- 6/16/2025
- Caregiver na kritikal, kabilang sa 6 na sugatang Pinoy sa Israel dahil sa gantihan ng missiles ng Israel at Iran
- Ilang guro, nagbabangka at nananatili sa mga paaralan ng mga island barangay
- Drum at bugle, sumalubong sa mga mag-aaral at guro sa unang araw ng pasukan sa Dr. Cecilio Putong Nat'l HS
- Magkapatid na ina, timbog sa pagbugaw online sa 10 anak kabilang ang isang sanggol
- In Case You Missed It: "May huli ka" website sa NCAP; One-stop shop sa sumbong kontra-online lending apps
- #SanggreWorldPremiere
- Daddy's girl na aliw ang pagbilin ng pasalubong sa ama at tampo kay kuya
State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: / gmanews
TikTok: / gmanews
Twitter: / gmanews
Instagram: / gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
- Ilang guro, nagbabangka at nananatili sa mga paaralan ng mga island barangay
- Drum at bugle, sumalubong sa mga mag-aaral at guro sa unang araw ng pasukan sa Dr. Cecilio Putong Nat'l HS
- Magkapatid na ina, timbog sa pagbugaw online sa 10 anak kabilang ang isang sanggol
- In Case You Missed It: "May huli ka" website sa NCAP; One-stop shop sa sumbong kontra-online lending apps
- #SanggreWorldPremiere
- Daddy's girl na aliw ang pagbilin ng pasalubong sa ama at tampo kay kuya
State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: / gmanews
TikTok: / gmanews
Twitter: / gmanews
Instagram: / gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00State of the Nation
00:05Umakyat na sa anim ang mga Pilipino sa Israel na sugatan sa gantihan ng missile strikes ng Israel at Iran mula pa noong Biyernes.
00:24Ayon sa OWA, apat ang nakalabas na ng ospital habang may isa pang nagpapagaling at critical pa ang isang caregiver na nadaga na ng debris ng tinamaang gusalit.
00:36Wala pang mandatory evacuation para sa mga Pinoy sa Israel pero ang mga naisumwi, sisikaping ma-repatriate, sabi ng Department of Migrant Workers.
00:47Unang araw ngayon ng pag-ubalik kunyo ng pasukan pero tila taon-taon pa rin homework ng gobyerno ang kulang na classroom.
00:55Isang daan at 65 libo ito ngayon na para masolusyonan, aabutin daw ng mahigit 50 taon.
01:03May report si Rafi Tima.
01:04Ang pag-aaral at pamumuhay sa araw-araw hindi birong itinatawid ng grupo ni Teacher Amina na nagbabangka papasok ng paaralan sa mga island-daranggay sa Sambuanga City.
01:16May bit-bit silang bigas, inuming tubig at damit.
01:19Sapat para sa limang araw nilang pagtira sa isla.
01:21Malaki pong sacrifice every time na pagpupunta kami sir, lalo na pag masama yung panahon.
01:29Kasi yung kailangan talaga namin harapin yung along, kasama na yung mga hangin, but then kinakaya po namin namin.
01:37Dahil malayo sa lungsod, gumagamit sila ng solar lights tuwing gabi at piso wifi mula sa komunidad.
01:42Mismong si Pangulong Bongbong Marcos na ang pumuna, 60% lang daw ang mga eskwelahang may internet.
01:50Ang problema talaga, kuryente. Kaya aayusin natin yung dahan-dahang makikita natin magiging 100% yan lahat.
01:57Bukod dito, iniutos din na Pangulo na magdagdag ng 20,000 guro at 10,000 administrative staff.
02:03Sa 20,000 na yun, 16,000 na na-hire ng DepEd na bagong guro.
02:1410,000 naman na administrative. Hindi ito nagtuturo, kundi pinapatakbo ang eskwelahan.
02:23Para yung teacher talagang nagtuturo.
02:26Pero ang taon-taon nalang nakulang, mga silid-aralan.
02:29Sa Tenement Elementary School sa Taguig, hinati sa dalawa ang maraming silid.
02:36Sa Kalasyao, Pangasinan, blended learning ang remedyo sa kakulangan ng classrooms.
02:41Problema din nila ang kuryente, kaya hindi kaya ang full face-to-face classes.
02:45Nag-request kami sa DepEd na kaano na ito sa region. Actually, approved na ito. Parang implementation na lang.
