Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
- Kasisilang lang na sanggol, patay matapos maipit sa kadena at gulong ng motorsiklo habang ibinibiyahe pauwi


- SUV na minamaneho ng 13-anyos, bumangga sa van; mahigit 20 sugatan


- 9 sugatan sa pag-araro ng truck na nawalan umano ng preno sa 2 pang sasakyan


- In Case You Missed It: Floating shabu; Libreng sakay sa LRT 2; Itinalaga sa Vatican Dicastery


- DOE: Rollback, posible sa susunod na linggo kung tuloy-tuloy ang pagbaba ng presyo ng langis sa world market


- 'Alyas Rene' na tumestigo laban kay Pastor Quiboloy, binawi ang mga naunang alegasyon at sinabing binayaran lang umano siya


- Pag-pass out at kawalan ng kontrol sa katawan, epekto ng paglalasing bukod sa masama sa kidney, liver at pancreas


- Kakaibang Digmaan sa Lireo; #MgaBatangRiles, nag-ala Sang'gre


- Parada ng lechon, pinaniniwalaang nagsimula noong 1950's; nag-ugat sa pasasalamat


State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv

Facebook: / gmanews
TikTok: / gmanews
Twitter: / gmanews
Instagram: / gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00State of the Nation
00:06Bago ngayong gabi, patay ang isang kasisilang lang na sanggol na ibinabiyahe pa uwi mula sa ospital
00:17matapos maipit sa kadena at gulong ng motorsiklo.
00:21Babala, sensitibo po ang video.
00:24Makikita ang pinagtulungan ng mga rescuer at residente na tanggalin sa pagkakaipit ang sanggol.
00:30Ayon sa Tagkawayan Quezon Police, tatlong araw pa lamang mula nang isilang ang baby.
00:35Kalalabas lang sa paggamutan ng ina at sanggol at pauwi na sana sa Del Gallego Camarines Sur.
00:41Pero habang nakaangka sa motorsiklo na minamaneho ng kanyang live-in partner,
00:46lumailay ang kumot na nakabalot sa baby at sumabit sa kadena.
00:50Nahila ang buong kumot kasama ang sanggol at naipit siya.
00:55Doon huminto ang motorsiklo at nagpasaklolo ang mag-live-in partner.
00:59Nahirapang tanggalin ang sanggol sa pagkakaipit.
01:03Agad siyang dinala sa paggamutan pero dead on arrival na.
01:09Mahigit dalawang puang sugatan sa salpukan ng SUV at van sa San Juan La Union.
01:14Ang driver ng nakabangang SUV, Dalagitang 13 anyos lang.
01:19May report si John Consulta.
01:24Nayupi at nawasak ang harapang bahagi ng van at SUV na nagsalpukan sa San Juan La Union.
01:30Batay sa embesikasyon, SUV ang may kagagawa ng aksidente at ang nagmamaneho nito.
01:35Babaeng 13 anyos lamang.
01:37Itinakas lang umano ng Dalagita ang sasakyan sa kanilang bahay.
01:41May sakay siyang 14 anyos.
01:44Base sa embesikasyon, nagdirediretso ang SUV habang nasa pakurbang bahagi ng kalsada at sumalpok sa van.
01:50Itong SUV, napapunta ang self.
01:53Nag-import siya doon sa lane ng van.
01:58Kaya nabanggan niya po yung van.
02:00Sugatan ang 21 sakay ng van, kabilang ang mag-inang kritikal ang lagay.
02:05Sugatan din ang Dalagitang driver ng SUV at kasama niya.
02:09Pinabulaan na ng polis siya ang balibalitang nakainom daw ang mga minor na edad na sakay ng SUV.
02:14Hindi po sila nakainom.
02:15Kung baga talagang for curiosity sikla kaya tinuha nila yung sasakyan, drinive nila.
02:23Ibinigay na rin daw nila ang kusodihan ng dalawang minor na edad sa CSWD ng San Fernando City.
02:29Posibling managot ang magulang ng mga bata sa nangyari.
02:32Yung mga ganong mga edad siya, ang civil liability kasi ng siya, mapupunta sa magula.
02:38Yung magulang ng bata is very cooperative naman siya.
02:41Actually, very willing naman siya talaga na matipag-ayos kasi amidano naman siya na talagang wino.
02:46Dito, Joe.
