Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
- Tindahan, ninakawan ng lalaking bumili pa sa kanila ng balut


- Bagyong Bising, tropical storm na


- Landslide, nanalasa sa Itogon, Benguet; bahagi ng hanging bridge, bumigay


- Atong Ang at Gretchen Barretto, naging ninong at ninang ng anak ni Alyas Totoy; Barretto, bahagi raw ng 'Alpha Group'


- Pasaherong may congenital cataract, pinaringgan na 'wag umupo sa priority seat kahit isang PWD


- Serye crossover?; EX-PBB Housemates Update; Lolit Solis, 78


- Sunog, sumiklab sa isang warehouse sa Pasig City


- Solong Crystal Cave, puno ng crystal at kakaibang rock formations 


State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv

Facebook: / gmanews
TikTok: / gmanews
Twitter: / gmanews
Instagram: / gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00State of the Nation
00:30Patuloy pa siyang tinutugis.
00:33Sa Davao City pa rin, huli kam ang panuloob sa isang printing shop.
00:37Tinangay ng lalaki ang cellphone na nasa sofa at isang cellphone na nasa likod ng sofa.
00:43Inaalam pa ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng nagnakaw.
00:50Bago ngayong gabi, tropical storm na po ang Bagyong Bising.
00:53Sa ngayon nananatili ito sa labas ng Philippine Area of Responsibility at bumagal ang galaw, Pakanluran.
00:59Naunang sinabi ng pag-asa na sa lunes, posibleng itong pumasok at lumabas ulit sa gilid ng PAR.
01:05Pinabantayan din ang pag-asa kung magiging LPA ang nakikitang cloud cluster o kumpol ng mga ulap sa silangan ng bansa.
01:13Asahan pa rin ang ulan sa weekend.
01:15Sa rainfall forecast na Metro Weather, uulanin ang malaking bahagi ng Luzon at ilang bahagi ng Visayas at Mindanao.
01:22Sa Metro Manila, may tsansa ng ulan lalo sa hapon.
01:25Naka-alerto pa rin ang mga probinsya sa Norte sa epekto ng Bagyong Bising.
01:32Habagat naman ang nagbunsod ng ulang nagdulot ng landslides sa Benguet.
01:36May report si Darlene Kai.
01:41Mula sa mundo, tuloy-tuloy sa pagdausdos ang mala tsokolating lupa at malalaking bato sa sityo akupan sa Itogon, Benguet.
01:49Nasira na ang bahagi ng hanging bridge.
01:51Talagang nininirbius kami ah. Hindi kami nakatulog. Lalo na nung nag-start yun. Mga hapon na. Malapit ng dumilim. Kaya nga nag-ano kami, nag-back quit kami lahat.
02:07Muling nagka-landslide kaninang umaga dahil sa ulang dulot ng habagat.
02:11Sa pangambang baka madamay ang ilan pang bahay at paaralan, nag-clearing operation ng mga otoridad at residente.
02:17Hindi kasi makagamit ng bako dahil wala nang madaanan. Mahigpit ding minabantayan ang mga magtatakang dumaan sa mga tanong ng mga minahan.
02:25Minomonitor din ang ilang landslide-prone areas.
02:27Yung probinsya ng Abra at probinsya ng Apayaw dahil nga sila yun nandun sa extreme north ng Cordillera.
02:33At yan yung mga possibility mas malapit dun sa rain bonds ng ating tropical depression, Bising.
02:42Sa La Union, halos zero visibility sa lakas ng ulan.
02:47Naunang isa na ilalim sa signal number one dahil sa bagyong Bising ang labig-isang lugar sa Ilocos Norte.
02:56Sa bayan ng Pasukin, bantay sarado ang mga baybayin dahil sa taas at lakas ng mga alon.
03:02At dahil bawal munang magisda, hinangumula sa dagat ang mga bangka.
03:06Naka-pwede naman napulahan yung mga kailangan na paghandahan.
03:11Nag-preposition na po ng mga family food parks, particularly sa Kurimao sa Pasukin and this morning sa Pagodpun.
03:21May pagbaha na rin sa Ilocos Sur. Sa Kandon City, binabantayan ang pagtaas ng mga ilog.
