- 5/30/2025
- 12 bahay sa Lapu-Lapu City, nasunog; 140 residente, inilikas
- Mala-buhawing hangin at hailstorm, naranasan sa South Cotabato
- Pickup truck sa Naic, Cavite, sumalpok sa 5 nakaparadang tricycle; 2 sugatan
- Ex-Rep. Arnie Teves, hawak na ng NBI matapos maibalik sa bansa; gusto na raw tapusin ang mga kinakaharap na kaso
- Pag-usog ng petsa ng presentation ng articles of impeachment vs. VP Duterte, ikinababahala ng ilang miyembro ng prosecution panel
- In Case You Missed It: MPOX sa Pilipinas; Kaso ng ketong; Bantay-taal
- Lullaby ni Baby Daez; Grand santacruzan; Red sternberg (1974-2025)
- Cart ng pares, barikada, at halaman, inirampa a la national costume ng magkakaibigan sa road show
State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: / gmanews
TikTok: / gmanews
Twitter: / gmanews
Instagram: / gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
- Mala-buhawing hangin at hailstorm, naranasan sa South Cotabato
- Pickup truck sa Naic, Cavite, sumalpok sa 5 nakaparadang tricycle; 2 sugatan
- Ex-Rep. Arnie Teves, hawak na ng NBI matapos maibalik sa bansa; gusto na raw tapusin ang mga kinakaharap na kaso
- Pag-usog ng petsa ng presentation ng articles of impeachment vs. VP Duterte, ikinababahala ng ilang miyembro ng prosecution panel
- In Case You Missed It: MPOX sa Pilipinas; Kaso ng ketong; Bantay-taal
- Lullaby ni Baby Daez; Grand santacruzan; Red sternberg (1974-2025)
- Cart ng pares, barikada, at halaman, inirampa a la national costume ng magkakaibigan sa road show
State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: / gmanews
TikTok: / gmanews
Twitter: / gmanews
Instagram: / gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00State of the Nation
00:06Makapal na usok ang bumalod sa residential area na yan sa Lapu-Lapu City sa Cebu.
00:21Nasa labing dalawang bahay ang nasunog ayon sa CDRRMO.
00:25Mahigit isang daang residente ang inilikas.
00:27Patuloy pang inaalam ang sanhit ng sunog.
00:34Sa Bulacan-Bulacan, nasawi ang magkapatid ng minordiyadad at pinsan nilang isang taong gulang matapos matrap sa bahay nilang nasunog.
00:43Bago lumaki ang apoy, nakita o manong nagliyab ang isang extension wire sa loob ng bahay.
00:48Inabot ng kalahating oras bago naapula ang sunog.
00:51It's been raining in Manila at asahang dadalas yan ngayong ayon sa pag-asa, habagat season na.
00:59Pero sa Pasay City, hindi lang maulan, naging maalikabok pa.
01:04May report si Tina Panganiban Perez.
01:05Nabagsakan ng mga sanga ang bubong ng tindahan ito sa Tupi, South Cotabato.
01:19Kasunod yan ang malabuhawing hangin doon na may kasamang ulat.
01:23Bukod sa tubig ulat, nagbagsakan din ang hailstones o butil-butil na yelo.
01:36Dahil sa nanalasang thunderstorm, isang taniman ng papaya ang nasira.
01:41Ayon sa Tupi Police, pitong bahay sa anim na barangay ang napinsala matapos mahulugan ang kahoy.
01:48Labing apat naman ang sugatan.
01:53Ngayong hapon, bumulaga ang malakas na ulan sa Metro Manila, gaya sa Makati City.
02:00Sa San Juan, na perwisyon ang ulan ang mga motorista sa Bonnie Serrano Avenue.
02:05Umulan din kanina sa Maynila.
02:07Gaya sa UST, ipinagpaliban na lang bukas ang baccalaureate mass ng graduating students.
02:13Abot hanggang Quezon City ang masamang panahon.
02:16Asahang dadalas na ang mga ito, lalo sa kanlurang bahagi ng bansa ngayong habagat season.