02:47Ano?
02:48Sinisikap ng GMA Integrated News na kuna ng pahayag ang mga sangkot sa insidente.
02:53Alinsunod sa batas, maigpit na pinagbabawal ang magamaneho ng walang lisensya.
02:58Ang minimum age requirement sa pagkuhan ng student driver's permit o student license ay 16 years old.
03:04At kahit may permit na, hindi pa rin siya pwede magmaneho ng walang kasamang professional driver.
03:11John Consulta, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
03:19Nagpabigat sa daloy ng trapiko sa sumulong highway ang magkahiwalay na karambola.
03:25Siya mang sugatan sa nahulikam na pag-araro ng isang dump truck na nawalan umalo ng preno sa dalawa pang sasakyan.
03:31Ilang metro sa aksidente nga yan, nagbanggaan naman ng apat na sasakyan.
03:35Kaya nagreport ni Jamie Santos.
03:44Hagip ng CCTV ng isang gasolinahan ang pagtumbok ng dump truck sa isang kotse na nagpaikot-ikot sa sumulong highway sa barangay Mambugan, Antipolo City.
03:54Humintulang ang truck ng bumangga sa kasalubong na wingvan.
03:58Wasak na wasak ang harapan ng parehong dump truck at wingvan.
04:01Nagkabasag-basag din ang mga windshield.
04:04Galing Antipolo proper patungong masinag ang dump truck nang mawalan umano ng preno sa palusong na bahagi ng sumulong highway.
04:11Hindi rin umano gumana ang airbrake nito.
04:13Yung unang nasalpok niya na motor, dalawang mag-asawa po siya, bali ang naging brace niya po sa pangyayari, yung wingvan.
04:24Sham ang sugatan sa karambola ng sampung sasakyan kabilang ang tatlong motor, dalawang kotse, dalawang pampasadang kolong-kolong.
04:33Nagkalat din sa kalsada ang mga bote ng soft rings na karga ng airbrake na nadamay rin sa aksidente.
04:40Dahil sa aksidente, bumigat ang daloy ng trafiko sa sumulong highway.
04:43Ilang metro mula sa naunang karambola ng sampung sasakyan, isang air truck at tatlong kotse naman ang nagbanggaan pasado alas 7 ng gabi.
04:54Jamie Santos, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
05:03Halos 10 billion pesos na halaga ng droga, kabilang ang mga nalambat sa mga dagat sa ilang bahagi ng Luzon.
05:09Sinulog na.
05:10Sinaksiyan mismo yan ni Pangulong Bongbong Marcos sa isang disposal facility sa kapastarlak na islaw niyang matiyak na di na maibibenta ang mga nakumpiskang droga.
05:22LRT2, may libreng sakay hanggang bukas.
05:25Yan ay bilang pambawi sa technical glitch, busod ng problema raw sa transformers sa Santolan at Aronas.
05:32Ayos sa pamunungan ng LRT, full operations na ulit ang LRT2 bago magtanghali kanina.
05:40Dating Education Secretary Armin Luistro, itinalaga ni Pope Leo XIV na miyembro ng Dicastery for the Institutes of Consecrated Life and the Societies of Apostolic Life sa Vatican.
05:54June Venerasyon, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
05:57Bukas ay patutupad ang ikalawang bagsak ng price increase sa presyo ng produktong petrolyo.
06:052 pesos and 60 centavos sa kada litro ng diesel, 1 peso and 75 centavos sa gasolina, at 2 pesos and 40 centavos sa kerosene.
06:14Pero sabi ng Energy Department, posibleng magka-rollback sa susunod na linggo kung magtutuloy-tuloy ang naobserbahan nitong pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo sa world market nitong mga nakalipas na araw.
06:28Dahil dito, sabi ni Pangulong Bongbong Marcos, hindi na muna magbibigay ng fuel subsidy ang gobyerno sa mga PUV driver at operator.
06:36Binawi ng isang nagpakilalang alias Rene ang mga aligasyon laban kay Pastor Apolo Kiboloy at sa magamang Rodrigo at Sara Duterte.
