Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/19/2025
Benefit package para sa post-kidney transplantation services ng PhilHealth, pinalawig pa

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Malaking tulong sa mga pasyente ang pinalawig pang benefit package ng PhilHealth para sa mga may sakit sa kidney.
00:08Yan ang ulat ni Kenneth Pasyente.
00:12May problema na sa bato nang ipinanganak si Zach.
00:15Kwento ng kanyang tatay na si Ian, nakitaan na hindi lumalaki ang kidney ng bata.
00:20Pero imbes na sumailalim sa dialysis, mas pinili nilang mag-asawa na magpa-kidney transplant na lang.
00:26Na naging matagumpay naman na naisagawa nitong Pebrero.
00:28Gayun man, naging hamon sa kanila ang gastusin.
00:32Actually, mas malaki ang gastusin sa post-kidney transplant sa medication kasi this is lifetime.
00:38Si Zachary nag-start siya ng 25,000, ngayong ika-fourth month niya nasa 17,000 na lamang siya.
00:46Ang alalahanin na yan ni Ian, tinugunan na ng pamahalaan.
00:49Kasabay kasi ng pagdalaw ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa National Kidney and Transplant Institute o NKTI
00:55ay ang pagpapalawig pa ng Z-Benefits Package para sa post-kidney transplantation services ng PhilHealth.
01:02Layunin nito na matiyak na maibsan ang financial burden ng mga may sakit na chronic kidney disease,
01:07hindi lamang sa pagpapadialisis at transplantation, kundi pati na rin sa gamutan.
01:11Noong 2024, ang coverage ng PhilHealth para sa kidney transplant ay 600,000.
01:18Ngayon, palalakihin na natin hanggang sa 2.1 million pesos na ang coverage para mabawasan ang mga...
01:30At sa unang pagkakataon, mapapatapad na ng PhilHealth ang benefit package para tugunan ng gastusin para sa kidney transplant patients.
01:39Kasama yung immunosuppressive na medication, drug prophylaxis, antibiotics at iba pa.
01:45Sa ilalim ng benepisyo para sa mga bata, ilan sa mga babayaran ng PhilHealth ang 73,065 kada buwan
01:52na immunosuppressive medications para sa unang taon at 41,150 kada buwan sa mga susunod na taon.
01:5945,570 kada buwan para sa drug prophylaxis o antibiotic para makaiwas sa impeksyon
02:06at 37,585 sa bawat tatlong buwan na pagpapalaboratorio para sa unang taon
02:11at 14,078 naman sa kada tatlong buwan para sa mga susunod na taon.
02:16Habang sa mga nakatatandang pasyente, 40,725 para sa immunosuppressive medications,
02:2218,932 para sa 6 na buwang gamutan,
02:2511,242 para sa bawat tatlong buwan na pagpapalaboratorio para sa unang taon
02:30at 8,125 naman sa kada tatlong buwan para sa susunod na taon.
02:36Malaking katipiran para kay Iyan ang naturang bagong benefit package.
02:40Hindi na namin problema talaga ang gastusin sa medication.
02:45So yung atrabaho ko, trabaho ni misis, lahat ng kikitain namin
02:50ay hindi na mapupunta sa gastusin ng hospital, medication,
02:53kundi mapupunta na sa mga basic needs and education ng aming mga anak.
02:57Tiniyak naman ang Pangulo na makatatanggap din ang suporta ang mga donor
03:01na tatanggap ng 1,900 kada 6 na buwan.
03:04Tiniyak din niya ang pagpapabuti ng pasilidad ng NKTI.
03:08Tinutugunan din anya ng pamahalaan ang pagpapababa ng halaga ng gamot.
03:11Pinarami pa namin ang listahan ng gamot para dito sa ating mga pasyente
03:17na hindi na vat-free, hindi na magbabayad ng buwis pagpasok
03:24upang maibaba natin ang presyo ng mga gamot.
03:28Nagpaalala rin ang Pangulo sa publiko na magingat sa mga kinakain
03:32lalo't pangunahing dahilan ng chronic kidney disease
03:34ay maaalat at matatamis na pagkain.
03:37Kailangan natin ang tulong ng mga magulang, ng mga teacher,
03:42pati na mga sa industriya na sabihin naman natin
03:45yung mga naghahanda ng mga fast food, bawasan naman nila
03:49yung paglagay ng asukal para naman yung mga kabataan natin
03:54ay hindi mapunta sa ganitong kondisyon.
03:57Ayon naman sa PhilHealth, tinatayang nasa 300 billion pesos
04:00ang kabuang pondo ng kanilang benefit packages
04:03kabilang na ang CKD post-transplant care.
04:06Nilinaw din ito na kung sa mga ward ng pampublikong hospital
04:09naka-admit ang pasyente, kasama na rin sa pakete
04:12ang professional fee ng mga doktor.
04:14Pero kung sa mga pribadong hospital naman,
04:16Kapag po dun sa mga pribadong kwarto,
04:18ito po ay negotiated with the doctors.
04:21Kaya po bago po gawin yung isang procedure,
04:24meron pong parang kontratang pinipirmahan
04:26ang ating pasyente at ating mga doktor
04:29kung magpaano po yung napag-agrihan na karagdagan
04:32kung sakali pong meron mga karagdagan.
04:34Umaasa din ang NKTI na makatutulong
04:37ang pinalawig na benepisyo na makahikayat pa
04:39ng organ donor, Kenneth Pasyente.
04:43Para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.

Recommended