Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/12/2025
Malaman din ang mensahe ni Pangulong Bongbong Marcos ngayong Araw ng Kasarinlan. Panagutin aniya ang mga opisyal na nang-aabuso. Iginit din niyang tuloy ang laban para sa kalayaan sa gitna ng mga banta tulad ng fake news.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Malaman din ang mensahe ni Pangulong Bongbong Marcos ngayong araw ng kasarinlan.
00:07Panagutin niya ang mga opisyal na nang aabuso.
00:10Iginiit din niyang tuloy ang laban para sa kalayaan sa gitna ng mga banta tulad ng fake news.
00:17Nakatutok si Ian Crew.
00:21Mula sa flag racing at pag-aalay ng bulaklak sa bantayog ni Gat Jose Rizal sa Luneta.
00:30Hanggang sa parada ng kalayaan sa Quirino Grandstand,
00:33pinangunahan ng Pangulo ang pagdiriwang na ikasandaan at 27 araw ng kalayaan ng Pilipinas.
00:40Kasama ng Pangulo si First Lady Lisa Araneta Marcos at mga anak,
00:44mga miyembro ng gabinete, diplomatic corps at iba pang panauhin sa parada ng kalayaan.
00:51Ipinakita rin ang mga aset ng ating sandatahan na handang ipagtanggol ang bansa sa oras ng pangangailangan.
00:57Dinala naman sa Quirino Grandstand ang mga dinarayong festival na natutunghayan sa iba't ibang panig ng kapuloan.
01:06Sa kanyang talumpati, kinilala ng Pangulo ang kabayanihan ng ating mga ninuno.
01:11Sabi ng Pangulo, ang totoong kalaban-umanoh ng kalayaan ang pagiging manhid sa hinain ng taong bayan.
01:18Kalagayan ng kapwa ang mga nagmamalabis.
01:22Maging ang mga nagkukulang ng mga opisyal, dapat daw papanagutin.
01:26Iwas to ang ating pagkukulang.
01:29Pananagutan natin, hindi lang ang mga umaabuso sa tungkulin,
01:35maging ang mga nagkukulang sa paglilingkod.
01:39Dahil mas madadaman ang Pilipino ang kalayaan kung may pagkain sa hapag,
01:45may maayos na transportasyon, may gamot para sa mga may sakit,
01:49at may dignidad ang bawat manggagawa.
01:52Mensahe niya sa bawat isa, ipaglaban ang ating kasarilnan sa gitna ng mga banta rito.
02:00Ayon sa Pangulo, hindi basta ibinigay na lamang sa atin ang kalayaan,
02:03bagkus ay produkto ito, na mga paghihirap at sakripisyo ng ating mga ninuno.
02:08Kaya naman, dapat daw natin itong pangalagaan,
02:10lalo na sa mga banta ng fake news at mga maling impormasyon.
02:14Ang mga kasinungalingan, walang hangganan, mga balitang walang katotohanan at maling impormasyon,
02:21ito ang mga salut sa ating kalayaan.
02:25Nakakalungkot din na may ilan din sa ating mga kababayan ay pinipilit ang maling paniniwala
02:33para sa interes ng iba at hindi para sa kapakanan ng ating mga kababayan Pilipino.
02:40Magiging bapanuri tayo lagi.
02:43Alamin natin ang totoo.
02:45Labanan ang mga kasinungalingan.
02:48Sa gitna ng mga hamon, dapat daw manindigan para sa tama.
02:52Piliin natin maging tapat kahit walang nakakakita.
02:56Piliin natin na manindigan, lalo na kung may nagkakamali.
03:02Nagsagawari ng mga paggunitan ng Araw ng Kalayaan sa iba't ibang panig ng bansa sa pangunguna ng ilang opisyal.
03:09Para sa GMA Integrated News, Ian Cruz, Nakatutok, 24 Horas.

Recommended