00:00Sa iba pang mga balita, balikan natin ang mga magigiting na Filipino mountaineers na umukit sa kasaysayan ng Pilipinas na nakaakyat sa tuktok ng pinaka-mataas na bundok sa buong mundo, ang Mount Everest.
00:14Lahat ng mga pinagdaanan kung gaano kahirap at lahat ng panganib na dulot ito, panuorin sa feature ni Paulo Salamatin.
00:21Sa ibabaw ng mundo, kung saan ang hangin ay manipis, lamig ay matalim at bawat hakbang ay laban sa sariling katawan, naroon ang Mount Everest,
00:40ang pinakamataas na bundok sa buong mundo na may taas na 8,849 meters.
00:47Katumbas ito ng sampung patong-patong na pinakamataas na gusali sa buong mundo, ang Burj Khalifa.
00:54Ngunit sa kabila ng panganib, patuloy ang pagakyat ng mga Pilipinong mountaineers, dala ang pangarap at dangal ng bayan.
01:02Taong 2006, umukit sa kasaysayan si Leo Oracion bilang unang Pilipinong nakarating sa tuktok ng Mount Everest,
01:11kabilang si Erwin Emata at Romy Gartuse sa magkakasunod na araw.
01:16Sa mga sumunod na taon, sinundan ito ni Nanowel Wenceslao, Karina Dayondon at Janet Belarmino,
01:22habang si Reggie Poblador naman ang huling matagumpay na Pinoy na nakaakit sa tuktok ng Mount Everest noon pang 2007.
01:30Pero kasabay ng kanikanilang tagumpay ay ang matitinding panganib na pilit hinaharap ng bawat mountaineer at hindi lahat ay nakakauwi ng buhay.
01:41Sa ngayon, mayroon ng mahigit 300 mountaineers sa buong mundo ang naitalang nasawi o hindi nagtagumpay paakit ng Mount Everest simula ng unang may magtangkang umakit dito noong 1953.
01:53Kabilang dito ang isang Filipino engineer na si Philip Santiago o mas kilala sa pangalang PJ bilang pinakalates na mountain climber na binawian ang buhay sa Everest Expedition kamakailan.
02:06Pero sa kabila nito, noong May 15 lamang, matagumpay na binasag ni Rick Rabe ang halos labing siyam na taong paghihintay sa muling pagakyat ng Pinoy sa summit ng Mount Everest.
02:19At makalipas ang tatlong araw, sinundan nito ng dalawa pang Pinoy na sina Jeno Panganiban at Miguel Mapalad na matagumpay na iwanagayway ang bantera ng Pilipinas sa tuktok ng daidig.
02:30Ito'y mula sa taong paghahanda, pagsasanay sa iba't ibang matataas na bundok at matinding suporta mula sa gobyerno at pribadong sektor na naging susi upang maisakatuparan ang ganitong klaseng achievement ng bawat mountaineer sa buong mundo.
02:46Ang pagakyat ng Mount Everest ay hindi biro.
02:49Magmula pa lamang sa bayan ng Lukla ay aabot na na mga ilang araw bago ka makarating ng Everest Base Camp.
03:00Yes! After one year of saving money, here we go, our dream!
03:08Yes!
03:12The famous Everest Base Camp rock!
03:15Alright!
03:17Oh my God!
03:19What can you say, my friend?
03:21Dreams do come true!
03:22Yes! Dreams become reality!
03:26Yay! Let's go!
03:28Pagkatapos ito ay kinakailangan mo munang tumira dito ng mga ilang linggo para mag-acclimatize o i-adapt ang kondisyon ng klima bago tumungo ng Camp 1, Camp 2 at Camp 3.
03:41Kailangan dito tsagaan at lakas ng loob at syempre tibay.
03:47So everyday, laki kami nag-hike, laki kami kumikilos para at least mga pag-exercise kami.
03:55Again, maraming salamat sa pagdarasa at saka sa suporta nyo.
04:00Kahit mahirap ito, abot natin yan.
04:03Okay!
04:05Matapos malampasan ang hamon ng Camp 3,
04:08ibang usapan na ang pagakyat ng Camp 4 o mas kilala bilang Death Zone.
04:15Literal, no? Your body is eating itself, no?
04:21Walang recovery dito. Talagang magkakasakit. Walang nabubuhay dito.
04:26Ang Death Zone ay tinatawag na Death Zone dahil alam mo na.
04:31Sa taas na approximately 26,000 feet o 8,000 meters above sea level,
04:39dito nagsisimulang bumagsak ang oxygen level sa paligid o manipis na ang hangin dito
04:44na kung saan hindi na sapat para suportahan ng normal na paghinga ng isang tao.
04:50Wala kang choice dito.
04:51Ito lang din kasi ang daan bago tuluyang umakyat sa summit o tuktok ng Mount Everest.
04:58Sa kabila ng mga hamon, hirap at panganib na pinagdaanan,
05:02hinding-hindi mo matatanggal sa mga Pinoy ang magandang ngiti
05:05na dulot ng pagkatuwa sa hindi matatawarang achievement sa kanilang sarili.
05:10Hindi biro ang pagkakit dito.
05:13Oo, sabi nila may pera ka lang, makakakit ka na rito, hindi tito yun.
05:17Huwag niyong magiyahan yun, promise.
05:20Mahirap, mahirap, delikado.
05:22Pero kung aakalain mong tapos na ang kanilang misyon pagdating ng tuktok,
05:27nagkakamali ka dahil mapanganib din ang pagbaba rito
05:31imbis na hagdan o elevator pababa,
05:34mapanganib na niebe, malakas na hangin at piligrong walang kasiguraduhan
05:39ang haharapin nila bago nila masabing matagumpay
05:43ang kanilang buong Everest Expedition.
05:47We love you all.
05:48Palamat sa pagdanasal.
05:51Dahil dyan, dinalan nyo kami sa taas
05:53at dinalik nyo kami ng ligtas dito sa base camp.
05:56Okay, we're safe now.
05:57Ang lahat ng ito ay alay sa lahat ng mga Pilipinong mountaineers
06:01sa mga nagtagumpay, sa mga patuloy na nangangarap
06:05at sa mga hindi na nakabalik ang inyong tapang at determinasyon
06:10ay inspirasyon sa sambayan ng Pilipino.
06:15Paulo Salamatin para sa Atletang Pilipino, para sa Bagong Pilipinas.