02:54Sa Lapu-Lapu, Cebu, itinaon pa sa unang araw ng klase ang simula ng pagkukumpuni sa mga classroom sa Marigondon National High School na sinira ng Bagyong Udet noon pang 2021.
03:05Sabi ng principal, hindi malinaw bakit hindi ito agad napagawa, kayong noong isang taon pa ito may aprobadong budget.
03:11Ang Davao City National High School, magpapatupad ng tatlong shifts sa dami ng mga estudyante.
03:18Aabot sa 60 estudyante ang nagsisiksikan sa bawat classroom.
03:23Sabi mismo ng DepEd, kulang ng 165,000 classrooms sa buong Pilipinas at aabutin ng 55 taon bago yan mapunan.
03:32Kaya hihingi na ng tulong ang gobyerno sa pribadong sektor sa pamamagitan ng public-private partnership.
03:38Yun sa proposal namin, pagka dumaan ng NEDA yun, siguro by next year makapag-umpisa na ng construction.
03:44E dun sa proposal nga natin, in the next three years, we will start construction of 105,000 classrooms.
03:49Rafi Tima nagbabalita para sa GMA Integrated News.
03:54Ibang klase naman ng problema sa tubig sa ilang paaralan ngayong pasukan.
03:58Pero kung merong nababalot ng tubig o nabalot ng tubig ang paligid kahit di umuulan,
04:05pero sa mga gripo, walang tumutulo.
04:07May report si Marie Zumali.
04:14Idinaan sa Drum and Bugle ang masigabong pawelcome sa mga mag-aaral at guro
04:18ngayong unang araw ng pasukan sa Dr. Cecilio Puto National High School sa Tagbilaran, Bohol.
04:24Pero di tulad noon, sa Francis National High School sa Kalumpit, Bulacan, suspendido na agad ang klase.
04:31Dahil sa high tide, lubog sa baha ang eskwelahan na palilibutan ng Kalumpit at Pampanga Rivers.
04:36Pero kahit nalulubog ito sa tubig, sa mga gripo naman nila, mahina o walang tulo.
04:42Kulang din ang gripo.
04:43Nag-aalala po ako kasi po yung mga bakteriya po na dumada po po sa amin.
04:48Hindi po kami makapagugas ng kamay dahil wala pong tubig minsan.
04:52May mga kalawang na rin po kasi ang iba nating mga water source.
04:58Pinatitigil natin yung water source, lalo na po kapag hindi naman masyadong ginagamit.
05:03So ngayon po, nasa period tayo na nire-repair natin lahat.
05:06Dahil baka po pumasok yung pong contaminants.
05:09Pinasusuri na ng eskwelahan ng mga tubong may tagas.
05:13Pinakabitan na ng mga gripo ang mga banyo.
05:15Para makapaghugas ang mga sumusuong sa baha, plano rin ng eskwelahan maglagay ng footbath.
05:19Nakikipag-usap na raw ang pamunuan ng eskwelahan sa lokal na pamahalaan
05:24para matulungan silang makapagpatayo ng dike para masolusyonan ang matagal na
05:29at di naman maiwasang problema ng high tide dito sa kanilang lugar.
05:34Kasi po, hindi po magiging solusyon na magtambak tayo lagi eh.
05:38Dahil po yung surrounding area ay baha.
05:40Sa Epifanio de los Santos Elementary School sa Malate, Maynila,
05:44hindi lahat ng gripo may tulog.
05:46Ang ating school ay matagal na. So, iso po sa challenges yung mga old pipes.
05:51Ang ating mga non-teaching staff ay talaga pong sinisikap po na ma-i-check
05:56at kami po ay yun nga po, may pagkatang iipon po kami ng mga tubig
05:59at may marami po kami mga container do.
06:01At yun nga po, para kinabukasan, tuloy-tuloy po.
06:04Meron kaming standing order. Prioritize yung mga CR.
06:08Dahil yun, pag hindi malinis ang CR, doon nagmumula yung sakit.
06:12Baha naman ang problema sa Malabon Elementary School,
06:15bunsod na ulan kahapon na sinabayan ang high tide.
06:18Pinapump palabas ng paaralan ng tubig.
06:20Ang kaso, sa kalsada pumabaha.
06:23Kung tubig ang problema ng ilang paaralan,
06:25sunog naman ang kalbaryo sa San Francisco High School sa Quezon City.
