00:00Kinilala ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting o PPCRB
00:04ang transparency ng Commission on Election at
00:08mas mabilis na transmission ng mga voto nitong Hatol ng Bayan 2025.
00:14Yan ang ulat ni Joshua Garcia.
00:18Mas mapayapa at maayos ang eleksyon ngayong taon kung ikuumpara sa 2019 at 2022.
00:24Ito ang sinabi ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting sa nagdaang Hatol ng Bayan 2025
00:29Ayon kay PPCRB Spokesperson Ana de Villasingson, hindi hamak na mas mabilis ngayon ang transmission.
00:36Anya, wala pang apat na araw matapos ang halalan, nasa 99.12% na ang transmission na umabot sa transparency server ng PPCRB.
00:45Ito ho ang pinakamataas sa lahat ng automated election since 2010. So, mabilis talaga.
00:53Dagdag pa ng PPCRB, sa kabila ng mga isyo na kinaharap ng mga automated counting machines o ACM,
00:58ay agad naman itong nasolusyonan dahil sa mabilis na tugon ng mga technical support mula sa Commission on Elections.
01:04May ilan din anila silang natanggap na tawag kung saan sinasabi ng mga butante na nadadagdagan ang boto nila matapos ipasok ang balota sa makina.
01:13Pero giit ni Singson.
01:14Banatag ang loob namin dyan kasi meron naman yung random manual audit na kung saan makikita ang may issue kung talagang tama ba yung pagbilang ng balota.
01:25Makikita natin po doon yun.
01:27Samantala, kinilala din ang PPCRB and transparency at responsiveness ng COMELEC nitong nagdaang eleksyon na inaasahan nila magpapatuloy sa mga susunod pang halalan sa bansa.
01:37Joshua Garcia para sa Pamansang TV sa Bagong Pilipinas.