03:26Sa Batanes, panay ang pag-iikot ng mga polis para agad na makapag-abiso kung kailangan ng magpalikas.
03:31Mauna ni siya karoon, ang among room.
03:35Binaha naman ang isang paaralan sa Taguloan, Misamis Oriental.
03:39Tulong-tulong muna sa paglilimas ng tubig ang mga estudyante at guro.
03:43Ayon sa schoolhead, bukod sa malakas na hangin,
03:45nagpapabaharin ang naging epekto sa kanilang drainage system ng konstruksyon doon ng karagdagang classroom.
03:51Sa ngayon, ilang stakeholders ang nagbigay ng lupang panambak para mapigilan ng pagbaha.
03:56Darlene Cai, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
04:01Lalo'ng idiniin ang whistleblower na si Julie Dondon Patidongan,
04:10ang aktres na si Gretchen Barreto, sa pagkawala ng mga sabongero.
04:15Idinitalian niya sa GMA Integrated News sa mga nasaksihan
04:18at narinig sa isang pulong na tinaguri ang Alpha Group na kinabibilangan daw ng aktres
04:24para raw ligpitin ang mga mandaraya sa sabo.
04:27Ang aligasyon ni Patidongan, pinawag ng kampo ni Barreto na belated embellishment
04:32o pahabol na dagdag sa kwento.
04:35Narito po ang aking report.
04:39Ibinahagi ni Julie Dondon Patidongan alias Totoy ang litratong ito
04:43nang kinuha niyang ninong at ninang ng kanyang anak
04:46ang matagal niyang naging boss na si Charlie Atong Ang
04:49at aktres na si Gretchen Barreto.
04:51Ang pangalan ng anak ko, Don Chin Le, doon ko kinuha yung Don sa akin,
04:58yung Chin, Gretchen, yung Le, Charlie, yun kinuha ko yan.
05:03Kinuha ko sa pangalan nilang dalawa.
05:05Ninong din ang kasosyo umano ni Ang na si Engineer Celso Salazar.
05:09Sabi ni Patidongan, bahagi raw si Nabareto at Salazar
05:12ng Alpha Group o yung mga pinakamalalapit kay Ang.
05:16Nasaksihan daw niya mismo kung paanong nagdesisyon ng Alpha Group
05:20sa kapalaran ng mga sabongero.
05:22Kasama siya sa pumayag na walain yung mga sabongero.
05:27Ngayon, isa sa tumas ng kamayan.
05:30Si Gretchen Barreto.
05:32Tumas ang kamay, ano ibig sabihin nun?
05:33Isa siya sa pumayag na walain yung mga natsutsupi.
05:38Kasi sabi nga ni Mr. Atong Ang,
05:40pag hindi natin gawin yan,
05:44babagsak yung negosyo natin.
05:46At imposibleng matututul siya,
05:49ikatabi siya mismo lagi ni Mr. Atong Ang pag nag-meeting.
05:52Ibig sabihin, taasan ng kamayon.
05:54Paburan yan, tinitingnan kung sino ang against o hindi.
05:58Meron ka pa bang ibang ebidensya kay Gretchen?
06:00Lagi kasama ni Mr. Atong Ang yan.
06:03Pinalagan ng kampo ni Barreto ang pagdawit sa kanya.
06:06We deny it. She denies it.
06:09Categoryly.
06:10Dahil?
06:11Because the fact of the matter is,
06:15wala siyang kinalaman doon,
06:17wala siyang ginawa,
06:18wala siyang sinabi
06:19that connects with the disappearance of the sapongeros.
06:22Kahit itinuturing ng suspect ng DOJ si Barreto,
06:26iginiit ng kanyang abogado na wala pa rin matibay na ebidensya laban sa aktres.
06:30Yung sinabi ni Secretary Remolia,
06:32naiintindihan ko,
06:34nang ibig niya lang niyang sabihin
06:35na tinuturin niyang suspect si Ms. Gretchen Barreto
06:39ay dahil siya'y pinalanganan ng whistleblower.
06:44I'm very confident
06:46na magkakaroon pa ng investigation.
06:49May sumubok daw mangikil
06:50para maalis ang pangalan ni Barreto
06:52sa listahan ng mga dawit sa kaso.
06:54Sinasabi na just pay off.
06:56Nakipag-usap ka na,
06:57makipag-usap, makipag-deal ka na.
07:01And you mentioned that
07:03you think that the whistleblower is part of this?
07:05I think, I think he must have been.
07:08Dahil?
07:09Dahil the person who made the proposition
07:13must also connect it to the whistleblower.