06:30Natupok ang labing isang silid aralan kahapon.
06:32Kaya kanina, sa covered court muna nagklase ang labing-anim na seksyon
06:36na mahigit-anim na raang estudyante.
06:37Di rin matutuloy ang plano na magbalik one shift ang kanilang senior high school.
06:42Tinitignan namin ano yung agarang solusyon o agarang tulong.
06:47Nakapaghanap kami ng furniture na pwedeng ibigay doon para may magamit yung mga bata.
06:52Nagkasunog din sa Seattle National High School noong May 6,
06:55kaya kulang sila sa classroom.
06:57Ang mga senior high, sa conference room muna nagklase.
07:00Natupok din ang library, kaya naabo ang mga aklat, modules at computer sets.
07:05Nasunog din ang kantin, kaya inilipat muna ito sa stage.
07:09Ayon sa division superintendent ng Negros Oriental School Division Office,
07:12ipinalam na sa Deped Region ang pagkasunog ng classrooms.
07:16Nagbigay rin ang quick respond fund para sa paggawa ng temporary classrooms.
07:21Mariz Umali nagbabalita para sa GMA Integrated News.
07:25Sampung minor de edad kabilang ang isang sanggol.
07:29Naligtas sila sa online sex exploitation na ang may kagagawan,
07:33mga nanay nilang magkapatid.
07:34May report si Maris Olabduraman.
07:41Magkapatid na ina ang hinuli ng maoperatiba ng NBI Violence Against Women and Children Division
07:46sa Concepcion, Tarlac.
07:52Sila ron mismo ang nagsaglak sa kanilang mga anak
07:54sa online child sex exploitation noong pang nakaraang taon,
07:58na ayos sa NBI ay mga dayuhan ang kliyente.
08:01Sila pa ang nagko-contact.
08:04Merong ano eh, yung dark web na sinasabi.
08:07Doon sila nakakapag-usap doon sa mga clientele nila sa foreign countries.
08:15May mga video po na sila rin mismo yung gumagawa
08:18and may mga video rin po aming nakuha
08:21na sila rin po yung mga nagtuturo doon sa mga bata kung anong gagawin po.
08:25Sa impormasyon ng NBI, depende raw sa mga hinihingi ng banyaga
08:30ang mga ipinapagawa sa mga biktima
08:32na siyang basihan ng bayad sa kanila.
08:35Nasa P200-P4,000 daw ang ibinabayad sa kanila.
08:39Pwedeng bata sa bata, lalaki sa lalaki, babae sa babae
08:43So, yung matanda with the baby, the child,
08:50ganun eh, iba-iba.
08:52Talagang hindi natin masikmura, ika nga.
08:55Depende po doon sa video po na pinapadala
08:58or tapos sabay minsan po kapag nagbibigay sila ng live show,
09:03doon po medyo mas tumataas po yung binibigay.
09:05Nasa GIP ang 10 minode edad.
09:07Ang pinakabata, 3 buwang bulang.
09:09Lahat sila nasa pangangalaga na ng DSWD.
09:13Nakausap ng GMA Integrating News
09:15ang mga suspect na naharap sa reklamo.
09:19Sobrang laki pong pasisisi namin, sir.
09:22Nagsisihin po namin to, sir.
09:25Hindi na pong mauhuli to, sir.
09:27Ang paghuli sa dalawa,
09:29konektado sa pagdakip ng NBI
09:31sa isang Swedish National noong Abril.
09:33Bumiyahe talaga dito itong Swedish
09:35para mag-exploit ng mga bata.
09:37At itong mga dalawang Filipina na to
09:40ay ang kausap niya.
09:41Sa datos ng International Justice Mission o IJM
09:45noong 2022,
09:47isa sa bawat isang daang kabataang Pinoy
09:49ang biktima ng online sexual exploitation.
09:52Noong 2020,
09:53lumalabas na 83% ng suspect o sex trafficker
09:57kaanak mismo ng batang biktima.
09:59Para sa sumungtongkol sa online child sex exploitation,
10:03tumawag sa Action Line Against Human Trafficking
10:05na 1343 sa Hotline 911,
10:08aling police text hotline at iba pang hotlines ng PNP.
10:12Gayun din sa NBI,
10:13Public Attorney's Office
10:14at makabata hotline
10:16ng Council for the Welfare of Children,
10:18pati na hotlines ng Civil Service Commission.
