00:00Sinimulan na ang konstruksyon ng Legacy Building ng Philippine Children's Medical Center na tinagurian bilang Premier Hospital ng Bansa.
00:09May balitang pambansa si Jel Guzman ng PIA National Capital Region.
00:16Inumpisahan na ng Department of Public Works and Highways o DPWH ang konstruksyon ng 20-story Philippine Children's Medical Center o PCMC Legacy Building sa Quezon City.
00:27Tinagurian bilang Premier Hospital ng Bansa, ang PCMC ay nakatoon sa pagbibigay ng espesyalistang pangangalaga para sa mga bata.
00:35Ayon kay DPWH Secretary Manuel Bonoan, ang naturang proyekto ay nagpapakita na malaking akbang sa infrastruktura ng pangkalusugan ng mga bata, di lamang sa reyon kundi maging sa timog silangang asya.
00:48Dinagdag pa ni DPWH NCR Regional Director Gerard Opulensya, ang naturang proyekto ay magpapataas sa kasalukuyang kapasidad ng PCMC mula sa 200-bed capacity hanggang sa 500-bed capacity upang matugunan ang bilang ng mga pasyente, particular sa oncology, neonatal intensive care at emergency services.
01:10Ang Philippine Children's Medical Center na unang tinawag na lungsod ng kabataan ay itinatag noong 1979 sa pamamagitan ng Presidential Decree No. 1631 na nilagdaan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
01:24Taong 1987 naman ang tawagin itong Philippine Children's Medical Center sa ilalim ng pamamahala ni dating Pangulong Corazon Aquino.
01:32Ang kasalukuyang proyekto ay bahagi ng Build Better More Program ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na naglalayong magbigay ng dekalidad na pangangalagang pediatriko sa lahat ng mga batang Pilipino.
01:45Mula sa Philippine Information Agency, National Capital Region, Jel Guzman, Balitang Pambansa.