02:21Ayon sa pag-asa, dahil yan sa paghina ng easterlies o may init na hangin galing Pacific Ocean,
02:28maging ang mababang level ng southwesterly winds at frontal system.
02:33Pero hindi pa opisyal ang tag-ulan.
02:35Ayon sa pag-asa, posibleng ideklarayan sa susunod na dalawang linggo sa Pasay City.
02:40Hindi lang umulan kanina.
02:45Tila nagka-daw storm din.
02:48Ilang lugar kasi ang nabalot ng makapal na alikabok tulad ang Jocno Boulevard.
02:53Malapit lang ito sa Manila Bay na may kabikabilang reclamation project.
02:57Ayon sa pag-asa, ang pagdaan ng mga alikabok ay posibleng dahil sa haging dala ng southwest monsoon.
03:03Ngayong weekend, sa rainfall forecast ng Metro Weather, maaaring maging maulan sa Metro Manila.
03:10Bukas, asahan ang maulang umaga sa malaking bahagi ng Luzon at sa halos buong bansa pagsapit ng tanghali.
03:17Sa linggo, may tsyansa ng ulan sa kanlura ng Luzon at Wisayas at sa malaking bahagi ng Mindanao pagsapit ng hapon.
03:26Tina Panganiban Perez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
03:34Dalawa ang sugatan sa pag-araro ng pickup truck sa ilang nakaparadang tricycle sa Naikavite.
03:40Kinailangan pang barili ng mga pulisang sasakyan para mapahinto.
03:45Yan ang spot report ni Jonathan Andad.
03:50Humaharurot ang pickup truck na yan sa Naikavite na kumabig pa kanan at tinumbok ang mga nakaparadang tricycle.
03:57Pero imbes na huminto, umatras ito at tinatatakas.
04:00Agad namang rumisponde ang dalawang pulis na tsyempong kumakain noon sa kalapit na karinderiya.
04:06Isa sa kanila, tinutukan ng barilang pickup truck.
04:08Pero di pa rin ito huminto, kaya binaril na ng pulis ang gulong.
04:12Isang lalaki ang makikitang nakasakay sa likod o camper ng pickup truck.
04:16Hanggang sa muling umatras ang sasakyan, pumaikot, saka bumanga.
04:20Tuluyan lang itong napahinto ng muling barilin ng pulis.
04:24Pinababa nila ang limang sakay ng pickup truck.
04:27Hindi lang nakainom, kundi lasing talaga.
04:30Arestado ang driver na 62 years old.
04:32Sasagutin daw niya ang pagpapaayos sa limang tricycle at sa gasto sa ospital na mag-asawang sugatan na sakay noon ang isa sa mga tricycle.
04:39Sinampahan na siya ng mga reklamo.
04:41Sa Labo, Camarines Norte, isang delivery truck ang tumagilid matapos sumalpok sa kasalubong na kotse.
04:53Gate ng truck driver, kinain ang kotse ang linya niya, kaya napakabig siya sa manibela.
04:58Ligtas ang truck driver at pahinante niya.
05:00Sugatan at dinala sa ospital ang mga sakay ng kotse.
05:03Patuloy ang investigasyon sa disgrasya.
05:06Jonathan Andal, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
05:09Hiling ng byuda ng napaslang na si dating Negros Oriental Gov. Roel Legamo na pabilisin ang paglilitis at pagresolba sa kaso ng pagpatay.
05:20Kayong hawak na ng NBI, ang inaakusahang mastermind na si dating Congressman Arnie Tevez.
05:26May report si Salima Refran.
05:31Pasado alas 11 kagabi, lumapag sa Villamore Air Base sa Pasay ang eroplanong Lulan si dating Congressman Arnie Tevez.
05:38Pantay sarado siya, naka-bulletproof vest, kevlar helmet at nakaposas nang dalhin sa NBI sa Pasay kung saan siya sumalang sa medical check-up, booking procedures at kinuna ng mugshot.