10:21Marisol Abduramay,
10:23Nagbabalita para sa GMA Integrated News.
10:27Website na may huli ka
10:33inilunsad ng MMDA.
10:35Makikita rito ang mga motoristang na hulikam
10:38na may traffic violation
10:39sa ilalim ng NCAP
10:41o No Contact Apprehension Policy.
10:43I-type ang plate number
10:44at motor vehicle number
10:45na makikita sa Certificate of Registration.
10:48Makikita palang ngayon
10:49kung may record ng paglabag
10:51isang araw matapos mahulikam
10:53pero target ng MMDA
10:54na gawin itong real-time.
10:55At hanggang dalawang buwan
10:57ang record.
10:59One-stop shop inorganisaan
11:01ng Presidential Anti-Organized Crime Commission
11:03para may masumbungan
11:05ang mga biktima ng online lending app
11:07o nanghaharas o nananakot
11:08sa paniningil ng utang.
11:12Walon chief of police
11:13sa Metro Manila, Sinibak.
11:15Ayon kay PNP Chief General Nicolás Torre III,
11:18bigo silang maipatupad
11:19ng 5-minute response time
11:21o direktiba niyang pagtugon
11:22sa 911 call
11:23sa loob ng limang minuto.
11:26Anong Terminal 2
11:27papuntang Terminal 3
11:291,260 ganon?
11:31Para na kami nagbiyahin
11:32ang probinsya?
11:34Taxi driver na nag-viral
11:36dahil nagpasan limong piso
11:38ang singil.
11:39Sa pasaherong lilipat lamang
11:40sa Naiya Terminal 3
11:41mula Terminal 2
11:42suspendido na ang lisensya.
11:44Na-impound na ang kanyang taxi
11:46at pinagpapaliwanag pa.
11:48Bukod sa nanag-anchoper,
11:49pinagpapaliwanag din
11:50ang LTFRB
11:51ang mismong taxi company.
11:53Paso na ang provisional authority
11:55ng 15 taxi unit nila.
11:58Konduktor ng bus
11:59sa video
11:59ng pagbugbog
12:00sa pasaherong PWD
12:01pinakakasuhan
12:02ng DOTR
12:03sa LTFRB
12:04dahil sa pagkuryente
12:06sa biktima.
12:07Pinahanap na rin
12:08ang iba pang pasaherong
12:09ng bugbog,
12:10sinuspinde ang lisensya
12:11ng driver at konduktor,
12:13pati na ang
12:1315 units
12:14ng Precious Grace Bus Company.
12:16Joseph Morong
12:17nagbabalita para sa
12:18GMA Integrated News.
12:19Certified Trending
12:25ang world premiere
12:25ng Encantadia Chronicles Sangre.
12:28Sa cinematic na unang episode,
12:30muling ipinakita
12:30ang unang henerasyon
12:31ng mga tagapangalaga
12:33ng brilyante
12:33at kasama si Nunong Imaw
12:35na ipakilala na rin
12:37ang mga batang sangre,
12:39ang kwento
12:39ng apat na teritoryo
12:41at kahariang matatagpuan
12:43sa Encantadia
12:44na pinamumunuan
12:45ni Batalumang Kasyopeya.
12:47Lumabas na rin
12:50ang ilang kalaban
12:50gaya ni Kera Mitena
12:52na ginagampana
12:53ni Rian Ramos.
12:54Hindi na ba ako
12:55nakikilala
12:56ng aking dating
12:57Panginoon?
12:59Ang reyna ng Miniave
13:00na pumatay
13:01kay Arsus
13:02sa mundo
13:02ng mga isinumpa.
13:04Simula sa araw
13:05na ito
13:06ay ako na
13:06ang kikilala
13:08ni ninyong Kera.
13:10Ang mga bagong sangre
13:12sabay-sabay
13:12pinanood
13:13ang premiere
13:14ng biggest
13:14telefantasya
13:15sa GMA Prime.
13:17Everything just adds
13:18to yung power
13:19and magic
13:20ng mundo
13:21ng Encantadia.
13:22Ang sarap
13:22makita kung gano'ng
13:23kagaling
13:24yung kaya nating
13:25i-produce tayo
13:26bilang mga Pilipino.
