Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 5/15/2025
PPCRV, natanggap na ang huling file mula sa transmission ng Comelec

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Alamin naman natin ang pinakahuling update mula sa PPCRV.
00:04Ang detalya sa Balitang Pambansa ni Rod Lagusad ng PTD Manila Live. Rod?
00:11Sheila, natanggap na ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting o PPCRV ang huling file mula sa transmission sa Comelec.
00:21Ibig sabihin ito, tapos na ang transmission para sa mga may transparency server gaya ng PPCRV.
00:28Sa natanggap na datos ng PPCRV sa transparency server nito, nakatanggap ito ng transmitted results mula sa 92,808 na mga presinto sa bansa o 99.12%.
00:40Dahil dito, ayong kay PPCRV Executive Director Jude Leo, tinapos na ng PPCRV ang operasyon nito sa Data Center 3 ng Comelec sa Makati City.
00:49Pagating sa natanggap na file ng PPCRV, malakian niyang file na kanilang natanggap bandang 2.41 ng hapon.
00:54Kung kaya kinakailangan o kinailangan ng matagal na oras para iproseso ito.
00:59Bago nito, sinabi ng PPCRV na bubuoy na nito ang gap mula sa data na meron sila kumpara sa meron ang Comelec.
01:06Samantala, hinihintay pa ng PPCRV ang mas malalim na paliwanag mula sa Comelec, kasunod pa rin ng mislabeling sa website nito.
01:13Ayon kay PPCRV spokesperson Anna Singson naobserba ng kanilang mga volunteer na mas mataas pa ang naikas o naiboto mula o kumpara sa bilang ng mga restradong botante
01:24o maging sa aktual na bilang ng mga bumoto sa ilang lugar sa website ng Comelec.
01:28Partikular na itong nakita ng PPCRV sa Zamboanga City at Domaguete City.
01:33Ayon kay Singson, una na silang nakipagunayan sa Comelec kaugnay nito.
01:36Sa bahagi naman ng Comelec,
01:56Ayon po ay May 12 ng gabi.
02:02Nagkaroon ng immediate correction dahil nga sa nagkaroon ng kalituan doon.
02:07Kung napansin niyo po on the same May 12, ang pinapakita na nila ay May 15.
02:12Yung May 15, parehas yung bilang na.
02:15Hindi po ba?
02:16So yun po yung sinasabi natin.
02:17In fact, properly discussed na po yan with the PPCRV.
02:21Ayon sa PPCRV, naitama na ito ng kanilang tingnan ang website ng Comelec ngayong araw.
02:28Paliwanag di Singson na ayos nilang maintindihan kung anong maling datos na unang nailagay.
02:34It means that data was in the system, it was wrongly pointed, but what was that number?
02:40And how come that was there in the first place?
02:42I want to be very clear.
02:44We are not saying anything because we want to understand first.
02:49So we would really appreciate very much an explanation.
02:54Tiwala naman ang PPCRV na kanilang makukumpara ito sa kanilang ginagawang audit sa physical election returns.
03:00Samantala sa huling update ng PPCRV na sa 18,996 election returns o 20.36% ng physical election returns
03:09na kanilang natanggap dito sa kanilang command center dito sa Maynila.
03:13Ito ay mula sa National Capital Region at ilang bahagi ng Luzon.
03:16Sheila inaasahan naman na posibleng ngayong gabi ay matanggap na nila ang mga physical election returns
03:23mula sa Cebu, Iloilo at Eastern Visayas.
03:26Habang pagating sa Mindanao, paliwanag ng PPCRV ay kanila muna itong kinokolekta
03:31at sabay-sabay na ipapadala dito sa Maynila.
03:34Habang simula ngayong araw o dito na ngayong araw ay magtatapos na ang 24-hour operations
03:40ng kanilang command center dito sa Maynila.
03:42At simula bukas, ang kanilang operation dito ay mula 9 a.m. hanggang 9 p.m.
03:48At bukas pa rin ang PPCRV sa mga volunteers na nais tumulong sa kanilang ginagawang unofficial parallel count.
03:55Sheila?
03:57Maraming salamat, Rod Lagusan.

Recommended