05:51Si Tevez ang tinuturong nagpapatay kay dating Negros Oriental Gov. Roel Legamo at siyam na iba pa noong March 4, 2023.
06:00I-dinadawit din siya sa iba pang pagpatay sa probinsya.
06:04Nang iharap siya ng NBI sa media kaninang umaga, sinabi ni Tevez na gusto na niyang tapusin ang mga kaso laban sa kanya.
06:12At least, umaano na rin. Matapos na rin. Dahil kahit nung nandun ako, inisip ko, kung hindi man ako umuwi, haharapin, kailangan pa rin ito matapos eh.
06:21Iginagulat daw niya ang pag-aresto sa kanya, lalot meron pa siyang application for asylum.
06:26Of course, malukot ako dahil siyempre makukulong ako. Kahit hindi pa, diba, dito kasi makukulong ka kahit hindi ka pa convicted, no?
06:37Sa pakipag-usap nga ng ating presidente, Pangulong Bongbong Marcos, sa presidente ng Timor-Leste,
06:46napag-isip-isip nila na oo nga, si Congressman Tevez has been staying in the country, in their country, for two years na undocumented.
06:58So, tapos, na-realize din siguro nila that Congressman Tevez is facing several crimes before our court here.
07:09Para mapa-deport at maibalik sa Pilipinas si Tevez, may mga kundisyong inilatag ang Timor-Leste.
07:15Kabilang sa nakasaad sa Certificate of Handover, hindi dapat masintensyon si Tevez ng death penalty.
07:22Hindi dapat makaranas ng torture. Kailangan may akses sa kanyang abogado o pangangailangan medikal.
07:28Dapat patas at isinasa publiko ang paglilitis at hindi politically motivated.
07:34Yun naman ang legal system natin. We told them that already. That's why they put it there.
07:38So there was nothing new in that document.
07:41Dinala na si Tevez sa NBI detention facility sa loob ng New Belivid Prison.
07:45Doon muna siya hanggat walang commitment order ang korte.
07:48Si incoming Congresswoman Janice Negamo, umaasang magkakaroon ng marathon hearings para sa kasong pagpatay sa kanyang asawa.
07:57Yung ibang kaso po ng murder, katulad ng nangyari sa Ampatuan case, it took them 10 years para mailabas yung decision ng court.
08:11And that will be a very long wait. Kaya tinitignan namin yung angles na kung saan pwedeng mas mapabilis po yung paglilitis.
08:20Sa ngayon, umiiral pa rin ang freeze order sa mga ari-arian at bank account ni Tevez bilang designated terrorist ng Anti-Terrorism Council.
08:29Sa Nima Refra, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
08:41Nababahala ang ilang membro ng prosecution panel sa pag-usog ng Senado sa petsa ng presentation ng Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
08:51Tingin ni incoming Partylist Rep. Laila de Lima, bakahakbang ito para hindi matuloy ang impeachment trial.
08:58Tinatanggap naman ni Congressman Lorenz Defensor ang pagbibigay prioridad ng Senado sa mga nakabimbing panukala bago mag-adjourn ang 19th Congress sa June 14.
09:10Pero di raw maganda sa demokrasya at himahen ng Senado ang delay sa impeachment trial.
09:15Si Senate Minority Leader Coco Pimentel, kinekwestyon kung bakit nagbago na naman ang schedule,
09:22gayong base raw sa rules of impeachment, kapag nagsabay ang impeachment at legislative matters, mas prioridad dapat ang impeachment.
09:30Sinusubukan pa ng GMA Integrated News na makuhang panig si Senate President Cheese Escudero.
09:35Do you wish nilinaw na wala pang naitala sa Pilipinas ng MPAX Clade 1D, ang variant na may public health emergency na international concern.
09:50Ayon kay Health Secretary Ted Adbosa, taging MPAX Clade 2 na milder variant ay nasa Pilipinas ngayon.
09:57Sa Iloilo, nakarecover na ang isang pasyente yung nagpositibo sa MPAX.
