Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 5/23/2025
Nadagdagan pa ang mga pangalang lumulutang na posibleng maging senate president sa ika-20 Kongreso. Kasunod naman ng anunsyo ni Sen. Bato dela Rosa na may binubuong “Duterte Bloc” sa Senado, balak bumuo ni Sen. Risa Hontiveros ng isang “Independent Bloc.”


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nadagdagang pa ang mga pangalang lumulutang na posibleng maging Senate President sa ikadalawampung Kongreso.
00:08Kasunod naman ang anunsyo ni Sen. Bato de la Rosa na may binubuong Duterte Block sa Senado.
00:15Balak bumuo ni Sen. Arisa Ontiveros ng isang independent block.
00:21Nakatutok si Katrina Son.
00:22Sa gitna ng ugong ng pagpapalit ng Senate Presidency sa pagpasok ng 20th Congress sa Hulyo,
00:33naglabas ng pahayag ang kapatid ng Pangulo na si Sen. Aimee Marcos.
00:38Ayon sa kanya, may mga lumapit sa kanyang mga kapwa senador para himukin siyang sumubok maging Senate President.
00:45Hindi niya tinukoy kung sino ang mga kumausap sa kanya.
00:48Nauna ng lumutang ang pangalan ni Sen. Elect Tito Soto na siya raw hahamon sa liderato ng kasalukuyang Sen. President Cheese Escudero.
00:58Kinumpirma ni Sen. Elect Erwin Tulfo ang panliligaw ni Nasoto at Escudero para makuha ang kanyang suporta.
01:05Pareho raw siyang inimbitahan ng dalawa para personal na makausap.
01:09Kinangusap niya ako. Sabi niya, nagtahiwating naman talaga siya na gusto niya tumakbo as Sen. President.
01:16Sabi ko, sige boss, pero hindi pa ako nag-commit. I did not make any commitments.
01:22Ganon din kay Sen. Cheese. Nung tinawagan ako ni Sen. Cheese, sabi ko, sige po, I'll listen.
01:27Dagdag niya. Mahaba raw ang naging pag-uusap niya at ng kanyang kapatid na si Sen. Rafi Tulfo Ukol dito.
01:34Nag-uusap kami ni Sen. Rafi. Habahaban diskusyon namin kagabi.
01:38May gusto siya. Dalawa lang naman yan eh. Sen. Cheese at saka Sen. Soto.
01:45So, nag-uusap kami. Ito yung sabi niya. Ito yung gusto ko.
01:49Nauna ng sinabi ni Sen. Bato de la Rosa na nakatanggap rin siya ng text mula kay Escudero tungkol sa issue.
01:55Ang posisyon ng Sen. President ang ikatlong pinakamataas na pwesto sa pamahalaan.
02:00Malaking usapin din ito ngayon. Sa gitna ng nakaumang na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte,
02:07nagugulong na sa pagbabalik ng sesyon sa Junyo.
02:10Si Sen. Riza Ontiveros naman, sinabing kung ang Duterte bloc ang lalabas na minorya sa Senado.
02:16Bubuo siya ng ikatlong grupo ng independent bloc kasama si na Sen. E-Bamaquino at Francis Pangilinan.
02:22Kung wala po akong planong sumali sa isang Duterte bloc, kung makukuha nila yung label ng minority,
02:34may option pa rin po ako or kami kung mag-desisyon po kami na isang independent bloc.
02:40Na magpapatuloy talaga sa pag-check and balance, magpapatuloy sa pag-fiscalize,
02:45at pati sa labas ng Senado, magpapatuloy sa pagbubuo ng oposisyon.
02:52Pareho sa Duterte at kina-presidente.
02:56Para sa Jimmy Integrated News, Katrina Son, nakatutok 24 oras.

Recommended