Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/16/2025
Ibang klase naman ang problema sa tubig sa ilang paaralan ngayong pasukan. Merong nabalot ng tubig ang paligid kahit 'di umulan, pero sa mga gripo, walang tumutulo! May report si Mariz Umali.




State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Ibang klase naman ang problema sa tubig sa ilang paaralan ngayong pasukan.
00:05Pero kung merong nababalot ng tubig o nabalot ng tubig ang paligid kahit di umuulan,
00:11pero sa mga gripo, walang tumutulo. May report si Marie Zumali.
00:20Idinaan sa Drum and Bugle ang masigabong pa-welcome sa mga mag-aaral at guro
00:24ngayong unang araw ng pasukan sa Dr. Cecilio Puto National High School
00:28sa Tagbilaran, Bohol. Pero di tulad noon,
00:32sa Francis National High School sa Kalumpit, Bulacan, suspendido na agad ang klase.
00:37Dahil sa high tide lubog sa baha, ang eskwelahan na palilibutan ng Kalumpit at Pampanga Rivers.
00:42Pero kahit nalulubog ito sa tubig, sa mga gripo naman nila, mahina o walang tulo.
00:48Kulang din ang gripo.
00:49Nag-aalala po ako kasi po yung mga bakteriya po na dumada po po sa amin.
00:54Hindi po kami makapagugas ng kamay dahil wala pong tubig minsan.
00:59May mga kalawang na rin po kasi ang iba nating mga water source.
01:04Pinatitigil natin yung water source, lalo na po kapag hindi naman masyadong ginagamit.
01:09So ngayon po, nasa period tayo na nire-repair natin lahat.
01:12Dahil baka po pumasok yung pong contaminants.
01:16Pinasusuri na ng eskwelahan ang mga tubong may tagas.
01:19Pinakabitan na ng mga gripo ang mga banyo.
01:21Para makapaghugas ang mga sumusuong sa baha, plano rin ang eskwelahan maglagay ng footbath.
01:26Nakikipag-usap na raw ang pamunuan ng eskwelahan sa lokal na pamahalaan para matulungan silang makapagpatayo ng dike
01:32para masolusyonan ang matagal na at di naman maiwasang problema ng high tide dito sa kanilang lugar.
01:40Kasi po, hindi po magiging solusyon na magtambak tayo lagi eh.
01:44Dahil po yung surrounding area ay baha.
01:46Sa Epifanio de los Santos Elementary School sa Malate, Maynila, hindi lahat ng gripo may tulo.
01:52Ating school ay matagal na. So iso po sa challenges yung mga old pipes.
01:57Ang ating mga non-teaching staff ay talaga pong sinisikap po na ma-i-check.
02:02At kami po ay yun nga po, may pagkatag-iipon po kami ng mga tubig at may arami po kami mga container do.
02:07At yun nga po, para kinabukasan, tuloy-tuloy po.
02:10Meron kaming standing order. Prioritize yung mga CR.
02:14Dahil yun, pag hindi malinis ang CR, doon nagmumula yung sakit.
02:19Baha naman ang problema sa Malabon Elementary School,
02:21bunsod na ulan kahapon na sinabayan ang high tide.
02:24Pinapump palabas ng paaralan ng tubig.
02:26Ang kaso, sa kalsada pumabaha.
02:29Kung tubig ang problema ng ilang paaralan,
02:32sunog naman ang kalbaryo sa San Francisco High School sa Quezon City.
02:36Natupok ang labing isang silid aralan kahapon.
02:38Kaya kanina, sa covered court muna nag-glase ang labing-anim na seksyon na mahigit-anim na raang estudyante.
02:44Di rin matutuloy ang plano na magbalik one shift ang kanilang senior high school.
02:48Tinitingnan namin ano yung agarang solusyon o agarang tulong.
02:53Nakapag hanap kami ng furniture na pwedeng ibigay doon para may magamit yung mga bata.
02:58Nagkasunog din sa Seattle National High School noong May 6, kaya kulang sila sa classroom.
03:03Ang mga senior high, sa conference room muna nag-glase.
03:06Natupok din ang library, kaya naabo ang mga aklat, modules at computer sets.
03:11Nasunog din ang kantin, kaya inilipat muna ito sa stage.
03:15Ayos sa division superintendent ng Negros Oriental School Division Office,
03:18ipinalam na sa Deped Region ang pagkasunog ng classrooms.
03:22Nagbigay rin ang Quick Respond Fund para sa paggawa ng temporary classrooms.
03:26Mariz Umali nagbabalita para sa GMA Integrated News.
03:31Huwag magpahuli sa mga balitang dapat niyong malaman.
03:35Magsubscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube.

Recommended