13:28Yung fact
13:28na alam namin
13:29na pinapanood namin
13:30ito together
13:31with 250,000 people
13:34iba siya
13:35sa pakiramdam eh.
13:37Ang masasabi ko lang
13:38ano
13:38astig.
13:39Encantadix
13:40mahal namin kayo
13:41sana po
13:41ay masaya kayo.
13:42Kasamang napanood
13:47sa sangre
13:48si Sanya Lopez
13:49na ang latest
13:50makeup transformation
13:51bilang si
13:52Sangre Danaya
13:53Ngunit kaya ko
13:55yung pamunuan
13:55ng tere.
13:56Million-million na
13:57ang views
13:58sa TikTok.
14:01Kaabang-abang
14:01naman
14:02ang magiging papel
14:03sa sangre
14:03ni Shuve Etrata
14:04after her
14:06PBB exit
14:07this weekend.
14:08Aubrey Carampel
14:09nagbabalita
14:10para sa
14:10GMA Integrated News.
14:12Pahabol na
14:19pampaaliyaw
14:19sa Father's Day
14:20itong tampok
14:21namin
14:21Daddy's Girl.
14:23Princess treatment
14:24si Bunso
14:24sa pagbilin
14:25sa ama
14:25ng pasalubo.
14:27Nadamay pa
14:27si kuya
14:28na tumitiklo
14:29kapag
14:29nagtatampo
14:30ang kapatid.
14:31Pusuan na yan
14:31sa report
14:32ni Mark Salazar.
14:39May actual
14:40na add to cart
14:41itong si Baby
14:42at ang mga order
14:43niya.
14:44Papay.
14:45Papay.
14:46Burger.
14:47Burger.
14:48Bami yun.
14:49Fries.
14:50Mga pasalubong
14:51pag-uwi ni Daddy.
14:52Pero paano
14:53kung hindi
14:53makaalis si Daddy
14:54dahil sa haba
14:55ng listahan
14:56ni Baby?
14:56Uy!
14:57Okay.
14:58Adi.
14:58Bye.
14:59Adi,
15:00diyan mo lang tayo.
15:02May terms
15:02unconditioned pa
15:03tulad ng
15:04hindi kasama
15:05ang kuyang
15:05hindi nila
15:06bate.
15:07Ako,
15:08ako,
15:08di mo ko
15:09bibilan.
15:09Pabili mo ko.
15:12Di.
15:13Di.
15:13Huwag kita
15:14rikitan
15:14nila papay.
15:16Hindi natin
15:16bibili sa kuya.
15:16Bakit niya?
15:17Bati tayo ah.
15:18Adi daw?
15:19Bye.
15:20Love you.
15:21Yan.
15:22Nabot ka.
15:23Yan si Baby
15:24Princess
15:25Keisha Marie
15:26Singson.
15:26Ang online
15:27sensation ngayon
15:28dahil sa
15:29kakulitan
15:30at cute
15:31na paghingi
15:31ng pasalubong.
15:32Kwento ng
15:33kanyang kuya,
15:34lagi siyang
15:35nagpapabili
15:35sa kanilang
15:36airpot
15:37na lagi
15:37rin nagpapaalam
15:38sa kanya
15:39bago pumasok
15:40sa trabaho.
15:41Madalas din
15:42humingi ng
15:42merienda
15:43kay kuya
15:43at dahil
15:44love the love
15:45si Bunso,
15:46hindi pwedeng
15:46hindi.
15:48Dahil pag
15:48hindi
15:48pinagbigyan,
15:50tiyak na
15:50hindi ka
15:50kasama
15:51sa next
15:52niyang
15:52paghingi
15:52ng pasalubong.
15:55Mark
15:56Salazar
15:56nagbabalita
15:57para sa
15:58GMA
15:58Integrated News.
16:01Yan po ang
16:02State of the Nation
16:03para sa
16:04mas malaking
16:04misyon
16:05at para sa
16:06mas malawak
16:06na paglilingkod
16:07sa bayan.
16:08Ako si Atom Maraulio
16:09mula sa
16:09GMA Integrated News,
16:11ang News Authority
16:12ng Pilipino.
16:14Huwag magpahuli
16:15sa mga balitang
16:16dapat niyong malaman.
16:17Mag-subscribe na
16:18sa GMA Integrated News
16:20sa YouTube.
16:28mb
16:48mb
16:48mb
16:48mb
Recommended
17:18
|
Up next