07:17Wala pa raw formal na sapina
07:19o summons mula sa Department of Justice
07:21na natatanggap ang kampo ni Gretchen Barreto.
07:24Gayunpaman, tiniyak ng kampo niya
07:26na bukas sila sa investigasyon
07:27at handang makipagtulungan
07:29dahil wala raw silang tinatago.
07:31Giit pa ng abogado ni Barreto,
07:33mag-business partners lang
07:34ang aktres at si Ang.
07:36At posible raw na nadawid si Barreto
07:37dahil isa siyang investor
07:39at alpha member sa e-sabong operations.
07:41Bakit hindi yung mga ibang investors?
07:44Bakit yung mga ibang tao?
07:45Bakit si Ms. Gretchen?
07:47Kasi kilala siya.
07:48If there was really any involvement
07:50in the part of Ms. Barreto then,
07:52it would have surfaced noon-noon pa.
07:55Bakit ngayon lang?
07:56Bukod sa investors,
07:57idinadawit din ni Pati Dongan
07:59ang ilang polis na nasa payola raw ni Ang.
08:02Naitago pa ni Pati Dongan
08:04ang petty cash voucher
08:05na patunay umano ng mga binayad noon
08:07sa mga polis
08:08na lumigpit daw sa mga sabongero.
08:11Ang isang petty cash voucher
08:12na may halagang 200,000 pesos
08:14nakapangalan sa isang polis colonel.
08:162 million pesos naman daw
08:18para sa isang polis lieutenant colonel
08:20at mahigit 2.6 million pesos daw
08:22para sa isang unit ng PNP.
08:24Intel lang kasi nakalagay doon.
08:26Pag sinabing Intel,
08:28yun na yung 500,000,
08:29yun na yung bayad sa mga pinatay nila.
08:33Yung overall naman
08:34na kinukuha ng isang colonel,
08:37yun ang monthly niya,
08:382 million.
08:40Ano kapalit doon?
08:41Ba't yung binibigyan ng 2 million?
08:42Ay, yun na yun.
08:43Sa trabaho,
08:44yung protection lahat na.
08:47Yun yung,
08:48kumbaga,
08:48mas malaki yung colonel
08:50dahil mga tao niya yung nandun.
08:52Isinumitinan ni Pati Dongan
08:53sa mga otoridad
08:54ang mga petty cash voucher.
08:56Sabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulia,
08:59labing limang polis
09:00na isinasangkot sa pagkawala ng mga sabongero
09:02ang inilagay na sa restricted duty.
09:05Aminado si Remulia
09:06na hindi madali
09:07ang pag-imbestiga sa kaso.
09:08Mabigat lang talaga itong laban dito
09:10kasi nga sobrang daming pera
09:12at sobrang daming koneksyon.
09:15Actually, there are 20 people
09:16in the alpha list.
09:18Ang tinatawag na alpha list,
09:19yun yung alpha group
09:21ng E-Sabong.
09:24The alpha group is the main group
09:26that run the show at E-Sabong.
09:29Binigyan na na security
09:31ng PNP si Pati Dongan.
09:32Andiyan ng WPP nakaalalay lang
09:34but so far,
09:36the security is under General Torre.
09:38May impormasyon na ang DOJ
09:40kung saan sa Taal Lake
09:41posibleng tinapon ang mga nawala.
09:43Nagpapatulong pa rin sila
09:44sa Japanese government
09:45para sa kanilang remotely operated vehicles
09:48na pwedeng sumisid
09:49at lumikha ng mapa ng lakebed.
09:52Viral ang naranasang diskriminasyon
09:55ng isang PWD commuter.
09:57Dahil hindi halata ang kanyang kondisyon,
09:59pinaringgan siya ng kapwa-pasahero
10:02na huwag umupo sa priority seat.
10:04Ang babalarian ng National Council
10:06on Disability Affairs
10:08sa report ni Vaughan Aquino.
10:18Ito ang paninig
10:19ng mga pasahero
10:20kay Julian Takbad
10:21nang pumasok at tumupo siya
10:22sa priority seat
10:23ng LRT Line 1.
10:25Sa social media post,
10:26ikinuwento ni Julian
10:27ang karanasan
10:28sa dalawang pasahero
10:29na nagtangkang
10:30magpatayo sa kanya.
10:32Naihilo raw siya
10:33kaya hindi tumayo
10:34at itinuro ang bakanteng upuan.
10:36Pero hindi rin naman daw ito
10:37inukupan