06:48Sa isang video na pinost sa YouTube at Facebook account ng isang pagtanggol valiente, lumutang ang lalaking nagsasabing siya si alias Rene.
06:57Nagpakilala siya bilang si Michael Maurillo at binawi ang mga isinawalat niya sa pagdinig ng Senado ukol sa mga umano'y pang-aabuso sa mga miyembro ng Kingdom of Jesus Christ.
07:09Anya dinagdagan daw ng abogado mula sa opisina ni Sen. Teresa Ontiveros ang kanyang affidavit.
07:15Wala rin daw katotohanan ang sinabi niya na nakita niya ang magamang Duterte na may bitbit na mga baril sa pagali sa property ni Kiboloy sa Davao City.
07:25Sabi pa ni Maurillo, biniyaran siya ng isang milyong piso para sabihin ang mga bagay na ito.
07:30Pinatira din daw siya sa isang kondo noong panahon na yun.
07:34Sinusubukan pa ng GMA Integrated News na kunan siya ng pahayag pero wala pa siyang tugon sa ngayon.
07:41Tinawag naman ni Ontiveros na kasinungalingan ang mga sinabi ngayon nang nagpakilalang si alias Rene.
07:47Lahat daw ng witness na iniharap sa Senate hearing ay malaya at voluntaryong nagbigay ng testimonya at mga ebidensya.
07:56May rason daw ang senadora para maniwalang pinilit o binayaran ng taong ito para madiskarila mga criminal proceeding laban sa pastor
08:04at pagbantaan ng kanyang mga staff at iba pang witness na nagsalita laban kay Kiboloy.
08:10Tagahanda na ro'n sila ng legal na hakbang.
08:13Sinusubukan pa namin kunan ng panig si Kiboloy at ang mga Duterte.
08:22Nagpa-pass out ka ba kapag sobra ang tagay?
08:26Isa yan sa mga masamang epekto sa katawan ng paglalasing.
08:30Ang FitRack, panoorin sa report ni Katrina Son.
08:39Toma rito. Toma roon. Ika nga nila, alak pa more. Gaano baka't hindi ang tama sa iyo ng kada laklak?
08:49Blackout po. Pag-iising ko, diwan na lang kung ano ka nakauwi.
08:52Tamang tulog lang.
08:53Sa pinakahuling datos noong 2023, nasa age bracket na 20 to 59 years old ang pinakamalaking percentage ng mga uminom ng alak.
09:03Pero pagdating sa binge drinkers o iyong naglalasing, halos dikit ang datos ng mga age bracket na 10 to 19, 20 to 59 at 60 and up.
09:13Si Cesar Rea, pamorningan daw sa pag-inom noong kabataan.
09:18Minom kami. Siguro mula umaga, mga alas 8. Natapos kami, alas 5. Alam mo, kung ilang gin ang nainom namin, sangkaw na gin.
09:31Pero noong minsan na lasing, nag-blackout siya at na-disgrash siya.
09:35Nagising ako, hospital na. Ito, ito lahat. Parang nasunog ba na third degree barn. Lahat yan, gas-gas, pati ito, ilay ko, yung muha ko.
09:47Mula raw noon, unti-unti niyang kinontrol ang konsumo ng alkohol hanggang naging sober.
09:54Si Abel, iniwasan daw na mapasobra sa inom at baka may gawing kakaiba.
09:59Ang diskarte raw niya para di mag-blackout. Kumain muna bago uminom.
10:05Para ano po, mayiwasan yung umakit sa ulo yung tama.
10:10Typical daw sa mga napasobra sa alak ang pagka-blackout o walang maalala at kawalan ng kontrol sa sarili.
10:18Once kasi na mataas yung ating alcohol content sa ating katawan, minsan kasi we feel na masyadong free.
10:25Parang ganun, no? We feel na masyado tayo. Parang kaya natin lahat, no? Parang ang lakas-lakas natin.
10:31May involuntary movements din daw ang taong lasing.
10:35Okay, nagkaroon talaga tayo ng mga additional movements.
10:38Like mga yung jerking, no? So nakaharoon talaga ng, alam mo yun, yung paggalaw ng ating mga muscles.
10:43Kaya nang involuntary. Kaya minsan, wasa lasing talaga tayo. May mga nagagawa talaga tayo at minsan nagsisipa tayo.
10:51Mas magaan talaga yung muscles natin.
10:54Delikado rin sa kalusugan ang labis na alkohol, lalo sa kidneys, liver at pancreas.
