Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 7/21/2025
Inaasahang tatalakayin ni Pangulong Bongbong Marcos ang 20% taripa sa philippine exports sa Amerika sa mga pulong niya sa kanyang official visit doon. Ito ang unang pagkakataon na may tinanggap na Southeast Asian leader si U.S. President Donald Trump matapos ang ikalawang panalo niya.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sa ibang balita ay naaasahang tatalakay ni Pangulong Bombong Marcos
00:04ang 20% taripa sa Philippine exports sa Amerika
00:09sa mga pulong niya sa kanyang official visit noon.
00:13Ito ang unang pagkakataon na may tinanggap na Southeast Asian leader
00:17si U.S. President Donald Trump matapos ang ikalawang panalo niya.
00:22Mula sa Washington, D.C., nakatutok si Sandra Aguinaldo.
00:25Makailang beses nang nakabisita si Pangulong Bombong Marcos sa Amerika
00:33mula ng maluklok sa pwesto.
00:35Pero ang pagbisita niya ngayon ay unang pagkakataon ding may tinanggap na Southeast Asian leader
00:41si U.S. President Donald Trump matapos ang ikalawang panalo nito.
00:46Sa kanyang official visit, pinatira siya ni Trump sa makasaysayang Blair House,
00:51guest house para sa mga bisita ng U.S. President, nakatabi ng White House.
00:57It would be wonderful for him to stay there because when his parents were invited here by President Reagan,
01:10they stayed at the Blair House.
01:14Bantay sarado ng U.S. security ang Blair House
01:17na sinugod ng mga kontra sa pagpupulong nila ni Trump.
01:21Maki baka!
01:23Huwag matakot!
01:25Huwag matakot!
01:28Maki baka!
01:30Maki baka!
01:31Ngayon, lunis na umaga sa Amerika, nakatakdang makapulong ni Marcos si Defense Secretary Pete Hegg Seth sa Pentagon,
01:40ang headquarters ng U.S. Defense Department.
01:43Masusundan niyan ng hiwalay na pulong kay U.S. Secretary of State Marco Rubio.
01:47Inaasahang tatalakayan nito ang defense and security cooperation sa pagitan ng Pilipinas at Amerika sa gitna ng mga agresibong hakbang ng China sa West Philippine Sea.
01:59Isa po sa pag-uusapan dito yung 20% tariff na ipapataw ng Amerika sa mga produktong papasok mula sa Pilipinas sa pag-asang makabubuo ng trade agreement na makakabuti sa dalawang bansa.
02:13Para magkatugma yung relationship, kailangan tama lang for both sides.
02:18So we have to always think on those bases now. Hindi na pwede yung anong pwede natin makuha sa isang bayan.
02:26Pagbibida rin ni Romualdez, maganda ang pagsisimula ng ugnayan ni na Trump at Marcos mula nung mag-usap sila sa telepono matapos manalo si Trump sa eleksyon.
02:36In that phone call, as you probably may recall, President Trump recalled his meeting Mrs. Imelda Marcos, the mother of the President.
02:46And that basically set the tone. That personal connection obviously is significant.
02:51Nakatakdari makipagpulong si Marcos sa mga business leaders dito, kabilang dyan mula sa semiconductor industry,
02:58mga interesado sa Luzon Corridor, mga nagpaplanong mag-expand na negosyo sa Pilipinas, maging yung may mga malalaki ng negosyo sa bansa.
03:07Kaugday naman sa kontrobersyal na immigration policy ni Trump na naghihikpit sa mga dayuhan na iligal ang pananatili sa Amerika,
03:15sabi ni Romualdez, malamang hindi na ito matalakay.
03:19The bottom line is, there is really not much room for discussion, but to simply work in such a way that all Filipinos that are up for deportation will be deported to the Philippines and not to their country.
03:34Mula dito sa Washington, D.C., Sandra Aguinaldo, Nakatutok, 24 Horas.

Recommended