24 Oras: (Part 3) Nasa 5 toneladang carrots, itinapon dahil 'di na maibenta kahit bagsak-presyo; litrato ng mga lehitimong doktor, ginagamit umano ng mga scammer sa messaging apps para makakuha ng pera; Status nina Jillian at Raheel Bhyria, ano na nga ba?, atbp.
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
01:53Para sa GMA Integrated News, Ian Cruz, na kanupo, 21 oras.
01:57Umabot na sa alabing siya ang naitatalang kaso ng MPOX sa South Cotabato.
02:05Ayon sa kanilang Provincial Health Office, naka-isolate ang mga tinamaan ng sakit.
02:10Patuloy din minomonitor ang kanilang mga close contact.
02:14Sa magsaysay Davao del Sur, may naitala na rin isang kaso.
02:18Naka-isolate at minomonitor na siya pati ang kanyang mga kaanak.
02:22Ang MPOX ay isang viral disease na naipapasa kung magkakaroon ng kontak sa butlig, paltos, pati na sa laway, sipon, plema at iba pang likido ng pasyenteng may MPOX ayon sa Department of Health.
02:40Bukas daw si Senadora Nancy Binay na makipag-usap kay Tagig Mayor Lani Caitano para ayusin na ang hidwaan sa pagitan ng Makati at Tagig.
02:48Pero kung magka-dialogo man para sa papaupong alkalde ng Makati, mas mabuting huwag na raw sumama ang asawa ni Mayor Lani na si Senador Alan Peter Caitano.
02:58Nakatutok si Mav Gonzales.
03:04Para matuldukan na ang girian ng Makati at Tagig, bukas daw si Makati Mayor-elect Nancy Binay na unang makipag-usap kay Tagig Mayor Lani Caitano.
03:13Okay lang sa akin mag-initiate. Sabi ko nga, di ba, kami ni Mayor Lani, ilang beses na kami nagkikita sa mga events, wala kaming issue, wala kaming problema.
03:24So madali para sa aming dalawa ang mag-usap.
03:27Ang hirap kaya nakaaway mo yung kapitbahay mo.
03:31Kailangan talaga namin mag-usap ni Mayor Lani para maayos itong gulo between Makati and Tagig.
03:39Kasi ayoko din naman na maapektuhan yung mga kababayan ko sa embo.
03:46Idineklara na ng Supreme Court na nasasakupa ng Tagig ang sampung embo barangays.
03:50Pero may demandahan ang dalawang syudad dahil ipinaglalaban ng Makati na pagmamayari pa rin ito ang mga aset ng barangay,
03:58gaya ng mga barangay hall, public park at health center.
04:01Sabi ni Binay, pag upo niya bilang mayor, hindi raw niya ipagkakait ang serbisyo sa mga taga-embo.
04:06Yung ownership, hindi tayo nag-aagree na it is already part ng property ng Tagig.
04:16Pero yung paggamit for the meantime, parang hindi natin kukontrahin yun.
04:21Kasi sayang naman eh, nandoon na yun, natayo na yun.
04:26So bakit ko naman ipagkakait sa mga taga-embo yung paggamit ng mga facilities na yun.
04:31Pero kahit bukas siyang makipag-dialogo kay Mayor Lani, mas mainam daw kung hindi na sumama sa pulong si Sen. Alan Peter Cayetano.
04:39Matatandaang si Cayetano ang nanguna sa Senate investigation sa umano'y katiwalian ni dating Vice President Jejomar Binay noong siya pa ang alkalde ng Makati.
04:48Ilang beses ding nagkasagutan si Sen. Binay at Sen. Cayetano sa mga pagdinig ng Senado kabilang sa issue ng new Senate building.
04:56Mas maganda na kaming dalawa na lang para walang mga baggages.
05:02Ikinatuwa naman ni Mayor Lani ang pahayag ni Sen. Nancy.
05:05Lalo't sinisikap daw talaga nilang maibigay ang pinakamagandang serbisyo sa embo barangays.
05:11I am also very excited to work with Mayor Nancy Binay.
05:16I think marami kaming mapapagtagumpayan ng mga programa.
05:20Dahil marami naman kami ng mga programang aligned.
05:26Lalo na pag yung interest, yung convenience, and yung welfare ng mga kababayan natin ang pag-uusapan.
