Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 5/26/2025
Mahigit limandaan ang nasita sa unang araw ng pagbabalik ng No-Contact Apprehension Policy sa Metro Manila. Ang polisiyang 'yan, pati ang pagbabalik ng Odd-Even Scheme, gagamitin para ibsan ang inaasahang hebigat na trapiko oras na simulan ang pagkumpuni sa EDSA sa Hunyo. May report si Joseph Morong.




State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mayigit 500 ang nasita sa unang araw ng pagbabalik ng No Contact Apprehension Policy sa Metro Manila.
00:07Ang polisiyang iyan, pati ang pagbabalik ng Odd Event Scheme,
00:10gagamitin para ibsan ang inaasang heavy gut na trapiko,
00:14oras na simula ng pagkukumpuni sa EDSA sa Junio.
00:17Periport Joseph Moro.
00:22Unang araw ngayon ang pagbabalik ng No Contact Apprehension Policy o NCAP sa Metro Manila.
00:27Umiira lamang ito sa mga kalsadang saklaw ng MMDA,
00:31mga circunferential road gaya ng Recto, Araneta Avenue, EDSA, Tandang Sora,
00:36at mga regional road tulad ng Roas Boulevard, Taft Avenue, Quezon Avenue, Commonwealth, Rizal Avenue, at Marcos Highway.
00:43Nasa 327 CCTV camera na may artificial intelligence
00:47ang nakamonitor sa mga naturang kalsada para raw madetect ang mga paglabag
00:51na di na kailangang pisikal na masita ng mga traffic enforcer.
00:551,000 na mga additional camera ang balak ding ni-install.
00:59May traffic enforcer naman sa mga lugar na walang camera.
01:02Ngayong araw, as of 4pm, 582 ang mga nasa tagaya ng dipagsunod sa mga traffic sign
01:08at pagdaan sa EDSA busway.
01:11Malayo raw ito sa halos 4,000 violator noong nakaraang lunis.
01:15Layon daw ng NCAP na madisiplina ang mga motorista,
01:18masagpuong kotong, at mapabilisan daloy ng trapiko.
01:21Kasama nga ang NCAP sa mga diskarteng pampabawas trapiko
01:25sa paghulong ng EDSA rebuilding sa June 13.
01:28Babakbakin ito at gagawin daw flood-free.
01:31Gagastusan daw ito ng lagpas 8 bilyong piso.
01:34Pero hindi muna gagalawin ang mga overpass at underpass.
01:37Pugungkalin po natin yung existing pavement sa EDSA.
01:40Papalitan po natin ng bago.
01:43Bagong pavement na matibay.
01:49We will adapt actually yung latest technologies on concrete mix
01:56at saka yung on top of the concrete mix pala na gagawin natin.
02:01Lalagay tayo ng running surface na makapal-kapal na asphalt.
02:06Para smooth yung traffic.
02:09Unang tutongkabin ang kabilaan ng EDSA bus lane
02:12mula Pasay hanggang Guadalupe, Makati.
02:14Dahil ahaharangan ang mismong bus lane sa kabilang lane
02:17muna padaraanin ang mga bus.
02:20Kaya pa rin itong magbaba at magsakay ng mga pasahero
02:23sa mga nakagawi ang estasyon.
02:25Mababawasan naman ang lane ng mga regular na motorista.
02:28Desyembre target matapos ng DPWH ang EDSA bus lane.
02:32Kapag natapos na po yung inner lane,
02:34ibabalik na po ulit ang busway doon sa inner lane
02:37at susunod naman yung outer lane.
02:41Magkakaroon muna ng dalawang lingyong paghahanda
02:43ng mga makinary at materyales sa EDSA.
02:46Kokos na yan ang traffic kasi may movement na dyan ng equipment,
02:50yung pag-a-adjust ng barriers at paglalagay ng barriers.
02:55Meron ng obstruction yan.
02:57Para maiwasan ng karmagi doon,
02:59ibabalik sa EDSA ang odd-even scheme.
03:02Sa ilalim nito,
03:03ang mga plakang nagtatapos sa 1, 3, 5, 7, at 9 na odd numbers
03:07bawal dumaan sa EDSA kapag lunes, miyerkules, at biyernes.
03:11Kung nagtatapos naman sa 0, 2, 4, 6, at 8 na even numbers,
03:16bawal sila sa Martes, Huwebes, at Sabado.
03:19Walang odd-even scheme paglinggo
03:21at kung tatawid lamang ng EDSA,
03:23hindi ihuhulihin.
03:24Exempte din ang mga hybrid car, electric vehicle, at mga TNVS.
03:29Simula June 16,
03:31magkakaroon ng isang linggo na dry run
03:33ang MMDA para doon sa odd-even scheme
03:36na ipatutupad dito lamang sa EDSA
03:39habang nire-rebuild ito.
03:40Bukod pa ito doon sa meron tayo
03:42na number coding scheme.
03:44At ang sabi ng MMDA,
03:46NCAP na ang gagamitin nila na panghuli.
03:49Makasanayan muna
03:50or sisitahin namin
03:52pero hindi po kami mag-i-issue ng ticket.
03:54Sa June 23,
03:56sisimula ng paninikit.
03:5724-7 ang odd-even scheme
03:59pero posible raw magkaroon ng window hours.
04:02Bilang pang-contra traffic din
04:03sa gitna ng EDSA rebuilding,
04:05gagawing libre ang toll
04:06sa ilang segment ng Skyway.
04:09Shared lane naman muna
04:10ang mga rider at siklista.
04:12Dagdag isandaang bus sa EDSA busway,
04:14dagdag train sa MRT,
04:16at ban sa mga provincial bus,
04:18truck na mga perishable goods,
04:19aviation fuel at basura
04:21maliban sa window hours
04:22na 10pm hanggang 5am.
04:25Joseph Morong,
04:26nagbabalita para sa GMA Integrated News.
04:31Huwag magpahuli sa mga balitang
04:33dapat nyong malaman.
04:34Mag-subscribe na
04:35sa GMA Integrated News
04:37sa YouTube.
04:46Hãy subscribe cho kênh La La School Để không bỏ lỡ những video hấp dẫn

Recommended