10:37ang mga nagpapatayo sa kanya.
10:40Si Julian,
10:41may congenital cataract noon.
10:43Person with disability
10:44o PWD siya
10:45dahil umabot sa
10:461,150
10:47ang grado
10:48ng kanyang mata.
10:50Sinabi rin daw niya
10:50na isa siyang PWD
10:52pero sabi raw
10:53ng isang pasahero
10:54na kapag visual disability
10:55lang naman
10:56ay huwag nang umupo.
10:58Dito na niya
10:58ni record ang pangyayari.
11:00Ipinakita namin
11:01ang video ni Julian
11:02sa National Council
11:03on Disability Affairs
11:04o NCDA.
11:05Sabi nila,
11:06may paglabag sa batas
11:08ang mga pasahero
11:08ang nagparinig kay Julian.
11:10Ang mapapatunayang lumabag
11:32maaring makulong
11:33ng 6 na buwan
11:34hanggang dalawang taon
11:35at pagmultahin
11:36ng 50,000
11:37hanggang 200,000 pesos.
11:38Ayon sa NCDA
11:40ang mga disability
11:41ay nahati sa dalawang kategorya
11:43ang apparent
11:44o nakikita
11:45sa physical na anyo
11:46ng tao
11:46at non-apparent
11:47o yung hindi nakikita.
11:49Minsan po
11:50hindi natin nakikita
11:51especially yung
11:52yung apat
11:53yung sa mental
11:53psychosocial
11:55you have also
11:56learning
11:57and intellectual.
11:58Nakikita man o hindi
12:00ang kapansana
12:00ng isang tao
12:01paalala ng NCDA
12:02sa publiko
12:03maging marespeto
12:04sa mga individual
12:05na gumagamit
12:06ang mga priority lanes
12:07seat
12:08o anumang PWD facility.
12:10Pag nakita mo
12:11na may umuupo doon
12:12there is always
12:13a presumption
12:14of regularity
12:15that that person
12:16is a person
12:16with disability.
12:18Now ngayon
12:18kung non-apparent
12:20and then
12:20non-apparent
12:22and really think
12:23na hindi siya
12:23person with disability
12:24you can always ask
12:25the identification card
12:28or what type
12:28of disability
12:29but make sure
12:30that you have
12:31the authority
12:31to ask
12:32kasi siyempre
12:33kung parang
12:34ang datingan
12:35ng pag-ask mo
12:36is pangungut siya
12:37and that's already
12:38violative.
12:39Ang mga PWD
12:40na makakaranas
12:41ng diskriminasyon
12:42at pangungutiya
12:43maaring humingi
12:44ng tulong
12:45sa Persons with Disability
12:46Affairs Office
12:47ng kanilang LGU
12:48at i-report
12:49ang insidente.
12:51Von Aquino
12:51nagbabalita
12:52para sa
12:53GMA Integrated News.
12:58Buksan mo
12:59sa pahin
12:59ang tungkol sa akin.
13:02Aking susubukan
13:03kabahalan.
13:04Tapos na ang
13:05journey ni Michelle D
13:06bilang si Hara Cassandra
13:08pero updated pa rin siya
13:09sa Encantadia Chronicles
13:11Sangre.
13:12Napansin nga niyang
13:12tila ibang libro
13:13ang nabuklat
13:14ni Nunong Imau
13:15nang mag-flash sa screen
13:17ang mga eksena nila
13:18ni Rian Ramos
13:19sa pinagbidahan nilang
13:20episode sa
13:21Magpakailanman.
13:25Reunited naman
13:26sa outside world
13:27ang ex-PBB
13:28housemates.
13:30Sumakses ng araw sila
13:31dahil hindi na munggo
13:33ang kanilang pagkain.
13:35May separate meet-up
13:36naman sina
13:36Dustin Yu
13:37at house guest
13:38slash BFF
13:39na si David Licauco.
13:42Habang ang
13:42Shukla at
13:43Dusty Duo
13:44atake
13:45ang pagpapasaya
13:46sa It's Showtime.
13:48O-A!
13:49Apa ka O-A!
13:50Eto nga pala yung
13:51tinapakad ko
13:52nandito na sila!
13:55Bukas
13:55ang big night
13:56ng PBB.
13:57Magkakaalaman na
13:58kung sino sa duo
13:59ni Nachares,
14:00Rawi,
14:01Azver
14:02at Breka
14:03ang tatanghaling
14:04big winner.
14:04Ano kiniklaim mo?
14:09Nauna ka?
14:11Nauna kayo
14:12nagkaanak?
14:12Uy,
14:12ba't di ka
14:13pinakasalan?
14:15Mag-isip ka!
14:16Bakit hindi ka
14:16pinakasalan?
