00:00Bukod sa pag-monitor sa mga paglabag sa No Contact Apprehension Policy o NCAP,
00:06gagamitin din ng PNP ang mga CCTV ng MMDA para pabilisin ang pag-responde ng mga polis.
00:13Yan ang ulat ni Ryan Lesigues.
00:16Hindi lang sa pag-monitor sa paglabag sa trapiko magagamit ang mga CCTV camera ng MMDA.
00:23Gagamitin na rin kasi ito sa 5-minute response time ng PNP.
00:26Ayon kay PNP Chief Police General Nicolás Torre III, ito ay para mapalakas pa ang kanilang estrategiya
00:32alinsunod na rin sa kautusan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na paigtingin ang polis visibility sa mga komunidad.
00:39Sa paglulunsad ng may hulikaw website ng MMDA sa Pasig City,
00:43nagsagawa ng simulation exercise ang PNP chief gamit ang mga CCTV camera ng MMDA.
00:49Naganap sila ng mga lugar na walang polis sa Quezon City gaya ng People Power Monumenta at nagpatakbo siya ng tauhan doon.
00:56Wala pang tatlong minuto, dumating ang polis sa lugar.
00:59Paliwanag ng PNP chief, magtatalaga sila ng tao sa MMDA command center na siyang magiging tulay naman nila
01:05sa command center sa Campo Crame para sa mabilis na dispatching.
01:09Pero kung MMDA makakita niyan at nanikita dito sa mga facilities like CCTV camera sa MMDA,
01:20hindi na kaya na tumawag ng 911 kasi maglalagay na kami rito ng polis na may radio na nakakonect diretsyo sa ating command center.
01:28Samantala, mas madali na ngayong malalaman ng mga motorista ang kanilang mga naging paglabag sa batas trapiko.
01:34Ito ay sa pamamagitan ng May Hulikaw website ng MMDA.
01:38Ayon kay MMDA chairman attorney Don Artes sa May Hulikaw web,
01:42makikita ng mga vehicle owner at driver kung meron silang naging paglabag sa no contact apprehension.
01:48Kinakailangan lang na pumunta sa mayhulika.mmda.gov.ph at iparegister ang plate number o conduction sticker ng sasakyan at MV file number para ma-check ang violation.
02:00Sa ngayon, patuloy na ay sinasaayos ang website pero sa susunod na isa o dalawang buwan ay dadagdagan na ang features nito.
02:07Kasama sa features na ay dadagdag ay violence evidence sa web kung saan pwede na makita ang CCTV footage ng pagkakahuli.
02:15In two months time, pag nag-verify ka, lumabas na may huli ka, makikita mo na rin doon sa app yung video ng pagkakahuli sa iyo.
02:27Plano rin ay dagdag sa web ang fleet management para makapag-register ng multiple vehicles sa isang account na mas pabor sa mga operator.
02:35Plano rin ang MMDA sa susunod na ilunsad ang real-time email at text notification na im-emerge o isasama sa kanilang mobile application.
02:43So, ini-encourage po namin na pag kayo nagparehistro ng inyong sasakyan ay isaman nyo po yung cellphone number or contact details
02:56para po pag may huli yung inyong sasakyan, automatic po makakareceive kayo ng real-time email and SMS notification upon confirmation ng huli.
03:09Ang NCAP ay muling ipinatupad noong May 26 sa kahabaan ng EDSA, C5 Road at ibang major thoroughfares sa Metro Manila.
03:18Ryan Lisigues para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.