10:01Sa Kotabato, ipinatapad naman ang mandatory na pagsisuot ng face mask sa mga ospital para maiwasan ang pagkalat ng MPAX.
10:10Maygit apat na rangkaso ng leprosy o ketong na itala sa Region 10 noong 2024.
10:17Kaya sa Iligan City, isa nagwa ang Kilatis-Kutis Campaign, isang malawakang libreng konsultasyon para sa mga sakit sa balat kabilang na ang leprosy.
10:26Minor phreatic eruption na itala sa bulkan Taal kagabi.
10:32Tumagal yan ng apat na minuto.
10:34Nananatili pa rin sa Alert Level 1 ang bulkan.
10:37Ipinagbabawal pa rin ang pagpunta sa Taal Volcano Island.
10:41Joseph Morong, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
10:44New parents na sina Megan Young at Mikael Daez.
10:5490s hit song ang pang-lullaby sa kanilang baby.
10:57That is what you call beautiful singing.
11:01Vintage music.
11:04Christine Julian o CJ Opiaza,
11:07kukoronahan bilang bagong Miss Grand International sa June 3 sa Bangkok, Thailand.
11:12Si CJ ang first runner-up at hahalili sa nag-resign na si Rachel Gupta ng India.
11:18Bago yan,
11:20Romampa si CJ sa Grand Santa Cruzan ng Padaraw Festival sa Bulan, Surusugon.
11:27Kasama niya ang iba pang beauty queens tulad ni Miss Universe Philippines 2020 at sparkle artist Rabia Mateo.
11:35Red Sternberg, pumanaw sa edad na 50 nitong Martes.
11:40Kinumpirma yan ng kanyang misis na si Sandy.
11:43Ngayon dapat ang sanay 51st birthday ng dating aktor.
11:47Hindi idinitalye ang dahilan ng pagpanaw ni Red.
11:50Hiling nila ay dasal at privacy sa panahon ng kanilang pagluluksa.
11:55Nakilala si Sternberg sa 90s kapuso youth-oriented show na TGIS bilang si Kiko.
12:01Sa Instagram post ng direktor ng show na si Direk Mark Reyes,
12:05heartbroken daw ang buong TGIS barkada.
12:08Gaya ni Narika Peralejo na dati rin niyang naging partner on and off screen.
12:14Shara Soto, Angelo De Leon at Michael Flores.
12:18Obry Carampel, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
12:23Bida ngayong gabi ang magbabarkada na literal na ginawang roadshow ang eksena.
12:34Ang kalsada naging catwalk at inirampa ang kahit na anong nasa sidewalk.
12:39Pusuwan na yan sa report ni Oscar Oida.
12:45Upuan, halaman, dustpan at pulutan.
12:50Ginawang props sa sayawan pero umpisa pa lang yan ng matinding puksaan.
12:59Presenting Team Railing.
13:02Barikada ba naman ang nirampa?
13:04Nauwi na ang gimmick sa National Costume Competition.
13:10Push kong push sa pagkakwela.
13:13Push cart ang eksena.
13:16Cart Riona in Paris?
13:21Hala, hala, hala. Halaman ang dala.
13:25Nagsakasanga na nga ang katatawanan dahil sa mga pip-bit nila.
13:30Ang paandar na mga magkakaibigang yan sa Bloomin' Treat, Maynila.
13:38Di na raw bago.
13:40No plants were harmed daw.
13:42At naibalik naman ang kanilang mga ginamit.
13:46Sakto pang muli silang nagkita-kita dahil birthday ng kabarkada.
13:52Pagkikitang di kumpleto kung walang umiiyak sa kakatawa.
13:57Oscar Oida nagbabalita para sa GMA Integrated News.
14:02Yan po ang State of the Nation para sa mas malaking misyon at para sa mas malawak na paglilingkod sa bayan.
14:22Ako si Atom Araulio mula sa GMA Integrated News, ang news authority ng Pilipino.
14:27Huwag magpahuli sa mga balitang dapat niyong malaman.
14:33Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube.
Recommended
18:22
|
Up next