Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
Viral ang naranasang diskriminasyon ng isang PWD commuter. Dahil hindi halata ang kaniyang kondisyon, pinaringgan siya ng kapwa pasahero na huwag umupo sa priority seat! Ang babala riyan ng National Council on Disability Affairs, sa report ni Vonne Aquino.




State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Viral ang naranasang diskriminasyon ng isang PWD commuter.
00:05Dahil hindi halata ang kanyang kondisyon,
00:07pinaringgan siya ng kapwa-pasahero na huwag umupo sa priority seat,
00:12ang babalarian ng National Council on Disability Affairs sa report ni Von Aquino.
00:17Ito ang paninig ng mga pasahero kay Julian Takbad
00:28nang pumasok at tumupo siya sa priority seat ng LRT Line 1.
00:33Sa social media post, ikinuwento ni Julian ang karanasan sa dalawang pasahero
00:37na nagtangkang magpatayo sa kanya.
00:39Naihilo raw siya kaya hindi tumayo at itinuro ang bakanteng upuan.
00:43Pero hindi rin naman daw ito inukupan ang mga nagpapatayo sa kanya.
00:46Si Julian, may congenital cataract noon.
00:50Person with disability o PWD siya dahil umabot sa 1,150 ang grado ng kanyang mata.
00:57Sinabi rin daw niya na isa siyang PWD pero sabi raw ng isang pasahero
01:01na kapag visual disability lang naman ay huwag nang umupo.
01:05Dito na niya ni record ang pangyayari.
01:07Ipinakita namin ang video ni Julian sa National Council on Disability Affairs o NCDA.
01:12Sabi nila, may paglabag sa batas ang mga pasaherong nagparinig kay Julian.
01:17Doon sa mga nag-redicule, which is a violative of Republic Act 9442 as amended by Republic Act 10754.
01:29And it's also a violative of our Magna Carta, yung Republic Act 7277 on vilification po.
01:36Kasi may public ridicule nga.
01:37Ang mapapatunayang lumabag, maaaring makulong ng 6 na buwan hanggang 2 taon
01:42at pagmultahin ng 50,000 hanggang 200,000 pesos.
01:46Ayon sa NCDA, ang mga disability ay nahati sa dalawang kategorya.
01:51Ang apparent o nakikita sa physical na anyo ng tao
01:54at non-apparent o yung hindi nakikita.
01:57Minsan po, hindi natin nakikita, especially yung apat, yung sa mental, psychosocial,
02:03you have also learning and intellectual.
02:05Nakikita man o hindi ang kapansana ng isang tao, paalala ng NCDA sa publiko,
02:11maging marespeto sa mga individual na gumagamit ang mga priority lanes, seat o anumang PWD facility.
02:17Pag nakita mo na may umuupo doon, there is always a presumption of regularity
02:23that that person is a person with disability.
02:25Now ngayon, kung non-apparent and then non-apparent and really think na hindi siya person with disability,
02:31you can always ask the identification card or what type of disability,
02:37but make sure that you have the authority to ask.
02:40Kasi syempre kung parang ang datingan ng pag-ask mo is pangungut siya and that's already violative.
02:46Ang mga PWD na makakaranas ng diskriminasyon at pangungutiya,
02:51maaring humingi ng tulong sa Persons with Disability Affairs Office ng kanilang LGU
02:56at i-report ang insidente.
02:58Von Aquino nagbabalita para sa GMA Integrated News.
03:02Huwag magpahuli sa mga balitang dapat niyong malaman.
03:06Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube.

Recommended