Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 4/29/2025
Bago ibenta sa Visayas sa Huwebes, ipinakita ng Department of Agriculture ang mga bigas na mabibili sa halagang P20 kada kilo. SInaing din ‘yan at tinikman.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Bago ibenta sa Visayas sa Huwebes, ipinakita ng Department of Agriculture ang mga bigas na mabibili sa kalagang 20 pesos kada kilo.
00:09Sinaing din yan at tinikman. Nakatutok si Bernadette Reyes.
00:16Bago simulan sa unang araw ng bayo ang bentahan ng 20 pesos per kilo na bigas sa Eastern, Western at Central Visayas,
00:23ipinakita ng Department of Agriculture o DA ang itsura ng bigas na mabibili.
00:27Ito yung itsura ng bigas na ibibenta sa publiko sa halagang 20 pesos kada kilo.
00:33Lulutuin yan ngayon dito para malaman natin kung ano ang itsura ng bigas kapag nasaing na.
00:38Walang amoy, walang kakaibang lasa, pero may mga kaunting imperfections gaya ng maaaring hindi nagaanong maputi at mas maraming basag na butil.
00:46This is basically the 29 and the 33. So it's the same rice.
00:51Kaya nga yung sinasabi nila na pangit ito. Kaya ayaw ko nang banggitin yung sinabi ng ating isang political leader kasi ayaw ko nang palakihin yung issue.
01:02It's the same rice. So kita naman nyo, everybody's buying it and everybody's consuming it.
01:0840 kilos kada buwan ang limit kada pamilya sa Visayas at mga LGUs. Bukas rin ito para sa lahat.
01:1530 kilos naman ang limit bawat pamilya sa Kadiwa para sa vulnerable sectors.
01:19Sa Lato, ibibenta na rin yan sa mga Kadiwa centers sa Metro Manila.
01:24Isusunod ang mga lokal na pamahalaan, pero hinihintay pa ang exemption sa election ban mula sa COMELEC.
01:30Ayon sa DA, kung hindi kaagad maaaprubahan, maaaring mausog ang bentahan pagkatapos ng eleksyon.
01:36Kasama sa pilot testing ang mga LGU na sumuporta sa food security emergency.
01:41At magtatagal hanggang sa katapusan ng Desyembre 2025.
01:45Subsidize o pupunan ang halaga ng bigas.
01:47Pag-hahatian ng LGU at ng Food Terminal Incorporated ang 13 pesos na price difference.
01:53Kung hindi namin mabenta yan at mabulok yan sa aming warehouses,
01:58eh walang value yan. 3 piso na lang per kilo yan.
02:01Sinubukan namin benta ng 33 peso yan,
02:04hindi naman kumagat dahil bumabaan na rin yung presyo ng bigas.
02:08Ang tawag dyan is move out sale.
02:10Bargain, 50% off, 100% off, 30% off.
02:14Para sa GMA Integrated News, Brinadette Reyes, nakatutok 24 oras.

Recommended