Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 5/22/2025
Ikinagulat ng isang doktor na nagkautang siya sa kanyang boss. 'Yun pala, may gumamit ng kanyang litrato sa isang messaging app para makapanloko.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Ikinagulat ng isang doktor na nagkautang siya sa kanyang boss.
00:04Yun pala, may gumamit ng kanyang litrato sa isang messaging app para makapanloko.
00:10Yan po ang tinutukan ni Rafi Tima.
00:15Katatapos lang daw mag-usap sa isang social media app ni Doc Gwen at kanyang boss
00:19nang makatanggap muli ito ng mensay sa iba pang messaging app nitong lunes.
00:23Litrato ni Doc Gwen ang gamit ng sender.
00:25Nanghihiram daw ito ng pera.
00:27Dahil litrato ni Doc Gwen ang lumabas, hindi raw nagdalawang isip magpautang ang kanyang boss.
00:32Very urgent daw po yung message. Sobrang concern.
00:35So akala niya ako talaga yung may kailangan.
00:37Nag-utos agad siya dun sa staff to send po yung money na hinihingi po sa kanya which is around 40,000.
00:44Hindi na raw chinek ng boss na ibang numero ang gamit ng nagpakilalang Doc Gwen.
00:48Kinabukasan, muli raw nanghiram ng pera ang umunoy Doc Gwen.
00:52Dito na lang tumawag ang kanyang boss at nadiscovering hindi ang tunay na Doc Gwen ang kateks.
00:56Dahil na alarma, pinost ni Doc Gwen ang karanasan sa Facebook at ipinadala sa group chat ng mga kapwa doktor.
01:02Marami na din po palang victims na ginagamit po yung pictures po ng doktor.
01:07Pero the thing is, iisa lang po yung Viber number at iisa po yung GoTime account.
01:13Iisa raw ang modus ng scammer.
01:14Sabi emergency din daw po, rush, wala ibang matakbuhan, so naawa agad without thinking, pinadala po agad.
01:22And of course po, syempre kami mga doktors, busy.
01:25Usually we don't have the time to double check.
01:28Nang tawagan ni Doc Gwen ang numerong gumamit sa kanyang litrato,
01:31nadiscovering niyang profile pic ng ibang doktor naman ang gamit ng kawatan.
01:35Pangamba ni Doc Gwen hanggang sa mga oras na ito,
01:38patuloy ang pang-i-scam ng taong ng loko sa kanyang boss at sa dalawa pang kapwa doktor.
01:43Nakatakta siya mag-high ng reklamang identity theft sa PNP Anti-Cyber Crime Group.
01:47If may nag-message po sa inyo na hindi po kayo sure asking for money,
01:52please double check po.
01:53Better if tawagan niyo po to confirm kung sila po talaga yung kausap niyo po.
01:59Ayon sa PNP ACG, bahagyang dumami ang insidente ng identity theft sa unang limang buwan ngayong taon,
02:03kumpara noong nakarang taon.
02:06Kaya mahalagang may report agad sa mga otoridad kapag nabiktima ng cybercrime.
02:10It's very important po na dugunog sila sa amin dito para mag-report.
02:14Sa ganyan malaman namin kung anong nangyari po.
02:17And also para makapag-request po tayo ng preservation of data,
02:21na kaatid man i-deactivate nila yung mga accounts na yun,
02:24ay makikita pa rin natin or matiprase pa rin natin yung mga kung paano na-create ang account.
02:30And doon po tayo magsimula sa investigation po natin.
02:34Para sa GMA Integrated News, Rafi Tima Nakatutok, 24 Horas.
02:38GMA Integrated News, Rafi Tima Nakatutok, 24 Horas.

Recommended