul o Iroquo Reef sa West Philippine Sea.
00:26Ayon sa Philippine Coast Guard, noon pang June 17 na monitor ang pagkukumpulan ng nasa 50 Chinese Maritime Militia Vessels.
00:34Kaya naman idineploy ang BRP Cape San Agustin at BRP Cape Engano habang nagpalipad din ang isang eroplano para bantayan ang aktividad ng mga ito.
00:45Sa pamagitan ng radio challenge, iginigit ng PCG ang iligal na pananatili ng mga barko ng China sa Ruzul Reef na may distansyang 130 nautical miles mula sa Palawan.
00:56Pasok sa exclusive economic zone ng Pilipinas.
00:59Walang tugon sa radyo ang mga Chinese Maritime Militia Vessel at patuloy ang pananatili sa lugar.
01:05Despite of them not responding sa radio challenge natin na ito, ang Philippine Coast Guard Vessels remain to be in the area.
01:13At para siguraduhin that the moment we see presence of Chinese personnel, we can immediately communicate with them and tell them to leave immediately.
01:26Bukod sa iligal na pangaangkin sa West Philippine Sea at paninindak sa mga mayangis ng Pilipino, sinabi ng PCG na posibleng bahagi rin ng intelligence and surveillance ang pag-deploy sa mga militia vessels ng China.
01:39Siguro they are monitoring what are the activities of the Coast Guard and even the Armed Forces Philippines in these areas.
01:47So there are diverse reasons that we can speculate what's the real intent.
01:53But one thing is clear here, the presence of all this Chinese Maritime Militia is actually a violation of UNCLOS.
02:00It violates our own sovereign rights in the West Philippine Sea.
02:04Hindi ito ang unang beses na nagkaroon ng kumpulan ng mga Chinese Maritime Militia Vessel sa Rosul Reef.
02:10Noong 2023, ay iniulat ang PCG at AFP ang malawakang pinsala sa marine environment sa mga bahagi ng karagatan na madalas may mga militia vessel, kabilang na ang Rosul Reef at Escoda Shoal.
02:25Kaya naman pinangangambahan ngayon ang magiging epekto sa pagkukumpulang muli ng mga naturang barko ng China.
02:32Since hindi naman talaga designated na anchorage area ito, there's a possibility na yung mga coral reef na nandyan ay binabagsakan nila ng mga corals.
02:43Secondly, kung ganitong karaming barko ay meron talagang crew sa loob nila, you can just imagine how can it pollute the waters in Rosul Reef.
02:54Patuloy ang gagawing documentation ng PCG sa aktibidad ng mga barko ng China kung saan isinusumite ang mga ulat sa National Task Force for the West Philippine Sea para sa magiging hakbang ng pamahalaan.
03:07Patrick De Jesus para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.