05:34Samantala susulat daw si Sen. Nancy sa kapatid niyang si outgoing Makati Mayor Abby Binay
05:39ukol sa transition sa City Hall.
05:42Hindi pa raw sila nakakapag-usap.
05:44Pero umaasa pa rin daw siyang magkakaayos silang magkapatid, lalo ngayong tapos na ang eleksyon.
05:48Matatanda ang tinalo ni Sen. Nancy sa pagkaalkalde ng Makati
05:52ang kanyang bayaw at asawa ni Mayor Abby na si Congressman Luis Campos.
05:57Kahit anong dahilan, basta at the end of the day, mag-aayos kami dapat magkakapatid.
06:03And pwedeng hindi ngayon, but in the future.
06:06Kasi naiintindihan ko din baka may mga sugat pa na na-create
06:11dahil dun sa laban na nangyari sa amin sa lokal.
06:15Pero diba, paulit-ulit ko namang sinasabi, hindi ako nagsasara ng pinto na mag-aayos kami magkakapatid.
06:22Sinusubukan pa namin makuha ang panig ni Mayor Binay.
06:25Para sa GMA Integrated News, Mav Gonzalez, Nakatutok, 24 Oras.
06:33Magandang gabi mga kapuso!
06:35Ako po ang inyong Kuya Kim na magbibigay sa inyo ng trivia sa likod ng mga trending na balita.
06:39Mahirap daw sumakses kahit na mag-step by the step ka sa pag-akyat sa isang hagdan sa kagayan ni Oro City.
06:46Ang steps kasi nito, napaka-steep o pagka-tarik-tarik.
06:49Bakit kaya pahiking o rock climbing na ang naturang hagdanan?
06:53Talawang rolong sa katoktok.
06:56Ang hagdan ito, nilaro o pinagdisikitahan ng mga netizen online.
07:01Napaka-tarik kasi ng disenyo nito.
07:03Grabe katoktok na hagdan.
07:04Puna nila, delikado raw ito.
07:06Hindi pwede sa mga may amats o mahina ang buto-buto.
07:09Puro gana-dano yan.
07:11Stairway to heaven yan, lods.
07:13Di nyo alam bakit ganyan style niyan.
07:15May explanation yan.
07:16Di nyo dapat pinagtatawanan.
07:18Ang barang hagdan matatagpuan sa dike ng Baragay Tablon sa Cagayan de Oro City.
07:23Na-curious kami na may ganito palang hagdan dito.
07:25Kasi yung sa amin kasi sir is napaka-formal yung pagkagawa.
07:28Tsaka hindi po delikado.
07:30Halos sumakit daw ang tuhod ni Ariel ng inakyat baba niya ito.
07:33Kaya panawagan nila.
07:49Ano naman kaya ang masasabi dito ng kinaukulan?
07:51Kuya Kim, ano na?
07:57Sumangguni ang aming team sa Department of Public Works and Highways o DPWH Region 10.
08:02Ayon sa kanilang pamunuan, hindi daw pang publiko ang napagdiskitahang hagdanan.
08:06Para lang daw ito sa personal nila na nagmamonitor sa dike.
08:09Hindi po siya mali for the reason that hindi po siya designed sa community settlers.
08:14Para lang po siya sa monitoring ng maintenance personnel po ng DPWH.
08:19Hindi rin daw pwede palawakin ng hagdanan para hindi maka-apekto o makaabala sa kalsada.
08:23Na possible po ba na nagyan ng signage?
08:28Possible naman po para rin po yun sa safety po ng mga bata.
08:32Yun sa nagbara is may railings pa.
08:34So baka naman talagang aakyat din po talaga nila yung hagdanan.
08:39E kamusta naman kaya ang ating mga buto-buto?
08:42Kung ang pinakamahabang hagdan sa buong mundo naman ang ating aakyat din?
08:45Ang record holder para sa pinakamahabang hagdan sa buong mundo
08:52awaktang Nissan Van Funicular Railway na matatagpan sa Switzerland.
08:56Sa taas nitong 1,669 meters, meron na lang naman itong 11,674 steps.
09:02Mga empleyado lamang ang madalas na gumagamit nito.
09:05Pero taon-taon may ginaganap nitong public run.
09:08Kung sasali man ako rito, tiyak, hingal is real.
09:12Samatala para manaman ng trivia sa likod ng viral na balita,
09:14i-post o'y comment lang, hashtag Kuya Kim.
09:17Ano na?
