Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/11/2025
EXCLUSIVE: Dinikitan, pinalibutan at nilito para madukutan. ‘Yan ang sinapit ng isang biktima sa na-hulicam na modus operandi ng umano’y “Ipit Gang.” Tatlo sa limang miyembro ang arestado.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Dinikitan, pinalibutan at nilito para madukutan.
00:05Yan ang sinapit ng isang biktima sa nahulikam ng modus operandi ng umunoy, ipitgang.
00:10Tatlo sa limang miyembro ang arestado.
00:13Narito ang eksklusibo kong pag-utok.
00:18Abala sa pamimili ang babaeng ito sa isang grocery store sa Quezon City.
00:23Nang bigla siyang palibutan ng limang tao.
00:26Dalawa sa kanila may dalang pushcart at iniharang sa daraanan ng biktima.
00:31Ang pangatlong babae, dumikit sa likuran ng biktima at saka pinuntiriya ang bag nito.
00:37Nasa likuran nila, ang dalawa pa nilang kasabuat.
00:40Grocery basket ang bit-bit na kanilang ginamit para takpan ang ginagawang pagdukot ng kanilang kasama sa bag ng biktima.
00:48Maya-mayay, isa pang babae ang lumitaw mula sa harapan.
00:52Bumara ito sa daraanan na sinundampah ng iba pa niyang kasama.
00:58Organisadong galaw para mapatigil ang babae sa paglalakad.
01:01At nang matapos ang nasa likurang babae sa ginagawang pandurukot,
01:06may dumating ng mga attendant ng grocery.
01:08Pero bago pa magkasitakan,
01:10magkakasabay na bumaklas ang mga suspect na ito bit-bit ang gamit ng biktima.
01:15Ayon sa QCPD, ipitgang ang tawag sa grupong ito.
01:19Binubuo ng hindi bababa sa limang tao at ang modus.
01:23Pinapalibutan nila ang kanilang target.
01:26Guguluhin sa katatangayin ang mga gamit ng biktima.
01:29Nag-operate ang mga ito doon sa mga matataong lugar.
01:32Pag may nakita sila na mayroong bag na usually naka-open, bulky,
01:38at sa tingin nila ay mayroong mga nakalaman na mga valuable items,
01:43ay agad-agad po nila itong palilibutan.
01:46Kakapon, tatlo sa mga membro nito ang nadakip ng QCPD sa area ng Commonwealth Avenue
01:51matapos na makapagsumbong sa kanila ang isang concerned citizen
01:55na naaktukan umano ang mga suspect na nambibiktima.
01:59Marami po mga tao na sumasakay ng bus dyan.
02:03So doon may isang concerned citizen na nakakita na naaktuhan
02:08na itong biktima ay tinatrabaho ng isang salisigang.
02:13Mabilis siya na nakapag-report sa ating mga polis
02:15at yung ating mga polis naman ay agad-agad na nag-responde.
02:20Agarang hinabol ng tropa na naka-duty yung tatlong suspect.
02:26Kaya po nahuli silang tatlo agad.
02:29Basta na-report po agad sa atin,
02:31napakahalaga po na ma-report, may tawag agad sa 911.
02:35Ayon sa mga nadakip.
02:36Hindi ko naman din po kagustuhan na ma-anong dahil sa hirap lang din po ng buhay.
02:40Ano ka doon din sa inyo?
02:42Ayon nga po, para po pangano po ng mga anak po,
02:44na pambili po ng mga gamit sa school.
02:47Nawa rin po ng ano, sa hirap po ng buhay.
02:50Para po sa mga anak ko rin po sa mga pangailangan po, mga gamit po.
02:53Ganun din po, sa hirap din po ng buhay.
02:57Ayan naman nagkagawa ko.
03:00Ang magagawin niyo po sa ito?
03:02May benta po.
03:03Paalala ng polis siya, maging alerto sa paligid at pag-ingatan ang mga gamit na bit-bit.
03:09Dapat talaga, huwag tayo magdala ng malaking halaga ng pera kung umaalis po tayo.
03:14At aware po dapat tayo sa paligid.
03:17Para sa GMA Integrated News, Emil Sumangil, Nakatutok 24 Horas.

Recommended