14:17Ako pinakasalan?
14:18Usap-usapan
14:19sa social media
14:20ang galit na galit
14:21na patutsada
14:22ni Gladys Reyes
14:22at ang emosyonal
14:24na paglalahad
14:24ni Vina Morales.
14:26Ako si Phelma.
14:28Isa akong babae na
14:29na nagtiwala
14:33sa pagmamahal
14:36ng
14:36ka-lif and partner niya.
14:39Hindi na niya
14:40sinasagot
14:40yung mga tawag ko.
14:45Nalaman ko na lang
14:46may nabunti siyang iba.
14:53Yan ang pinakasalan niya.
14:56Ha-ha-ha-ha-ha-ha.
14:58Ang intriguing posts
15:00halos paniwalaan na
15:01ng netizens
15:02pati ng ibang artista.
15:04Kalma lang
15:05dahil in-character lang daw
15:06ang mga premiyadong aktres
15:08sa upcoming serye
15:09na Cruise vs. Cruise.
15:13Veteran showbiz columnist
15:15na si Lolit Solis
15:16pumanaw sa edad na 78.
15:19Ayon sa kanyang anak
15:20na si Sneezy
15:21inatake sa puso
15:22ang ina
15:22habang nasa ospital.
15:24Bumuhos naman
15:24ang pakikiramay
15:25para kay Solis
15:26mula sa mga
15:27nakasama niya
15:28sa industriya.
15:29Atina Imperial
15:30nagbabalita
15:31para sa
15:31GMA Integrated News.
15:37Bago ngayong gabi,
15:39sumiklab ang sunog
15:40sa isang warehouse
15:41sa barangay pinagbuhatan
15:42sa Pasig City.
15:43Ayon sa Bureau of Fire Protection,
15:45nasa ikatlong alarma
15:46ang sunog
15:46na nagsimula
15:47pasado alas 7 ng gabi.
15:49Pahirapan ang pag-apula
15:50dahil sa mga
15:51nakaimbaks sa bodega
15:53habang naipit naman
15:54sa mabigat na trapiko
15:56ang mga bumbero.
16:06May dalawang kuweba
16:07sa Kamalig Albay
16:09na hinulma
16:10hindi lang ng kalikasan.
16:12Ang isa rito
16:12saksipa sa kasaysayan,
16:15silungan noong
16:15pandahigdigan-digmaan
16:17at puok libangan
16:18sa rehimen
16:19ng diktadura.
16:20G, tayong mag
16:21Cave Explorations Report
16:23ni Rafi Tima.
16:27Sa mga buron
16:28ng Kamalig Albay,
16:29may mga kwentong
16:30nakakobli.
16:32Cave Secrets.
16:37But not anymore
16:38dahil di naman
16:39ig-gatekeep ang mga ito.
16:41Sa pagtukla
16:42sa unang kuweba,
16:43madadaanan
16:43ang puno ng balete
16:44na sandang taon
16:45na raw.
16:49Iba yung ingat,
16:50pababa ang daraanan.
16:54Hanggang sa marating
16:55ang solong
16:55Crystal Cave.
16:58Sa pagtingal
16:59at pagyuko,
17:00literal na puno
17:01ng kristal
17:01ang kuweba.
17:05Isa pang
17:05kamanghamanghang
17:06tanawin,
17:07ang rock formation
17:08na Hugis Pagong.
17:09Ayun yung ulo niyo.
17:11Oo nga, no?
17:13Anong-ano niya?
17:14Brown turtle.
17:15Ilang minuto
17:18na ang pagitan
17:18sa isa pang kuweba,
17:20literal na may
17:20nagtago.
17:21Sobrang liit
17:22kasi ng pasukan
17:23sa huyop-huyopan cave
17:24na naging taguan
17:25naman noon
17:26noong World War II.
17:27Mahirap daw
17:27makita yung cave
17:28na yan eh.
17:29kasi yung entrance niya
17:30sa taas.
17:33Oo, yung dinaano namin,
17:35man may hole na lang yun.
17:38Sa pagpunta
17:39sa mga kuwebang ito,
17:40ang pamasyal,
17:41may kasama na ring
17:42aral.
17:43It is refreshing,
17:44relaxing
17:45kapag napunta ka na doon
17:46and marami tayong matutunan
17:49historically.
17:52Rafi Tima
17:53nagbabalita
17:54para sa
17:54GMA Integrated News.
17:56Yan po,
17:59ang State of the Nation
18:01para sa mas malaking misyon,
18:03para sa mas malawak
18:04na paglilingkod sa bayan.
18:06Sa ngala ni Atom Araulio,
18:08ako po si Marise Umali
18:09mula sa GMA Integrated News,
18:11ang News Authority
18:12ng Pilipino.
18:15Huwag magpahuli
18:16sa mga balitang
18:17dapat niyong malaman.
18:18Mag-subscribe na
18:19sa GMA Integrated News
18:21sa YouTube.
18:26Sous-titrage ST' 501

Recommended