09:18Laging tandaan, kimportante ang may alam.
09:21Ako po si Kuya Kim, magsagot ko kayo 24 hours.
09:25Ikinagulat ng isang doktor na nagkautang siya sa kanyang boss.
09:29Yun pala, may gumamit ng kanyang litrato sa isang messaging app para makapanloko.
09:35Yan po ang tinutukan ni Rafi Tima.
09:40Katatapos lang daw mag-usap sa isang social media app ni Doc Gwen at kanyang boss
09:44nang makatanggap muli ito ng mensay sa iba pang messaging app nitong lunes.
09:48Litrato ni Doc Gwen ang gamit ng sender.
09:50Nanghihiram daw ito ng pera.
09:52Dahil litrato ni Doc Gwen ang lumabas, hindi daw nagdalawang isip magpautang ang kanyang boss.
09:56Very urgent daw po yung message.
09:59Sobrang concern.
09:59So, akala niya ako talaga yung may kailangan.
10:02Nag-utos agad siya doon sa staff to send po yung money na hinihingi po sa kanya, which is around 40,000.
10:08Hindi na raw tinek ng boss na ibang numero ang gamit ng nagpakilalang Doc Gwen.
10:13Kinabukasan, muli raw ng hiram ng pera ang umunoy Doc Gwen.
10:16Dito na lang tumawag ang kanyang boss at nadiscovering hindi ang tunay na Doc Gwen ang kateks.
10:21Dahil na alarma, pinost ni Doc Gwen ang karanasan sa Facebook at ipinadala sa group chat ng mga kapwa doktor.
10:26Marami na din po palang victims na ginagamit po yung pictures po ng doktor.
10:32Pero the thing is, iisa lang po yung Viber number at iisa po yung GoTime account.
10:37Iisa raw ang modus ng scammer.
10:39Sabi emergency din daw po, rush, wala ibang matakbuhan.
10:44So naawa agad without thinking, pinadala po agad.
10:47And of course po, syempre kami mga doktors, busy.
10:50Usually we don't have the time to double check.
10:53Nang tawagan ni Doc Gwen ang numerong gumamit sa kanyang litrato,
10:55na-discovering niyang profile pic ng ibang doktor naman ang gamit ng kawatan.
11:00Pangamba ni Doc Gwen hanggang sa mga oras na ito,
11:02patuloy ang pang-i-scam ng taong ng loko sa kanyang boss at sa dalawa pang kapwa doktor.
11:07Nakatakta siya mag-high ng reklamong identity theft sa PNP Anti-Cyber Crime Group.
11:12If may nag-message po sa inyo na hindi po kayo sure asking for money,
11:17please double check po.
11:18Better if tawagan niyo po to confirm kung sila po talaga yung kausap niyo po.
11:23Ayon sa PNP-ACG, bahagyang dumami ang insidente ng identity theft sa unang limang buwan ngayong taon,
11:28kumpara noong nakarang taon.
11:30Kaya mahalagang may report agad sa mga otoridad kapag nabiktima ng cybercrime.
11:34It's very important po na dugulog sila sa amin dito para mag-report.
11:39Sa ganyan malaman namin kung anong nangyari po.
11:42And also para makapag-request po tayo ng preservation of data,
11:45nakatigman, i-deactivate na lang yung mga accounts na yun,
11:49ay makikita pa rin natin or matitrace pa rin natin yung mga kung paano na-create ang account.
11:55And doon po tayo magsimula sa investigation po natin.
11:58Para sa GMA Integrated News, Rafi Tima Nakatutok, 24 Horas.
12:04Ibinasura ng Justice Department ang reklamong inihain ni dating Pangulong Rodrigo Duterte
12:10laban sa ilang opisyal at mga pulis na naghalughog sa Kingdom of Jesus Christ
12:16para aristohin si Pastor Apolo Kibuloy noong isang taon na nakatutok si Salima Refran.
12:27Matinding tensyon na nauwi pa sa karasaan ang ginawang paghalughog noon ng pulisya
12:32sa compound ng Kingdom of Jesus Christ sa Davao.
12:34Ang pakay para arestuhin si KOJC founder, Pastor Apolo Kibuloy.
12:40Dahil diyan, naghain noon ang reklamo laban sa pamahalaan si dating Pangulong Rodrigo Duterte
12:45bilang property administrator ng KOJC.
12:49Ito ang malicious mischief at violation of domicile