00:00Higit 200 at 70 maliliit na negosyante sa Mimaropa, lumahok sa Smarter MSME Summit ng DOST.
00:08Ilang programa ng pamahalaan para sa kanila, tinalakay din sa summit.
00:12Si Noel Talakay sa Detalye Live. Rise and Shine, Noel.
00:19Patrick, nandito pa nga ako sa San Jose Occidental, Mindoro.
00:23At ngayong araw, ang ikatlong araw o panghuling araw ng 2025 Regional Science, Technology and Innovation Week ng Department of Science and Technology.
00:35At magpapatuloy din ngayong araw ang isang forum para doon sa mga maliliit na negosyante ng Mimaropa Region
00:42para bigyan sila ng idea kung ano ang kahalagahan ng isang makabagong teknulihiya para mapalago ang kanilang mga negosyo.
00:50Tutok at maiging nakikinig si Ray Rasgo sa mga tagapagsalita ng Smarter MSME Summit ng Department of Science and Technology o DOST.
01:03Kaya naman ngayong palang, meron na anya siyang naisip na isang pangkabuhayan na pwede niyang ilapit sa ahensya
01:09tulad ng Sustainability ng Siganid, isang uri ng isda sa Romblon.
01:15Kasi sa Romblon, marami kasi doon yung Siganidbak, yung Samaral.
01:21So ang ginagawa ko noon ay hinahuli ko at din inaalagaan sa fish cage.
01:27Kasi sayang naman ang maliliit pag ginagawa nilang bagoong.
01:30Bukod sa human consumption, nauubos din anya ito dahil sa sama ng panahon tulad ng bagyo.
01:37Kasi pagmisan, pag masama ang panahon, nahihirapan kami sa mag-ain.
01:43Isa lang si Rasgo sa mahigit 270 na MSMEs ng Mimaropa Region na nakilahok sa nasabing summit.
01:52Layon nito na matulungan ang mga MSMEs ng rehyon na magkaroon at lumago ang kabuhayan
02:00gamit ang makabagong teknolohiya, siyensya at inobasyon.
02:04Kaya naisip na Rasgo ang gumawa ng hatchery para sa Siganid at ang magiging feeds nito ay galing mismo sa natural resources ng Romblon.
02:16Para magkaroon kami ng hatchery, aside from the hatchery, magkakaroon kami ng grow out.
02:22Kasi doon sa amin marami doong kasaba, yung balihoy ba, marami rin doong mais, marami rin doong malunggay.
02:29So yun ang isa sa mga gagamitin namin na gawing feeds ba.
02:34Pinag-usapan sa nasabing summit ang Small Enterprise Technology Upgrading Program o Setup,
02:42isang programa ng DUST na tutulong sa mga MSMEs para ma-improve ang operasyon at mapalago ang produksyon
02:50gamit ang isang inobasyon at ang Innovation for Filipinos Working Distantly from the Philippines Program o IFWDPH Program.
03:01Ito naman ay para sa mga overseas Filipino workers na gustong magtayo ng negosyo sa Pilipinas
03:07na gamit ang makabagong teknolohiya o mga technology-based business at services nito.
03:14Merong anim na topic ang ibinahagi sa forum na tiyak mapupulutan ng aral ng mga MSMEs ng MIMAROPA.
03:22Ang Smarter Summit ay bahagi ng 2025 Regional Science, Technology and Innovation Week ng DUST.
03:30Kasalukuhin itong ginagawa sa Occidental Mindoro State College.
03:35Ayos sa DUST, ngayong araw magtatapos ang nasabing summit.
03:38Kasabay rin ito ang kanilang 2025 Regional Science, Technology and Innovation Week.
03:43Patrick, alam mo ba itong si Ray Rasgo ay isang professor sa Romblon State University.
03:52At sabi niya, hindi siya nagdalawang isip na umatend sa nasabing summit at uuwi siya ng maraming kaalaman
04:00at alam niya na kung paano siya matutulungan ng DUST.
04:03Ang Regional Science, Technology and Innovation Week ay hindi lang magtatapos dito, Patrick.
04:09Sa Occidental Mindoro, ayon sa DUST, ito ay iikot sa lahat ng rehyon ng bansa.