Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 5/30/2025
Hiling ng biyuda ng napaslang na si Dating Negros Oriental Gov. Roel Degamo na pabilisin ang paglilitis at pagresolba sa kaso ng pagpatay ngayong hawak na ng nbi ang inaakusahang mastermind na si Dating Congressman Arnie Teves. May report si Saleema Refran.


State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Hiling ng byuda ng napaslang na si dating Negros Oriental Governor Roel Legamo
00:04na pabilisin ang paglilitis at pagresolva sa kaso ng pagpatay.
00:09Kayong hawak na ng NBI, ang inaakusahang mastermind na si dating Congressman Arnie Tevez.
00:15May report si Salima Refran.
00:20Pasado alas 11 kagabi, lumapag sa Villamore Air Base sa Pasay ang eroplanong Lulan si dating Congressman Arnie Tevez.
00:27Pantay sarado siya, naka-bulletproof vest, kevlar helmet at nakaposas nang dalhin sa NBI sa Pasay
00:34kung saan siya sumalang sa medical check-up, booking procedures at kinuna ng mugshot.
00:40Si Tevez ang tinuturong nagpapatay kay dating Negros Oriental Governor Roel Legamo
00:45at siyam na iba pa noong March 4, 2023.
00:49Idinadawit din siya sa iba pang pagpatay sa probinsya.
00:52Nang iharap siya ng NBI sa media kaninang umaga, sinabi ni Tevez na gusto na niyang tapusin ang mga kaso laban sa kanya.
01:00At least, matapos na rin.
01:04Dahil kahit nung nandun ako, inisip ko, kung hindi man ako umuwi, haharapin, kailangan pa rin ito matapos.
01:10Iginagulat daw niyang pag-aresto sa kanya, lalot meron pa siyang application for asylum.
01:15Of course, malukot ako dahil siyempre makukulong ako kahit hindi pa, diba, dito kasi makukulong ka kahit hindi ka pa convicted, no?
01:26Sa pakipag-usap nga ng ating presidente, Pangulong Bongbong Marcos, sa presidente ng Timor Leste,
01:35napag-isip-isip nila na oo nga, si Congressman Tevez has been staying in their country for two years na undocumented.
01:48So tapos na-realize din siguro nila that Congressman Tevez is facing several crimes before our court here.
01:58Para mapa-deport at maibalik sa Pilipinas si Tevez, may mga kundisyong inilatag ang Timor Leste.
02:03Kabilang sa nakasaad sa Certificate of Handover, hindi dapat masintensyon si Tevez ng death penalty.
02:11Hindi dapat makaranas ng torture.
02:13Kailangan may akses sa kanyang abugado o pangangailangang medikal.
02:17Dapat patas at isinasa publiko ang pagdilitis at hindi politically motivated.
02:23Yun naman ang legal system natin. We told them that already. That's why they put it there.
02:27So there was nothing new in that document.
02:29Dinala na si Tevez sa NBI detention facility sa loob ng New Belipid Prison.
02:34Doon muna siya hanggat walang commitment order ang korte.
02:38Si incoming Congresswoman Janice Negamo, umaasang magkakaroon ng marathon hearings para sa kasong pagpatay sa kanyang asawa.
02:46Yung ibang kaso po ng murder, katulad ng nangyari sa Ampatuan case, it took them 10 years para mailabas yung decision ng court.
03:00And that will be a very long wait.
03:02Kaya tinitignan namin yung angles na kung saan pwedeng mas mapabilis po yung paglilitis.
03:09Sa ngayon, umiiral pa rin ang freeze order sa mga ari-arian at bank account ni Tevez bilang designated terrorist ng Anti-Terrorism Council.
03:19Sa Nima Refra, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
03:39Sa Nima Refra, nagbabalita para sa GMA Integrated News.

Recommended