11:00Higit pa sa paalala na drink responsibly.
11:03Ang pinakamainam pa rin abiso sa publiko, stay away from alkohol.
11:09Pero dahil di rin maiwasan ang pag-inom, mainam daw na pampababa ng amats ang mainit na sabaw, kape o tubig.
11:17Agad namang dalhin sa ospital kapag unresponsive na.
11:21Katrina Son, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
11:28Mga reyna ng Lireo at Miniave.
11:32Nagtapatan sa kakaibang digmaan.
11:37Napasakamay ni Hara Cassandra na ginagampanan ni Michelle D.
11:42Ang trono ng Lireo ng magwagi laban kay Kera Mitena, played by Rian Ramos.
11:49Grateful daw si Michelle sa lahat ng wins, lalo sa magagandang reviews sa kanyang karakter sa Encantadia Chronicles Sangre.
11:58Iba talaga magmahalang Encantadix.
12:00And alam natin na malalim ang hugot nila sa every character that comes out.
12:06I have nothing but my gratitude to the network of course for the trust to play that.
12:12Cass ng mga batang Riles, nag-alasangre rin.
12:17Maliban kay Miguel na hindi yata nakatanggap ng memo.
12:21Barbie Forteza, nagulat sa dinadab niyang eksena para sa upcoming horror movie na P-77.
12:34Kira magdab na horror.
12:37Nagulat ako.
12:39War Santiago, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
12:45Hindi lang basta handa sa pista ang mga lechon sa Balayan, Batangas.
12:55Bida rin ang mga ito sa isang parada na may makulay na kasaysayan.
12:59Maki Pista Pinas sa report na ito.
13:04Tuwing kapistahan, hindi mawawala ang bida sa hapagkainan.
13:08Ang malinamnam, putok-batok at hinahanap-hanap na lechon.
13:18Tuwing Hunyo sa Balayan, Batangas, ala'e, hindi lang basta iniyahain ang lechon,
13:24kundi ipinaparada.
13:27Ito ang taunang parada ng lechon.
13:29Ang paglalichon ay isang sinaunang paraan ng pagpapasalamat sa sando.
13:36For example, ang ikaw ay nakapagpatapos ng koleyo,
13:44kumita ka sa pagsasaka, kumita ka sa pagmanging isda.
13:51Ang nagbabagang tradisyon nagsimula raw noong dekada 50
13:55nang may isang pamilyang nagikot ng buong lechon sa kanilang barangay
13:59nang mapagtapos sa pag-aaral ang mga anak.
14:02Mula sa simpleng handog, sumibol ang isang makulay na tradisyon.
14:08Ngayong taon, hindi lang isa o dalawa,
14:11kundi dosedose ng lechon ang ibinida sa kalsada.
14:15Bawat isa may kostyum.
14:18Pero bago'y parada,
14:19babusisi itong inihahanda na mga lechonero kaya ni Jepoy.
14:23Mahigit isang daang pamilya raw ang umorder sa kanya
14:26para sa pista ngayong taon.
14:28May bumili po sa akin.
14:30Ngayon po, natikma na gustuhan nila.
14:33Hanggat kumalat na po siya yung mga nakatikim po,
14:35naalaman na nagustuhan po nila yung lechon,
14:37na masarap po daw.
14:38Ito, nagsunod-sunod na po yung order.
14:41Matapos ang parada,
14:43magpanamig muna tayo sa masayang basaan.
14:45Mga paresidente o turista,
14:47kanya-kanyang dala ng water gun,
14:49balde, tabo, hose,
14:52at game na nakipagbasaan.
14:53Nagsimula lamang ng biruan ng mga maginginom,
14:57nagsasaboyin ng tubig,
14:59hanggang sa mabasa yung ibang tao.
15:00Kaya yung basaan o saboyin ng tubig
15:04ay isinama doon sa parada na lechon
15:08para maging mas masaya ang dating.
15:10Ang sabi naman ng elders na iba,
15:12to symbolize yung baptism ni Christ.
15:17Ang parada ng lechon,
15:19paalala ng nag-aalab na tradisyon
15:21na nagugat sa pasasalamat
15:23at layong maipadama
15:24ang pagkakaisa.
15:26Huwag magpahuli sa mga balitang dapat niyong malaman.
15:34Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube.
15:37Nag- packsa
15:45ng
15:50ba-

Recommended