00:00Tunay nga na tuwing mahal na araw, ang gawain tulad ng pagkakawang gawa, pagbibigay limos o pagtulong sa nangangailangan o pagsasagawa ng karidad
00:11ay mas na isa sa buhay at nagiging makabuluhan dahil sa araw ng Diyos tungkol sa pag-ibig at kabutiyan.
00:19Panoorin po natin ito.
00:22Likas sa ating mga Pilipino ang pananampalataya.
00:26Malaking bahagi ito ng ating buhay at mas lalo pa natin itong naipapakita tuwing mahal na araw o panahon ng kwaresma.
00:35May iba't ibang paraan ng pagninilay.
00:38May nag-aayuno, may tahimik na nagdarasal, may nagpapabasa, penitensya at alaylakad.
00:46Sa mga panahon ito ng sakretisyo at panalangin, may isa pang paraan ng pagpapakita ng pananampalataya, ang karidad.
00:56Ang karidad o pakaridad ay isang tradisyon ng pagbabahagi ng iba't ibang pagkain tulad ng ginataan o suman sa mga dumadalo sa prosesyon tuwing Bierne Santo.
01:09Ngunit sa ilang lugar, ginagawa rin ito sa ibang araw ng Semana Santa.
01:14Ang tradisyong ito ay nananatiling buhay sa maraming lugar, kabilang nasa Malabon, Bulacan, Tondo at iba pa.
01:22Kung minsan, nauugnay rin ito sa iba pang pagninilay gaya ng Visita Iglesia at alaylakad.
01:29Habang ang mga deboto ay nag-aalaylakad, may mga taong naghihintay sa tabi ng daan o sa tapat ng kanilang mga bahay,
01:36hindi para sumama, kundi para mag-abot ng pagkain at inumin sa sinumang dumaraan.
01:42Ang karidad ay hindi lamang simpleng pamamahagi ng pagkain.
01:47Ito ay isang tradisyon na sumasalamin sa diwa ng pagbibigayan at pagmamalasakit sa kapwa
01:52o ang pakikinig sa pagod na tao para isabuhay ang turo ng simbahan.
01:57Sa pamagitan ng mga simpleng gawain ito, na ipapakita natin ang ating pananampalataya sa konkretong paraan.